CHAPTER 1

877 Words
Dalhia's POV Nakakainis si kuya daewon, bigla na lang siyang pumunta dito sa bahay para lang palayasin ako. Halos naiiyak na ako dahil sa sinabi niya tapos ganito pa yung mangyayari sakin. "Kuya naman, huwag mo naman gawin sakin to oh. Nakikiusap ako." Naiiyak na pagmamakaawa ko sakanya. Umiling ito at seryoso pa din siyang nakatingin sakin. "Buo na yung desisyon ko, lumayas ka dito sa bahay." Sabi nito. "Ano bang ginawa ko bakit ginaganito mo ako kuya?" Naiiyak na tanong ko. "Kung hindi mo sana ginawa yun edi hindi kita papalayasin." Madiin na sabi nito. Nagtaka naman ako. Ano bang sinasabi niya. "Ang ano?" Naguguluhan na sabi ko matapos kong punasan yung luha ko. "Huwag mong sabihin na hindi mo alam." Sabi nito. "Magtatanong ba ako kung alam ko?" Tumingin ito ng masama sakin. "Hindi ba't pumunta ka ng bar at may kasama ka pang lalake. Hindi ba't pinagbawalan kita na pumunta doon pero sinuway mo ako." Bigla tuloy akong natahimik dahil sa narinig ko. "Alam ko lahat ng galaw mo dahlia kahit hindi ako dito nakatira." Madiin na bawat salita na sinasabi nito. Alam na alam ko talaga pag galit siya dahil tinawag niya ako sa pangalan ko. Napayuko ako at nagsisimula nanaman uminit yung sulok ng mata ko. "Ang babaw naman ng dahilan mo kuya, ganon ganon na lang ba? Papalayasin mo ako ng ganon lang. Okay lang naman kay mommy aa." Pagdadahilan ko. "Ang tanong alam ba ni dad to? Diba hindi? Nung nalaman niya alam mo ba kung gaano siya kagalit? Halos sinugod niya ako sa bahay naming ni grace para lang doon." Sabi nito. Lumapit ako sakanya at hinawakan siya sa braso. Magsasalita na sana ako ng biglang dumating si mommy at daddy. "Anong nangyayari dito?" Nagtatakang tanong ni mommy. "Mom. ." Nagmamakaawa na tawag ko sakanya. "Ano ba tong ginagawa mo daewon? Bakit umiiyak si dahlia?" Tumingin si kuya sa gawi nila. "Pinapalayas ko." Simpleng dahilan nito. "Dad. . Please tulungan mo po ako." Nagmamakaawa na sabi ko. Umiling ito. Lalo akong naiyak dahil sa ipinakita ni dad. Kung nandito lang si kuya Damien. "Sumunod ka na lang sa gusto ng kuya mo. Mag-impake ka na at umalis ka." Seryosong sabi ni dad. Umiling ako. "Mommy. . . Pakiusapan niyo po si dad please." Lumapit sakin si mommy at niyakap ako habang hinahaplos yung buhok ko. "Shhh. Gagawa ng paraan si mommy kung hindi ka titira dito magstay ka na muna kay Kuya Christian mo." Sabi nito. Kumalas ito sa pagkakayakap sakin at pinunasan yung luha ko. "Ayusin mo na yung gamit mo anak. Habang inaayos mo tatawagin ko si Christian para ipaalam sakanya. Ihahatid kita sa kanya okay?" Mahabang paliwanag nito. Tumango ako Umakyat na ako patungo sa kwarto ko saka kinuha yung maleta sa ilalim ng kama ko saka tumungo sa closet ko saka kinuha lahat ng mga gamit ko at nilagay sa loob ng maleta. Kinuha ko na din yung mga personal gamit ko kahit hair blower kinuha ko saka nilagay lahat lahat at sinarado. Aalis ko ng nakapambahay tutal wala na din naman kina dad. Nakablack short-short lang ako saka pink shirt at nakahoodie pinatner ko din ng kulay gray na vans. Kinuha ko na din yung backpack ko saka na ako lumabas ng kwarto bitbit pa din yung maleta ko. Pagkababa ko nadatnan ko sina mommy at daddy na nag-aaway. Napatigil lang sila ng makita nila ako. Lumapit sakin si mommy at kinuha yung maleta ko. "Saan ka pupunta Abigail?" Galit na tanong ni dad. "Wala kang pakialam." Sabi nito saka ako hinila palabas, pero kahit lumabas kami naririnig ko pa din yung boses niya. "Huwag mo akong tatalikuran Abigail! Nag-uusap pa tayo!" Galit pa din na sabi nito, pero hindi nakinig si mommy. Pinasakay niya ako at pumasok naman siya sa driversit. Pagkarating namin sa mismong bahay ni Kuya Christian bumaba na kaagad ako. Bago nagpaalam si mommy bigyan niya ako ng Card para daw kung sakaling kailangan ko kumuha daw ako dun kahit meron akong sariling account bigyan niya pa din ako. Huminga muna ako ng lalalim bago nagdoorbell ilan Segundo lang ay may nagbukas ng pinto yun ay si Kuya Christian "Pasok ka gail." Sabi nito at niluwagan yung pagkakabukas ng pintuan. Pumasok naman ako. Tumingin ako sa buong bahay ni kuya simple pero maganda. Pinaupo niya ako at umupo naman siya sa tabi ko. "Alam ko lahat ng nangyari gail dahil naikwento ni tita lahat sakin. Magstay ka dito sa bahay ko hanggang maging maayos ang lahat okay?" Sabi nito at hinawakan niya pa yung kamay ko. May bigla tuloy akong naramdaman dahilan para tanggalin ko yung kamay ko sa pagkakahawak niya. Posibilidad kaya na naramdaman niya din yun? Hindi naman siguro. Ngumiti lang ako. "Oo. Salamat kuya." Sabi ko sakanya, ngumiti din ito pero nakatingin pa din siya sakin para tuloy nailang ako sa klase ng pagtitig niya sakin. "Hmmm. Kuya pwede ko bang malaman kung saan yung kwarto ko?" Nag-aalangan na tanong ko dahil nakatingin pa din siya sakin. s**t! "Pangatlong pintuan sa kanan. Yun na yung kwarto mo." Sabi nito. Ngumiti lang ako ng tipid saka tumayo. "Thank you kuya. Akyat na muna ako." Paalam ko saka dali-daling kinuha yung maleta ko pati yung bag ko saka umakyat.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD