Christian's POV
Nakatingin lang ako kay dahlia habang paakyat ito. Napansin ko yung suot niya buti pinayagan siya ni daewon na umalis na ganyan yung suot niya. Knowin him super protective siya sa kapatid niyang babae dahil siya lang yung nag-iisang prinsesa ng mga Cohen. Hindi rin nakaligtas sakin yung mga mata niya na sobrang maga na sa kakaiyak. Pansin ko din na mukha yatang nailang siya sa klasse ng pagtingin ko sakanya. Hindi ko lang maiwasan na hindi tumitig sakanya lalo na sobrang ganda niya.
Kasalukuyan lang akong nakaupo ng biglang tumunog yung phone ko. Pagkatingin ko tumatawag si Elijah. Isa sa mga taong pinagkakatiwalaan ko bukod kay daewon.
"Hello? Napatawag ka?" Kaagad na sabi ko sakanya sa kabilang linya.
"Anong balita? Nandyan na siya?" Bungad nito kahit hindi niya pa sinagot yung unang tanong ko.
Natawa ako. Mukhang excited pa siya sakin. "Oo nandito na. Mukha nga siyang nailang nung hinawakan ko yung kamay niya." Kwento ko.
"Ikaw kasi gumagawa ka na kaagad ng move, wala pa man. Pupunta ako dyan, gusto ko siyang makita." Sabi nito.
"Magtigil ka dyan. Hindi pwede."
"Selos ka naman kaagad." Nang-aasar na sabi nito. "Pero seryoso nga pupunta ako dyan. Ako na yung unang manliligaw sakanya." Dagdag na sabi nito.
Bigla tuloy akong nakaramdam ng inis dahil sa narinig ko. "Subukan mo lang, kahit kaibigan kita papatulan kita tignan mo." Seryosong na sabi ko.
Tumawa lang ito tila hindi affected sa sinabi ko. "Chill lang! Biro lang yun, pero pupunta nga ako." Sabi nito.
"Huwag mo lang papatulan." Sabi ko bago binaba yung tawag niya.
Pumunta ako sa kusina saka nag-umpisang nagluto gutom na ako saka yayayain ko si gail baka gutom na din siya. Ilan minute lang ay natapos kaagad ako dahil tapa lang yung niluto ko. Naglabas na din ako ng dalawang plato saka dalawang pares ng Kutsara saka Tinidor.
Pagkatapos umakyat na ako patungo sa kwarto niya. Una kumatok muna ako pero walang sumagot kaya binuksan ko na yung pintuan. Natadnan ko siya na natutulog habang yung mga gamit niya nasa sulok lang malapit sa closet.
Lumapit ako sakanya saka muli siyang tinitigan. Napansin ko na hindi na niya suot yung hoodie niya at naka pink shirt na lang siya. Ang ganda ng curve nung katawan niya, pwede pa naman siyang maging model, wala pa man tutol na kaagad yung mga kuya niya kahit okay lang kina tita Abigail.
Gigisingin ko na sana siya ng bigla siyang napabangon. Umupo ako sa kama niya. "What happen gail?"
Tumingin ito sakin. Umiling lang ito saka ngumiti ng tipid. "Wala kuya."
"Are you sure?" Sabi ko habang hinahaplos yung buhok niya na sobrang lambot hanggang bewang pa yung buhok niya.
"Oo. Ano palang ginagawa mo dito kuya?" Nagtatakang tanong nito.
"Gigisingin na sana kita para kumain, kaso mukhang may napanaginip ka yata." Sabi ko.
Bumangon ito saka binuksan yung maleta niya at pansin ko na madami talaga siyang dala. Hindi ko inaasahan na gagawin talaga to ni daewon lalo na alam ko na mahal niya talaga yung kapatid niya. Kinuha niya pala yung tsinelas niya.
Humarap ito sakin habang inaayos yung buhok niya. "Tara na kuya." Sabi nito saka naunang lumabas.
Nakatingin lang ako sa likod niya habang pababa kami. "Buti pala nakalabas ka nang bahay niyo na ganyan yung suot mo?" Biglang tanong ko.
Dumeretso kami sa dinning room. Nauna itong umupo habang umupo naman ako kaharap siya. "Wala naman silang magagawa dahil pinalayas na din naman nila ako." Sabi nito.
Tumango lang ako. "Habang nandito ka sa bahay feel free ka na magkwento sakin kahit ano pa yan okay? Makikinig ako saka subukan mo na huwag mo akong tawagin na kuya." Sabi ko habang nag-uumpisa na kaming kumain.
"Okay. Susubukan ko dahil hindi ako sanay."
"Gusto ko sanang mapag-usapan natin yung isang rule about dito sa bahay."
"Ano yun?"
"Bawal magpapunta ng lalake dito sa bahay. Except sa mga kuya mo at sa daddy mo. Nagkakaintindihan ba tayo?"
"Paano pag hindi ko nasunod yung pangatlo?" Tanong nito.
Tumingi ako sakanya ng seryoso. "Magagalit ako, iba akong magalit gail baka hindi mo magustuhan." Sabi ko.
"O-okay." Magsasalita pa sana siya ng biglang tumunog yung cellhphone niya.
Tumingin ito sakin. "Excuse me lang C-christian." Sabi nito. Napangiti ako dun sa part na nag-aalangan siyang tawagin ako sa mismong pangalan ko.
Dalhia's POV
Lumayo muna ako ng konti kay Christian dahil tumatawag si Kuya Damien. Huminga muna ako ng malalim bago sinagot.
"Hello kuya."
"Princess. I'm sorry for what happen." Paumanhin nito.
Napangiti ako dahil talagang palaging nandyan si kuya Damien para sakin. "Okay lang yun kuya."
"By the way, saan ka nakatira ngayon? Alam ko pinalayas ka ni Daewon." Seryosong sabi nito.
"Nakatira ako ngayon sa Best friend niya kay Kuya christian." Sabi ko.
"Pinakiusapan ba siya ni mommy na dyan ka muna?"
"Ahmm. Ay oo nga pala kuya. Kailan yung uwi mo?" Tanong ko.
"Ngayon. Pauwi na, bakit?"
"Makikisuyo sana ako sayo kung pwedeng pakikuha yung laptop ko dun sa kwarto ko nasa study table."
"Osige bukas. Saan ko ba ihahatid. Gusto na din kitang makita, I miss you princess."
"I miss you too kuya, sa café na lang siguro tutal pupunta ako bukas ng umaga doon para mamonitor ko yung mga gagastusin na gamit." Paliwanag ko.
"Osige. Good night na princess. See you tomorrow."
"See you kuya." Paalam ko bago ko binaba yung tawag.
Lumapit ako sa pwesto ni Christian, saka kinuha yung pinagkainan niya pati din yung akin kinuha ko na. "Sino yung tumawag?" Tanong nito.
Pumunta ako sa sink in saka inumpisahan linisin yung mga pinagkainan naming. "Si kuya Damien. Nalaman na kasi niya na pinalayas ako ni kuya daewon sa bahay." Sagot ko.
"Ahmm. Ganon ba. By the way gusto mo bang sumama sakin sa laguna? Uuwi ako samin birthday kasi nung pamangkin ko." Anyaya nito.
"Di kaya nakakahiya?" Tanong ko.
Binanlawan ko na yung mga plato saka nilagay sa lalagyanan saka humarap sakanya. "Hindi yan. Sama ka na." Sabi nito.
"Osige. Kailan ba?"
Sabay pa kaming umakyat sa hagdanan, gusto ko na din kasing matulog. "Pagkatapos niyong magmeet ng kuya mo bukas." Sabi nito.
Natigilan ako. "Paano mo nalaman na magkikita kami?" Nagtatakang tanong ko sakanya.
"Narinig ko kanina." Simpleng sagot nito.
Kaya naman pala. "Osige. Dadalian ko na lang bukas kukunin ko lang naman yung laptop ko sakanya saka konting monitor na din sa sales ng café tapos uuwi na ako." Sabi ko
Pagkarating namin sa harapan ng mga kwarto namin hinalikan niya ako bigla sa pisngi dahilan para matigilan nanaman ako. Ngumiti lang siya. "Good night." Sabi nito bago pumasok sa kwarto niya.
Pagkapasok ko sa mismong kwarto ko bigla akong napasandal sa likod ng pintuan dahil sa ginawa niya. Bigla tuloy bumilis yung pintig ng puso ko dahil sa ginawa niya. Umiling ako. Hindi. Hindi. Hindi dahlia.