KINABUKASAN bumangon kaagad ako at dumeretso sa banyo para maligo pagkatapos nagbihis lang ako ng simpleng pink blouse at pinartner ng black short saka black sandals. Hindi naman siguro ako mapapagalitan kay kuya Damien nito dahil sa suot ko. Wala na din naman sigurong pakialam si kuya Daewon dahil pinalayas na niya ako.
Bumaba na kaagad ako matapos kong nagbihis. Pagkababa ko nadatnan ko si Christian na may kausap na babae, nakagiti pa ito. Napairap na lang ako.
Dumeretso ako sa kusina at pumunta ng ref. Kumuha lang ako ng tubig dahil wala naman akong ganang kumain ngayon ng breakfast. Palabas na sana ako sa kusina nung mapansin ako nung kaibigan yata ni Christian, ngumiti ito sakin kaya gumanti din ako ngumiti din ako ng tipid dahil baka akala pa nito masungit ako.
May sinabi ito kay Christian pero hindi ko narinig, tumingin ito sakin. "Good morning gail."
Tumingin pa ito sa suot ko at kumunot-nuo pa siya. "Morning." Tipid na bati ko.
"Anong suot yan?" Salubong na tanong niya.
"Damit at short?" Patanong na tanong ko.
Tuwala lang yung babae. "Alam ko, hindi kaya mapagalitan ka kay daewon nyan?"
Napairap na lan ako. "Hindi naman magagalit yun, pinalayan niya ako kaya no choice siya." Sabi ko.
Napabugtong hininga lang ito pero hindi siya umimik.
Lumapit ako sakanya. "Pwede ko bang mahiram yung car key mo?" Tanong ko.
"Saan ka pupunta? Akala ko sasama ka sakin mamaya?" Tanong nito pero binigay niya pa din naman yung car key niya sakin.
"Thank you. Sasama pa naman ako sayo mamaya, pupunta lang ako ng DGC Café. May kailangan lang akong gawin at kukunin ko yung laptop ko dahil magkikita kami ni kuya Damien saka babalik din naman ako kaagad." Paliwanag ko.
"Ikaw yung may-ari nung Pinakasikat na DGC Café?" Biglang singit nung kaibigan ni Christian.
Tumango ako at ngumiti sakanya. "Oo. Mauna na ako sainyo." Paalam ko. Tumingin ako kay Christian na ngayon ay nakatingin sakin ngumiti lang ako sakanya bago lumabas.
Pumasok na ako sa driver seat at pinaandar. Matagal ko na tong nararamdaman pero alam ko mali, mukha yata sinasadya ng tadhana na mapalapit ako sa taong nilalayuan ko. Lalo na tuwing bumibisita siya sa bahay noon.
Christian's POV
Nakatingin lang ako kay gail na ngayon ay palabas ng bahay. Kinabahan ako kanina akala ko ay hindi siya sasama sakin dahil nakabihis siya.
"Hindi mo sinabi na lalo siyang gumanda ngayon." Natatawang sabi nito.
"Ano nang gagawin ko ngayon? Ngayong malapit na siya sakin. Ni hindi ko nga napigilan yung sarili ko kagabi nahalikan ko siya sa pisngi."
Tumawa lang ito at napailing. "Hindi ko alam sayo, edi huwag mong pigilan yung nararamdaman mo para sakanya. Basta nandito lang ako." Sabi nito.
"Thank you." Nakangiting sabi ko saka siya niyakap.
Ang hirap din naman kasing magtago ng nararamdaman, matagal ko nang gusto si dahlia noon pa man hanggang ngayon walang nagbago. Si Elijah lang yung nakakaalam ng nararamdaman ko para sakanya. Hindi ko maamin kay daewon to, baka kasi tumutol siya.
Noon pa man napansin ko na parang iniiwasan ako ni dahlia tuwing nasa kanila ako at umiiwas siya tuwing magtatama yung mga tingin namin sa isa't isa. Nagpapasalamat na lang ako kay Tita Abigail dahil dito niya pinatira si dahlia baka kasi pag hindi dito dun sa mga kaibigan niya.
Isa akong photographer at businessmanpero, si dalhia malapit pero mukhang ang hirap panghawakan dahil pag nalaman niya na gusto ko siya baka iwasan niya ako.
Dalhia's POV
Pagkarating ko ng DGC Café pumasok na kaagad ako dahil hihintayin ko pa si kuya dito. "Good morning ma'am dahlia." Bati ni Bella
Ngumiti ako sakanya. "Good morning bella, kamusta yung coffee shop?" Tanong ko.
Si bella ang ipinagkakatiwala ko dito tuwing wala ako at isa siya sa mga kaibigan ko kaya pinagkakatiwalaan ko siya.
Lumapit ako sa may counter at umupo sa mismong malapit sa counter malapit sakanya. "Okay naman po ma'am madami pa din naman pumupunta dito sa café. Ayaw niyo po bang umupo dun sa malapit sa glass wall? Kesa po nakaupo kayo sa mismong malapit sa cash counter?"
Napatawa ako dahil sa tanong niya. "Okay na ako dito hihintayin ko na lang si kuya daewon may pinasuyo ako sakanya. Saka kahit hindi ko na imonitor tong café nandito ka naman ee."
Pagkalipas lang ng ilan minuto may tumawag sakin dahil alam ko kung sino lang yung tumatawag sakin ng ganon. "Princess." Napalingon ako sakanya.
"Kuya. ." Masayang tawag ko at mabilis na lumapit sakanya saka siya niyakap.
"Namiss kita princess. Ito pala yung laptop mo saka yung charger nung laptop nandyan na. Ito yung paper bag may mga gummy bear yan saka chocolate." Sabi nito.
Lalong lumapad yung ngiti ko dahil sa narinig ko. "Yes! Thank you kuya."
"Welcome princess. Sorry sa ginawa sayo ni daewon. Gusto mo bang lumipat sa condo ko?"
Umiling ako. "Huwag na kuya pinakiusapan naman ni mommy si kuya christian na sakanya muna ako magsstay hanggat hindi pa nawawala yung galit ni dad sakin." Paliwanag ko.
"Speaking of mommy, hindi niya pinapansin si dad dahil sa ginawa nila ni daewon at natutulog ngayon si mommy sa kwarto mo dahil ayaw makatabi ni mom si dad."
Natahimik ako dahil sa kwento ni kuya, kasalanan ko talaga to at mukhang napansin niya. "Princess huwag mo nang isipin yun. Pag naging okay na yung lahat ipapauwi ka na din nila dad sa bahay."
"Nakokonsensiya ako kuya. Anong gagawin ko ngayon?" Malungkot na tanong ko.
"Basta babalik ka sa bahay pag okay na. Nagkatopak lang si daewon kaya ganon." Sabi nito.
Yumakap ako sakanya dahil hindi ko maiwasan na hindi maiyak lalo na ngayong nalaman ko na hindi okay sina mommy. "Thank you kuya for being there for me." Humigpit yung yakap ko.
Kumalas ito sa pagkakayakap at hinawakan ang magkabilang balikat ko. "You're welcome princess. Palagi lang akong nandito para sayo kahit talikuran ka man nila hindi ako mawawala." Sabi nito dahil sa sinabi niya lalo akong napaiyak.
Pinunasan niya yung luha ko at hinalikan niya ako sa noo. "Kuya naman ee. Thank you."
"Nga pala ngayon ko lang napansin bakit ganyan yung suot mo? Aba naman princess! Umalis ka lang ng bahay ganyan ka na kung manamit." Sabi na nga ba ganito yung sasabihin niya.
Nagpiece sign ako sakanya. "Sorry kuya. Ngayon lang naman to habang hindi pa ako bumabalik sa bahay."
"Hindi. Simula bukas kailangan hindi ka na ganyan kung magsuot ng short dapat jeans. Magsuot ka na lang nang ganyan pag nasa bahay ka ni Christian, pero hindi ganon kaikli, lalaki pa din si christian, hindi dito lalo na madaming tumitingin sayo." Seryosong sermon nito at hinubat nito yung cote niya at tinali sa bewang ko.
Hindi ko maiwasan na hindi kagatin yung lower lip ko dahil sa narinig ko mula sakanya. Seryoso na ee. "Yes kuya. Gagawin ko." Sabi ko.
"Good. Aalis na pala ako may meeting pa ako." Paalam nito.
"Ingat kuya aalis na din naman ako ee kailangan ko nang bumalik sa bahay ni kuya christian." Sabi ko niyakap ko muna siya bago kinuha yung laptop at paper bag.
"Ingat din princess." Sabi nito bago lumabas ng coffee shop. Tumingin ako kay bella at nagpaalam na aalis na ako.
Lumabas na ako at pumunta sa tabi ng daan dahil dito nakaparada yung kotse na hiniram ko. Pumasok ako sa driver seat at nilagay ko naman yung mga gamit at pagkain sa passenger seat.
After 25 minutes nakarating na din ako sa mismong tapat ng bahay ni Christian. Pagkabukas ko nakita ko siyang nakaupo sa may sala at wala itong kasama siguro umalis na yung bisita niya.
Tumingin ito sa gawi ko at ngumiti ito. "Ready ka na ba?" Tanong nito
"Oo, pero sandali lang ilalagay ko lang ito sa kwarto ko." Sabi ko. Tumango lang siya kaya umakyat na ako saka dumeretso sa kwarto ko at nilagay sa kama yung laptop ko saka kumuha ako ng dalawang balot na gummy bear at isang box na dark chocolate sa paper bag at tinanggal ko yung pagkakatali ng cote ni kuya Damien sa bewang ko.
Lumabas na ako at bumaba. Pagkababa ko lumapit kaagad ako kay Christian na mukhang kanina pa naghihintay sakin. Inabot ko kaagat yung hawak ko sakanya at tila parang naguguluhan siya. "Para sayo." Sabi ko.
"Thank you." Nakangiting sabi nito.
"Tara na? Excited na ako." Natatawang sabi ko sakanya saka naunang lumabas ng bahay at sumakay kaagad sa kotse niya.
Ilan Segundo lang ay pumasok na ito sa driver seat at nag-umpisa na siyang magmaneho.
Habang nasa biyahe kami bigla itong nagtanong dahilan para mapunta sakanya yung atensyon ko. "Gail . . . Totoo ba yung narinig ko mula kay daewon na kaya ka niya pinalayas dahil may kasama kang lalake noon sa bar?"
Pati pala yun kinuwento ng kuya ko sakanya. "Oo. Isa siya sa mga kaibigan ko pero hindi nila kilala." Sabi ko.
"Ganon ba? Huwag mo nang gagawin yun." Sabi nito.
Ngumiti ako sakanya. "Oo. Nagtanda na ako ee." Sabi ko.
Ilan oras lang nakarating na kami ng laguna. Bigla tuloy akong kinabahan. s**t! Tumingin ito sakin. "Are you okay?" Nag-aalalang tanong nito.
Tumango ako bilang sagot. "Are you sure? Namumutla ka."
"O-okay lang ako medyo kinakabahan lang." Sagot ko.
Lumapit ito sakin at hinawakan ang kamay ko saka ito pinisil. "Huwag kang kabahan, nandito lang ako okay?" Tumango ako sakanya saka ngumiti.
Huminga muna ako ng malalim bago siya hinila, pero naririnig ko siyang tumawa ng mahina.
Pagkapasok namin sa mismong bahay nakatingin lahat sila samin lalo na sakin bigla tuloy akong napatago sa likod ni Christian.
Tumingin ito sakin. "May problema ba gail?"
Lalo akong nagsumiksik sakanya. "Nakatingin lahat sila sakin." Bulong ko, pero ngumiti lang siya.
Hinila niya ako papunta sa tabi niya. May lumapit samin bigla na babae at may hawig siya kay christian. "Christian, hindi mo sinabi samin na may bisita ka palang sinama dito." Nakangiting sabi nito habang nakatingin sakin.
Ngumiti ako pabalik sakanya. "Hello po. Ako po si Dalhia Gail Cohen, kinagagalak kopo kayong makilala." Pagpapakilala ko sakanya.
"Ikaw ba yung may-ari ng DGC Café?" Tanong nito.
Tumango ako bilang tugon. "Paano niyo po nalaman?" Tanong ko
Tumawa ito at hinila ako. "Hihiramin ko muna si Dalhia anak." Sabi nito saka ako hinila sa mga bisita.
"Sino bang hindi makakakilala sa DGC Café sikat na sikat yun lalo na at palagi namin binabalikan yun kahit ano pa man." Lalong lumapad yung ngiti ko dahil sa narinig ko.
"Maraming salamat po Ma'am?"
"Tawagin mo na lang akong Tita Nori." Sabi nito.
Pinakilala niya ako sa ibang pinsan ni Christian kahit sa mga tita at tito nito ay pinakilala niya ako kahit sa asawa niya. Tumingin ako kay Christian na nakatingin din pala sakin at nakangiti ito. Ngumiti ako pabalik.
"Girlfriend ka ba nang pinsan namin?" Tanong ni Troy, isa sa mga pinsan ni Christian kahit yung mga ibang nandito sa loob ng bahay nag-usisa samin.
Tumingin ako kay troy dahil na kay Billy yung attention ko na pamangkin nila, si billy kasi yung may birthday. Natawa ako dahil sa tanong niya pero umiling ako. "Hindi." Sagot ko.
"We? Yung totoo?"
"Hindi nga." Sagot ko.
"Kung ganon paano kayo nagkakilala ni Christian?" Singit na tanong ni tita nori.
"Bestfriend niya po yung kuya ko tita." Sagot ko.
"Pero buti sinama ka ni Christian at buti napilit ka niya?" Tanong ulit nito.
"Ahmm. Nasa bahay ko kasi siya ma, duon siya naka stay." Singit na sagot ni Christian.
"Sa bahay mo nakatira? Bakit hindi ba siya umuuwi sakanila?" Tanong ng mga ibang pinsan nito.
Tumingin ako kay Christian na nagpapahiwatig na ako na lang yung sasagot. "Ano po kasi. Hmm. Hindi po ako umuuwi samin dahil ano po pinalayas po ako samin." Sagot ko.
"Bakit? Kailan?"
"Kahapon lang po ng gabi. Sinuway ko po kasi yung bilin ng kuya ko kaya siya po mismo yung nagpalayas sakin at sinang-ayunan naman po ng daddy ko." Paliwanag ko.
"It's okay hija, nandito lang kami." Sabi ni tita nori habang si tito chian ngumiti ito at tumango.
Ngumiti ako. "Salamat po." Sagot ko.
Magkukwento pa sana ako nang may biglang may naglagay ng plato sa harapan ko na may kanin at iba't ibang ulam. s**t! May g-gulay pa. Tumingala ako kung sino at si Christian pala yung naglagay.
Nakangiwi akong tumugon sakanya. "Salamat." Sabi ko. Tumayo ako at ipinasa sakanya si billy dahil 2 years old palang ito.
Matapos kong pinabuhat sakanya si billy kinuha ko yung plato na may laman na pagkain. "Anong gagawin mo?" Nagtatakang tanong nito.
"Kakain." Sagot ko.
"Saan?"
"Sa sala niyo." Sabi ko saka pumunta ng sala nila saka naginjan-seat. Nag-umpisa na akong kumain ng bigla akong napangiwi sa lasa dahilan para hawakan ko yung ilong ko saka pinagpatuloy ang pagnguya ko kahit ayoko yung lasa nung gulay. Torture!