CHAPTER 4

1143 Words
Christian's POV Napansin ko na pumunta si mama sa may malapit sa sala at natatawa ito, dahil sa curiosity lumapit ako kung nasaan si mama habang buhat si billy at tumingin sa nagpapatawa sakanya. Kahit yung mga pinsan ko nakilapit na din para matignan. Napabungisngis ako kay dahlia habang kumakain ito. Nakahawak pa ito sa ilong habang kumakain, mukhang ayaw niya sa gulay at talagang sinadya ko para malaman niya yung lasa nung gulay dahil alam ko na hindi talaga siya kumakain. Nalaman ko lang na hindi siya kumakain ng gulay nung pumunta ako sakanila. *FLASHBACK* Habang nasa sala kami biglang nag-aya si tita Abigail na kumain ng lunch at sakto naman na kakababa lang ni dahlia at nakapartner na kulay pink ito na pantulog at mukhang kakagising lang. Lumapit ito sa mommy niya at humalik sa pisngi kasunod na nilapitan nito ay sina daewon at Damien, pinakahuling nilapitan nito ako. Hinalikan niya ako sa pisngi. "Good morning all." Bati nito. Bigla tuloy akong namula dahil sa ginawa niya. Umupo ito sa tabi ni Damien at nang makaupo ito ipinag-lagay ng kanin at ulam ni Damien si gail at mukhang sinadya na ilagay ni Damien ng gulay yung plato niya. "Kuya naman!" Inis na sambit nito "Ano?" Painosente na tanong nito. "Alisin mo to kuya!" Inis na sabi nito. "Dalhia princess, kainin mo kahit konti lang." Pilit ni tita. Umiling ito. "Ayaw mom." Tanggi nito. "Princess. Kainin mo!" Utos ni daewon sakanya. Alam ko na takot si dahlia sa kanya. "Kuya naman. Ayoko nga!" "Pag bilang ko nang tatlo at hindi mo kinain yan sisiguraduhin ko na hindi ka na makakalabas ng bahay." Sabi nito. Umiling pa din si dahlia. "Isa!" "Ayoko nga!" "Dalawa! Pag umabot to nang pangatlo sisiguraduhin ko na hindi ka na talaga makakalabas dito ng isang buwan." Seryosong sabi nito Wala naman nagawa si dahlia kundi ang kainin ang gulay kahit napapangiwi ito. Napangiti na lang ako ng palihim dahil ang cute niyang tignan habang kumakain ng ampalaya. "Kakain ka din pala princess, si kuya lang pala yung magpapautos na gawin sayo to." Nakangiting sabi ni tita. Halos maiyak ito habang kumakain. Masasanay ka din gail. *END OF FLASHBACK* "Bakit ka nakangiti dyan?" Nakangiting tanong ni dad. Umiling ako. "Wala dad, may naalala lang ako." Sagot ko. "Sino naman?" "Wala dad." Natatawang sagot ko habang nakatingin pa din kay gail na kumakain. Pansin ko na gail ang tawag ko sa kanya, siguro nasanay lang ako. - Habang nakaupo kami sa sala, hindi ako makamoveon sa ginawa ni gail kanina. Napapailing na lang ako. Napatingin ako kay dahlia nung hinila niya si mama, pero pinabayaan ko na lang. "Alam ba niya na mahal mo siya?" Biglang tanong ni Annie. Umiling ako. "Hindi pa, saka baka pag nalaman niya layuan niya ako." Sagot ko dahilan para matahimik ito. "Pero alam mo naman na malalaman din niya." Sabi ng iba sa mga pinsan ko. "Hindi ko pa naman aaminin, kahit na gusto ko siya hindi ko pa din naaamin dahil humahanap pa ako ng tiyempo." Sabi ko sakanila. "Ikaw bahala, basta palagi lang kaming nandito sumosoporta sayo." Sabi nila dahilan para mapangiti ako. "Thank you." Sabi ko sakila habang nakangiti. Dalhia's POV Nung nasa sala kami tumayo ako bigla saka hinila si tita nori sa kusina. Natatawa lang ito nung hinila ko siya papunta dito. "Bakit hija?" Tanong nito. "Hmm. May naisip po kasi ako na idea, kaso hindi ko siya magagawa dahil hindi po ako marunong magluto." Nahihiyang sabi ko sakanya. Ngumiti ito. "Ano bang gusto mong iluto? Para kanino at para saan?" "Gusto ko po sanang ipagluto ng adobo yung kuya ko, para peace offering na din po sana." Nakayuko na sabi ko sakanya. Naramdaman ko na lang nang may humahaplos sa buhok ko, napatinggin ako sakanya. "Okay sige. Tuturuan kita." Sabi nito at inumpisahan niyang sabihin. Habang ako inilabas ko lang yung phone ko saka sinusulat yung sinabi niya. Matapos nitong sabihin, itinago ko kaagad yung phone ko. "Thank you po tita." Masayang sabi ko saka siya niyakap pagkatapos kumalas ako sakanya. "Always welcome dahlia, basta special sa anak ko." Nakangiting sabi nito saka kami sabay lumabas ng kusina saka pumunta sa sala at umupo ako sa tabi ni Christian. "Anong ginawa niyo ni mama?" Bulong na tanong nito dahil sobrang dikit naming sa isa't isa. Umiling ako. "Wala lang." Sagot ko saka kumindat sakanya, napailing naman ito dahil sa sinabi ko. "Nga pala Chris, dito na kayo magstay ni dahlia sa kwarto mo dun kayo matutulog kasama si dahlia." Sabi ni tito chian. Tumingin sakin si Christian na parang nagpapaalam. "Okay lang ba gail?" Tanong nito habang nilalaro niya yung buhok ko. Tumango ako. "Okay lang sakin, saka pwede ba tayong bumili ng pasalubong bukas? Bago tayo umuwi? " Tanong ko Ngumiti ito. "Yeah, sure. Daanan na lang natin yung mga tindahan ng pasalubong dito." Sabi nito. Ngumiti din ako sakanya. "Thank you." Sabi ko saka siya niyakap. Ilan minuto lang nagyaya nang matulog si Christian kaya sumama ako, habang nakahiga ako tinignan ko siya na kaagad natutulog na baka nga napagod siya. Samantalang ako hindi ako makatulog. Tinanggal ko muna yung braso ni Christian na nakapalupot sa bewang ko saka bumangon at lumapit sa may bintana saka tinitigan yung mga bituwin. Ilan minuto akong ganon hanggang sa napagdesisyunan ko na bumama, pagkababa ko demeretso ako sa kusina at binuksan yung ref. Pagkabukas ko may nakita akong beer na 5, wala naman sigurong masama kung kukuha ako. Kimuha ako kaagad saka umupo sa may sala. Wala naman sigurong makakapansin sakin tutal nakapatay naman yung mga ibang ilaw dito. Nakakailang beer na din ako at alam ko na medyo tinamaan na ako at parang mainit yung pakiramdam ko, niligpit ko muna yung mga beer in can saka napagpasyahan umakyat. Pagkarating ko sa harapan ng pintuan ng kwarto ni Christian bubuksan ko na sana ng bigla itong bumukas. "Where the hell have you been?" Seryosong tanong nito. Humagikgik ako dahil sa tanong niya pero hindi ko siya sinagot saka lang pumasok at hinubad yung damit ko dahil naiinitan ako saka humiga sa kama. "Magbihis ka! Ngayon din!" Iretadong utos nito. "Hmmm." Yun na lang yung nasabi ko saka pumikit, pero ilan Segundo lang ng nabigla ako dahil pinalo niya ako sa pwet. Hinila nito yung braso ko saka niya ako pinaharap sakanya, pero nakahiga pa din ako. "Ano ba?" Inis na tanong ko. "Pag tinatanong kita huwag mo akong tatalikuran. Sumagot ka kaagad!" Galit na sabi nito saka niya nilapit yung mukha niya sakin dahilan para maduling ako. Hindi ko maiwasan na hindi mapatingin sa labi nito na napakapula, dinaig niya pa yung labi ko. "Amoy alak ka pa!" Galit na sabi nito. Dahil sa inis ko umupo ako saka siya hinila sa batok at hinalikan siya, una natigilan ito pero kalaunan tumugon ito sa halik ko dahilan mapangiti ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD