CHAPTER 19

461 Words
CHRISTIAN Matapos akong tawagan ni tito denver mabilis akong pumunta sa DL Hospital. Pagkarating ko sa hospital nilapitan ko sina tita abigail. "Ano pong nangyari tita?" Nag-aalalang tanong ko. "Tinangka kasing magpakamatay ni dalhia, buti naidala namin siya kaagad dito." Paliwanag na sabi ni tita abigail. "Kasalanan ko ito tita, sorry." Paumanhin na sabi ko. Umiling ito. "No, wala kang kasalanan. Kasalanan ko ito." Singit na sabi ni tito denver. Tumahimik ako dahil doon. "I'm sorry kung humantong ito sa ikakapahamak ng anak ko. Pinoprotektahan ko lang ang anak ko. Sana mapatawad mo ako, kayo ni dalhia." Sinseridad na sabi ni tito denver. "Okay lang tito. Naiintindihan ko." Sabi ko. Lumipas ang isang oras ng bumukas ang pintuan ng ER. "How's my daughter doc?" Tanong ni denver. "She's okay now. Pwede niyo na siyang hintayin sa Room 78. Ililipat na siya doon." Paliwanag ng doctor. "Thank you doc." Pagpapasalamat na sabi ni tita abigail bago kami pumunta sa Room 78. Ilan minuto lang ay nailipat na si dalhia sa hospital bed. Lumapit ako sa kinaroroonan niya. Kinuha ko yung kamay niya kung saan may bandage. Hinalikan ko iyon bago siya tinitigan. Naramdaman ko na lang na gumalaw siya kaya napatingin ako sakanya. "L-loves." Usal na tawag ko. Tumingin ito sa paligid. "A-anong ginagawa ko dito? Anong ginagawa niyo rito?" Sunod-sunod na tanong nito. "Nadatnan ka nila tita na walang malay sa kwarto mo, tinangka mong patayin ang sarili mo, kung tinatanong mo kung bakit narito kami kasi binabantayan ka namin." Paliwanag ko. Tumingin ako kina tita abigail at ngumiti. Ngumiti din sila pabalik. Nagulat na lang ako ng alisin nito ang kamay ko na nakahawak sa kamay niya. "Umalis na kayo, hindi ko kayo kailangan!" Pagtataboy nito. "Princess." Nag-aalala na tawag ni tita abigail. "Calm down princess." Sabi naman ni tito denver. Hinawakan ko pa din ang kamay ni dalhia. "Loves, kumalma ka naman." Sabi ko at hinalikan ang kilod ng kamay ni dalhia. Tumingin ito sakin. "Pumunta ka na doon sa babae mo!" Pagtataboy nito sakin. Umiling ako. "Hindi ko siya babae okay? Ikaw ang mahal ko." Sabi ko. Hinalikan ko siya sa labi kahit nandyan sina tita abigail. "T-totoo?" Nauutal na tanong niya. Tumango ako at ngumiti sakanya. "Oo totoo. Ikaw ang mahal ko, yung nakita mo aksidente lang iyon." Paliwanag ko. Umusog ito at tinap yung gilid ng kama. "Tabi tayo." Sabi nito. Tumayo ako at dahan-dahan na humiga sa tabi nito. Niyakap ko siya at pinaunan sa dibdib ko. Napatingin ako kina tita abigail ng tumayo sila. "Uuwi muna kami, ikaw na munang bahala sa anak ko christian." Pagpaalam ni tito denver. "O sige tito. Ako na munang magbabantay sakanya." Sabi ko. Ngumiti ito at lumabas na sila. Tumingin ako kay dalhia at hinaplos ang buhok niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD