Christian's POV
Matapos namin magkwentuhan ni Elijah, nagpahatid ako papunta sa DGC Café.
Pumasok ako at lumapit sa may counter. "Nandyan ba si dalhia?" Tanong ko.
"Po? Si ma'am dalhia? Kakaalis lang po niya." Sagot nito.
Saan naman pumunta yon? "Saan siya pumunta?" Tanong ko.
"Sa Children Org. Po sir, doon po madalas pumupunta si ma'am dalhia." Sabi nito.
"Osige salamat." Nakangiting sabi ko bago lumabas.
Pumasok ako sa kotse ni Elijah at humarap sakanya. "Duon tayo sa Children Org. Nandoon daw si gail." Sabi ko.
"Okay." Sabi nito at nagmaneho.
After 20 minutes nakarating kami sa mismong lugar.
"Alis na ako christian, may pupuntahan pa ako." Sabi ni elijah.
"Salamat saka ingat ka." Sabi ko bago bumaba.
Papasok ako ng entrance ng may makasalubong akong madre.
"Nandito po ba si dalhia?" Tanong ko.
"Ah. Oo nandoon sa loob nakikipaglaro sa mga bata kasama si dominic." Sabi nito.
Sino naman yung dominic? "Salamat po." Sabi ko.
Pumasok ako at nakita ko si gail na nakikipaglaro sa isang batang babae at may kasama pa siyang lalake.
Parang nakaramdam ako ng selos dahil sobrang close nila nung lalake.
Dalhia's POV
Habang nakikipaglaro ako kay Trixie na nasa 3 years old kasama si dominic.
Pakiramdam ko ay nakatingin dito sa gawi namin kaya tumingin ako at nagulat ako dahil nandito si christian.
Tumayo ako at binuhat si trixie saka pumunta sa gawi ni christian.
Humalik ako sa pisngi niya. "Anong ginagawa mo dito honey?" Tanong ko.
"Pinuntahan kita sa Café mo pero wala ka daw doon kaya pinatanong ko kung nasaan ka." Paliwanag nito.
"May kasama ka pang lalake." Sabi nito at nakatingin sa likod ko.
Napangiti ako dahil mukhang nagseselos siya. Tumingin ako kay dominic na nakatingin sakin at ngumiti. "Christian, si dominic kaibigan ko." Pagpapakilala ko.
Naglahad ng kamay si dominic pero hindi itinanggap ni christian dahilan para magtaka ako. "Why?" Tanong ko.
"Nothing." Tipid na sagot nito.
Tumingin ako kay dominic. "Pasensiya ka na dom." Paumanhin ko.
"It's okay, doon na muna ako." Sabi nito.
Iniwan kami ni dominic, ginaya ko naman si christian papunta sa may bench at umupo doon, pinaupo ko si trixie sa hita ko.
Hindi man lang ako pinagtuonan ng pansin ni christian bagkus nakikipaglaro siya kay trixie.
"Honey." Tawag pansin ko.
"Hmm?"
"Look at me." Pautos na sabi ko.
Tumingin naman ito sakin. "Bakit mo naman ginanon si dominic?" Tanong ko.
"I don't like him." Pranka na sagot nito.
"Bakit naman?"
"May gusto siya sayo, yung kung paano ako tumingin sayo ganon din siya sayo." Sabi nito.
"Eh. Baliw."
"Edi, ayaw mong maniwala." Nakabusangot na sabi nito.
Hinaplos ko yung buhok niya. "Hayaan mo na siya. Kaibigan ko lang siya." Sabi ko.
"Ewan, basta ayoko sakanya." Sabi nito.
Napailing na lang ako. Tumingin ako kay trixie na tuwang-tuwa.
"Uwi na tayo?" Patanong na sabi ni christian.
"Paano ba to? Sinabi ko kasi kay bella na sa opisina ako magstay." Paliwanag ko.
"Paano ako?" Tanong nito.
"Ganito na lang, sa DGC main brunch ka na lang din magstay, may damit naman na panlalake doon." Sabi ko.
"Kaninong damit?" Tanong nito pero nakasalubong yung kilay niya.
"Kay kuya damien." Bigla itong ngumiti.
Ngumiti ito. "Talaga?"
"Opo." Sabi ko.
Binuhat ko si trixie at ibibigay ko na sana kay mother rossie ng bigla itong umiyak.
"Shhh, uuwi na si mama dalhia baby, babalik pa siya." Sabi ni mother rossie.
"T-talaga po mama?" Tanong nito.
Buti hindi siya bulol. "Oo naman baby, kasama na si daddy christian." Nakangiting sabi ko.
Hinalikan ko siya sa noo bago nagpaalam kay mother rossie.
"Ingat ka anak." Nakangiting sabi nito.
Lumabas na ako at lumabas. "Loves." Tawag nito.
"Hmm?"
"Ako na muna yung magdadrive." Prisinta nito.
Ibinigay ko naman yung car key at binuksan ko yung pintuan ng passenger.