Pagkarating namin sa DGC Café lumabas na kami at dumeretso sa opisina ko.
"Pumasok ka sa kulay pink na pintuan yon ang kwarto ko." Sabi ko.
"Ayaw mo talaga sa pink no loves?" Natatawang sabi nito.
"Oo, galit ako sa pink." Pabiro ko.
Napailing na lang ito at pumasok sa kwarto, lumabas muna ako at pumunta sa counter at kumuha ng snacks, hindi naman kasi ako ganon marunong sa pagluluto kahit nagpaturo ako kay tita nori.
"Bella, pwede bang pakiluto yung fries?"
"Sure ma'am dalhia. Dalhin ko na lang sa office niyo." Sabi nito.
Napangiti ako. "Yes! Thank you bella." Sabi ko bago pumasok sa opisina ko.
Dumeretso ako sa kwarto kung nasaan si christian. Nadatnan ko siya na nakadapa at nanonood ng TV
Kumuha ako ng damit sa ilalim ng kama dahil may lalagyanan ng mga damit doon.
Nagbihis na ako kahit nandyan siya dahil hindi naman niya ako napapansin.
Tumabi ako sakanya saka hinahaplos yun buhok niya dahilan para mapatingin ito sakin pero itinuon niya ulit yung pansin niya sa pinapanood niya.
"Dyan ka na muna, may kukunin lang ako." Sabi ko tiyak na tapos na si bella.
Lumabas ako ng kwarto at sumakto naman na bumukas yung pintuan at pumasok si bella na may hawak na mangkok na puno ng fries dahilan para lumiwanag yung mga mata ko.
"Buti dinamihan mo." Nakangiting sabi ko.
"Kilala po kita ma'am eh, sa tuwing nagstay kayo noon dito laging fries yung pinapaluto niyo."
Napatawa tuloy ako dahil sa sinabi niya. "Alam mo talaga ako ah."
"Syempre naman ma'am. Nga pala ma'am sino pala yung lalaking kasama niyo kanina?"
"Si Christian Mercado."
"Famous Businessman?" Tanong nito.
Oo na lang ang naisagot ko. Pumasok ako sa kwarto dala-dala yung malaking mangkok na puno ng fries at inilagay sa tapat ng mesa.
Inilapit ko yung mesa malapit kay christian. "Kuha ka na." Sabi ko.
Sumunod naman ito. "Manood kaya tayo ng movie." Suhesyon nito.
"Anong movie?" Tanong ko.
"Annabelle." Nakangiting sabi nito.
"Ayoko, horror yun eh." Pagmamaktol ko.
"Nandito naman ako, pwede kang sumigaw." Sabi nito.
Lumapit siya doon sa TV at ikinonekta yung laptop.
May nasearch pa siya, nakatingin lang ako sakanya na suot na yung damit ni kuya damien
"Bagay pala sayo yung damit ni kuya." Natatawang sabi ko.
Tumingin ito sakin. "Buti nga may damit yung kuya mo eh, kundi wala akong susuotin." Sabi nito.
Lumapit na ito sakin at tumabi sakin saka niya ako niyakap sa bewang habang yung ulo niya nakaunan sa tyan ko.
"Hindi naman." Sabi nito.
-
Ilan oras lang ay natapos yung movie, hindi ko ineexpect na ganon yung papanoorin namin.
"Hindi ko alam na ganon pala yung movie na yon. Kaloka, bakit ganon yung pinanood natin." Sabi ko.
Tumawa lang ito, kainis siya.
"Maganda naman diba?" Natatawang sabi nito.
"Ewan ko sayo, kasalanan mo pag hindi ako nakatulog." Paninisi ko sakanya.
Ngumiti lang siya at niyakap ako. Niyakap ko din siya pabalik at hinalikan sa lips.