Ilan months na din magmula ng magstay ako sa bahay ni christian at masasabi ko na hulog na hulog na nga talaga ako sakanya.
Kadalasan na lang siyang umaalis pero palagi ako yung kasama o kaya pumupunta kami sa Children Org.
Balak ko pa ngang amponin si Trixie pero hindi ko pa sinasabi sakanya. Saka na lang siguro.
Kasalukuyan kaming nasa sala, naghaharutan ng bigla itong pumaibabaw sakin dahil nakahiga ako.
"Christian."
Yumuko ito at hinalikan ako sa leeg. "Ahmm. Christian."
Nag-uumpisa na maglakbay ang mga kamay niya ng biglang may nagdoorbell.
"Sandali lang, honey. May bisita ka yata." Sabi ko.
Tumayo na ako at pumunta sa pintuan. Binuksan ko yung pintuan ng bigla akong natigilan kung sino yung nasa harapan ng pintuan.
Naramdaman ko na lang na may humalik ulit sa leeg ko. "Loves, ang tagal mo." Sabi nito.
Kinurot ko siya sa tagiliran dahilan para matigilan ito at napatingin sa may pintuan.
"T-tito, Anna." Nauutal na tawag ni christian.
Lumapit yung nagngangalang Anna kay christian at hinalikan ito sa pisngi.
"I miss you darling." Sabi nito.
Nakatingin lang ako sakanila. Tumingin sakin si Christian. "Loves." Tawag nito.
"Dalhia Gail, let's talk." Sabi ni dad ng makita niya yung nangyari kanina. Nauna na ito at pumasok sa kotse
Huminga ako ng malalim bago sumunod sakanya. Pagkapasok ko sa kotse may sumalubong sakin na napakalakas na sampal magmula kay dad.
Ngayon lang niya ako pinagbuhatan ng kamay. "D-dad."
"Ano yon?! Ano yung nakita ko?!!" Galit na sabi ni dad.
Napayuko ako dahil doon. "M-mahal ko siya dad." Sabi ko.
"Tigilan mo yan! Akala ko kaya ka lang pinatira dito ng mommy mo para magstay, hindi ko inaasahan na kasama pala ang paglalandi doon!" Galit pa din na sabi nito.
Tumingin ako kay dad, sinalubong ko yung galit na tingin niya. "Matagal na siyang mahal dad! Noon pa man! Hindi ko masabi sainyo dahil alam ko na magagalit kayo, noon pa man dad may pagtingin na ako kay christian, noon pa man iniiwasan ko na siya pero tadhana na yung nagsasabi dad." Naiiyak na sabi ko.
"I don't care about your feeling for him! Go back to that house and pack your things!"
Umiling ako. "Ayoko dad."
"Pack your things! Now!" Sigaw na sabi ni dad.
Napabugtong hininga ako dahil sa sinabi niya, ngayon lang naging ganyan si dad. Ngayon lang, sa lahat ba naman ng naging anak niya ako pa tong naging ganito katigas ang ulo.
Pinunasan ko muna yung luha ko bago lumabas. Pumasok ako sa loob at nadatnan ko si Christian, habang yung babaeng nagngangalang Anna nakalingkis kay christian na akala mo aalis.
"Loves." Tawag nito.
Sinalubong ko yung tingin niya. Ngumiti lang ako ng pilit. "I need to go home." Sabi ko bago umakyat.
Pagkarating ko sa kwarto ko inayos ko na yung mga damit ko at nilagay sa maleta ko.
Kinuha ko yung backpack ko at nilagay doon yung laptop ko, pagkatapos lumabas na ako dala-dala yung maleta ko.
Bumaba na ako at tumingin kay christian. Hindi pa din sila humihiwalay sa pagkakadikit.
Parang bumibigat yung nararamdaman ko. Oo nagseselos ako pero hindi ko masabi sakanya yung nararamdaman ko.
"Aalis na ako chris." Paalam ko.
Tumayo siya at lumapit sakin. "Babalik ka pa naman diba loves?"
Tumango ako. "Oo." Sagot ko bago ko siya hinalikan sa labi kahit nandito si anna.
Humiwalay na ako sakanya bago lumabas. Sumakay na ako sa kotse ni dad.