CHAPTER 6

1056 Words
Dalhia's POV KINABUKASAN nagising ako dahil sobrang sakit ng ulo ko, babangon na sana ako ng may naramdaman akong nakapalupot na braso sa bewang ko dahilan para mapatingin ako sa katabi ko. W-wala itong damit. Tumingin din ako sa katawan ko na kumot na lang yung natatangpan sakin. A-anong nangyari? Nakagat ko yung lower lip ko dahil sa hindi ko talaga alam kung anong nangyari kagabi. Ang naalala ko lang uminom ako at pumasok ako sa kwarto ni Christian saka ang naalala ko lang yung pinalo niya ako sa pwet. Napatakip tuloy ako sa mukha ko dahil sa kahihiyan. Ramdam ko na kasalanan ko to kaya may nangyari samin. Dahan-dahan kong tinaggal yung braso ni Christian at pinalitan ito ng unan para hindi siya magising. Kinuha ko yung mga damit ko na nagkalat sa sahig at kinuha ko na din yung mga damit ni Christian saka nilagay sa may sofa para hindi nagmumukhang makalat. Kumuha ako ng damit sa cabinet ni christian at buti meron pa siyang damit dito. Kinuha ko yung Gray shirt and jersey track pants ni Christian saka ko na din kinuha yung Tsinelas niya na maluwang ng konti sa paa ko. Dumeretso ako sa banyo ng mapansin ko yung leeg ko sa salamin, halos ang daming marka ng leeg ko. Parang nahihiya akong lumabas. Pinagsawalang bahala ko muna hanggang sa matapos akong maligo at nagbihis, pagkalabas ko ng banyo tulog pa din siya. Lumabas na ako at bumaba, pagkababa ko nakita ko si tita nori na naghahanda ng almusal. Tumingin ito sakin at ngumiti. "Good morning hija." Bati nito. "Good morning din po tita." Bati ko. "Sumabay ka na para makakain ka." Sabi nito. "Wag na po tita pupunta po muna ako sa DGC Café dito sa laguna, gusto ko lang pong maicheck bago kami bumalik ni christian sa manila." Paliwanag ko. "Ganon ba, bago ka umalis. Ano yang nasa leeg mo?" Tanong nito. Hindi ako nakasagot dahil sa tanong niya dahilan para bigyan ako nito ng makahulugang ngiti. "Expected ko na ba na may apo na kami after 9 months?" Nakangiting sabi nito dahilan para mamula ako. Natawa lang ito dahil sa reaction ko, halos hindi na ako makasagot dahil doon. "Alis na po muna ako." Paalam ko bago tumakbo papalabas ng bahay nila. Grabe, nakakahiya. Sumakay na ako ng taxi at ilan minuto lang nakarating ako ng DGC café. Pagkapasok ko madami pa din costomer. Napangiti tuloy ako dahil madami talagang dumadayo dito sa Café na to kahit sa ibang bahagi ng pilipinas. Buti at nagugustuhan nila yung mga pagkain at coffee dito. Pumunta ako sa may counter. "Good morning Cora." Bati ko sa kanya. "Ma'am Dalhia?" Tumawa ako at ngumiti sakanya. " Oo ako nga to." Sabi ko. Nagtatalon pa ito at nilapitan ako. "Kamusta po ma'am? Buti napapunta po kayo dito sa 3rd Branch niyo?" "Sinama kasi ako nung kaibigan ng kuya ko kaya nandito ako. Okay naman ako medyo may pinagdadaanan lang na problema pero kaya to!" Masiglang sabi ko. "Mabuti po kung ganon ma'am. Alam niyo po ba ma'am na paparami po yung mga pumupunta dito. Walang mintis na bumabalik sila dito." Kwento nito dahilan para lumapad yung ngiti ko. "Nakakagalak naman kung ganon. Basta kung may mga hindi napapadalan na gamit o ingredients dito okay? Tumawag kayo sa Main Branch ng DGC. " Sabi ko. "Opo ma'am. Maupo muna kayo ma'am pagkukuha ko kayo ng makakain." Sabi nito saka lumapit sa may counter habang ako umupo ako sa may glass window. Ilan minuto lang dumating na ito at may dalang caffémocha at isang slice ng dark chocolate champagne. "Ito po ma'am. Enjoy." Nakangiting sabi nito. "Thank you cora." Nakangiting pasasalamat ko saka sinimulan kumain habang siya bumalik sa counter dahil may mga costumer pa na dumadating dito. Christian's POV Kakapain ko na sana yung katabi ko pero wala akong makapa, minulat ko yung mata ko pero wala siya sa tabi ko dahilan para mapabalikwas ako at dali-daling nagbihis. Tinignan ko yung banyo pero wala siya doon. Natry ko na din siyang tawagan pero naiwan naman niya dito yung phone niya. "Damn It!" Halos manlumo ako, hindi ko napigilan na mapaluha, hindi kaya iniwan na niya ako dahil sa nangyari kagabi? "Christian, huwag kang mag-isip ng ganyan." Sabi ko sa sarili ko. Pinunasan ko yung luha ko saka bumaba. Putek! Ang bakla naman nitong nararamdaman ko pagdating sakanya. Pagkababa ko nakita ko si mama na nakaupo sa sala habang may binabasa na magazine. Magsasalita na sana ako sakto naman na dumating si gail na suot yung damit ko. Hindi ko tuloy maiwasan na hindi mapangiti dahil medyo maluwang ng konti ng damit ko sakanya. Hindi ko tuloy maiwasan na hindi mapaluha. Mabilis akong lumapit sakanya saka siya niyakap ng mahigpit. Umiiyak lang ako sa balikat niya, hanggang sa hinahaplos nito yung likod ko. "Shhh. Anong nangyari?" Tanong nito. Hinila ko siya paakyat sa taas hanggang sa makarating kami sa kwarto ko at mabilis na sinirado. Umupo ako sa sofa at pinaupo ko siya sa hita ko. "Christian." Nahihiyang sabi nito habang nakayuko. "Alam mo ba na pinag-alala mo ako? I thought you leave me already." Naiiyak na sabi ko sakanya habang nakayakap pa din sakanya. "Galing ako ng DGC dito sa laguna. Binisita ko, saka ginagaya mo ba ako? Napakaiyakin mo din." Sabi nito. Pinunasan niya yung luha ko. Tumingin ako sakanya pero hindi naman siya nakatingin sakin, pinapatingin ko siya sakin pero ayaw niya. "Bakit ayaw mong tumingin sakin?" Nagtataka na tanong ko. "Nahihiya ako." Mahinang sabi nito at mabilis na tinakpan yung mukha niya. Napatawa ako dahil sa sinabi niya. Tinanggal ko yung pagkakatakip niya sa mukha niya at hinalikan yung noo niya. "Huwag kang mahihiya. Bakit ka naman mahihiya?" "K-kasi ano. Hmmm. Paano ba to? Hmm. Nakakahiya kasi alam mo na may nangyari satin." Mahinang sagot nito pero narinig ko pa din. "Ano naman ngayon? Huwag kang mahiya." Sabi ko sakanya. "Kahit na. Nahihiya pa din ako, pakiramdam ko, ako yung may kagagawan." Nahihiyang sabi nito. "Ano naman? I like you okay? Huwag kang mag-isip ng ganyan." Iretableng sabi ko sakanya. Hindi ito nakasagot dahil sa sinabi ko. Napayuko lang siya. "Huwag mo nang isipin yun, basta tandaan mo na walang masama sa ginawa natin." Seryosong sabi ko sakanya, pero hindi pa din ito sumagot. Hindi ko tuloy alam kung anong gagawin ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD