Dalhia's POV
Mali ang nararamdaman niya, I like you kaagad? Ang bilis naman. Naguguluhan lang siya sa mga nangyari.
Halos nakauwi kami sa manila hindi ko siya kinakausap dahil nahihiya pa din ako sa nanyari.
Kasalukuyan akong nagluluto at patapos na din tong abodo pero sana masarap to at sana magustuhan ito ni kuya daewon.
Nakabihis na din ako kaya wala ng problema, aalis ako habang wala pa si Christian may photo shoot daw siyang pupuntahan. Nilagay ko na sa lalagyanan at kumuha din ng kanin at nilagay sa maliit na bag.
Pagkatapos lumabas na ako at sumakay ng taxi ilan minuto lang nakarating ako sa Cohen's Company. Pagkababa ko bigla akong binati ng guard. "Good Morning Ma'am Dalhia." Nakangiting bati nito.
"Good morning din po kuya guard." Bati ko pabalik bago pumasok sa entrance.
Sumakay ako ng elevator at ilan minuto lang nakarating ako ng top floor saka dumeretso sa may pintuan dahil wala naman yung secretary niya.
Kumatok ako at narining ko yung boses ni kuya. Dahan-dahan ko binuksan yung pintuan at nakita ko siya na nakatutok sa mga pinipirmahan niya. Dumeretso ako sa desk niya at nilagay sa harapan niya yung niluto ko.
"Kuya. . ." Kinakahaban na tawag ko sakanya.
Tumingin naman ito sakin. "What are you doing here?" Seryosong tanong nito.
Binuksan ko yung maliit na bag at nilabas yung mga niluto. "Pinagluto kita kuya." Nakangiting sabi ko.
"Busog pa ako at pwede tanggalin mo sa harapan ko." Naiinis na sabi nito.
"Kuya naman. Pinagluto kita ng favorite mo ee. Kumain ka kahit isang beses lang kuya." Pagmamakaawa ko.
Dahil sa inis niya bigla niyang tinapon yung pagkain dahilan para matapon sa sahig. Napayuko ako para pigilan yung luhang gustong kumawala sa mata ko. "Hindi ka ba nakakaintindi? Busog ako!" Galit na sabi nito.
"P-pasensiya ka na kuya, ipapalinis ko na lang sa secretary mo." Naiiyak na sabi ko saka tumakbo papalabas ng office niya.
Sumakay ako ng elevator habang tuloy-tuloy pa din yung pagdaloy ng luha ko. "Bakit ganon siya sakin? Bakit galit na galit siya?" Umiiyak na tanong ko sa sarili ko.
Pagkalabas ko ng building dumeretso ako sa bahay ni Christian saka pumunta sa kwarto ko. Tumawag ako kay kuya ilan beses lang sinagot na niya.
"Kuya. . " Umiiyak na tawag ko sakanya.
"Hey. What happen princess? Bakit ka umiiyak?" Nag-aalala na tanong nito.
"I need you kuya, please puntahan mo ako dito sa bahay ni Christian saka ka dumeretso sa pangatlong pintuan sa kanan." Humihikbing sabi ko.
"Okay princess, after 25 minutes nandyan na ako." Sabi nito saka binaba yung linya.
Pinunasan ko yung luha ko saka tumingin sa kisame. Ayoko na. Ayoko na, suko na ako sa pagsuyo kay kuya.
After 25 minutes may tumawag sa pangalan ko dahilan para mapatingin ako sa gawi niya. "Kuya Damien. ." Naiiyak ulit na tawag ko.
Lumipat ito sakin saka nito tinanggal yung sapatos niya saka humiga sa tabi ko saka niya ako niyakap. Umiiyak lang ako sa bisig niya habang nakayakap ako sakanya. "Shhh. What happen princess?" Nag-aalalang tanong nito saka hinahaplos yung likod ko.
"A-ayoko ng suyuan si kuya d-daewon." Humihikbi na sabi ko.
"Bakit princess may ginawa ba si daewon sayo?"
"Si k-kuya kasi ee, ipinagluto ko siya ng favorite niya sabi ko sakanya para sakanya yun pero sinabi niya busog siya kaya pinilit ko na kahit sumubo na lang sana siya kahit isang beses lang dahil sa inis niya tinapon niya yung niluto ko dahilan para malaglag sa s-sahig." Umiiyak na paliwanag ko.
"Wag kang magpadepress dahil sa ginawa ni daewon nagkakaintindihan ba tayo princess?" Seryosong sabi niyo habang kinalas nito yung pagkakayakap sakin.
"Hindi ko masasabi kuya." Sabi ko habang si kuya naman inabutan niya ako ng tissue. Pinunasan ko yung pisngi ko.
"Kilala kita princess, pag depress ka kung ano-ano yung ginagawa mo para lang mapahamak yung sarili mo. Kung pwede lang na sakin ka muna magstay." Seryosong sabi nito.
Magsasalita na sana ako ng may nagsalita sa likod ko. "Hindi siya pwedeng magstay sayo." Sabi ni Christian
Tumingin ako sakanya na ngayon ay nakatingin sakin dahilan para mapalitan iyon ng pag-aalala at mabilis na lumapit sa tabi ko saka umupo sa gilid ng kama.
"What happen gail?" Tanong nito.
Umiling ako at ngumiti ng tipid sakanya. "Wala ito." Sagot ko, pero mukhang hindi ito naniniwala kaya tumingin ito kay kuya.
"Anong nangyari sakanya?" Tanong ulit ni Christian kay Kuya Damien.
Huminga ito ng malalim bago sinagot si Christian. "Si daewon itinapon niya yung niluto ni dahlia." Paliwanag nito.
Yumuko si Christiam para magtaka ako at yumuko din ako na ngayon ay nakatingin sa mga daliri ko na may mga band aid. Itatago ko na sana yung kamay ko pero mabilis niya nakuha.
"Wala lang yan chris." Sabi ko.
"Hindi ba alam ni daewon kung anong pinaghirapan mo? Sumosobra na siya!" Galit na sabi nito.
"Hayaan niyo na siya." Sabi ko.
" Hindi! Naiinis na ako sakanya." Sabi ni Christiam at nagtaka ako bakit tumayo ito.
"Bakit ka tumayo?" Tanong ko.
Umiling lang ito at hinila si kuya Damien para makaramdam ako ng inis. Aalis siya ng hindi man lang
nagpapaalam? At hinila niya pa si kuya.
Dahil sa inis ko tumayo ako at pabalang na isinarado yung pintuan saka nilock. "Magsama sila! Letche!" Inis na sambit ko saka himiga sa kama.
Inis yung nararamdaman ko! Hindi na nga ako okay kay kuya tapos aalis pa siya sa tabi ko at hinila niya pa si kuya damien. Saan nanaman yun pupunta? Ganon na lang ba yung nararamdaman ko para lang bigla siyang umalis ng ganon!? Bwisit!