Chapter 2 (Venus)

1613 Words
MAGKAUSAP kami ni Marla sa loob ng cafeteria at may binanggit siyang bar. Niyayaya niya akong pumunta kami roon kasama ang iba niyang friends na nakilala, ngunit tumanggi ako dahil wala akong hilig sa ganoong lugar. All I like is shopping, and I want to beautify. I just need to build my beauty boutique to help women with low confidence. Minsan din naman ay nakaramdam ako ng awa rito sa kaibigan kong ito dahil ang mga magulang niya ay nasa abroad just to manage hotels. I'll admit, I'm lucky because I'm still with my parents, which is too much to be strict. I couldn't do the things I wanted to do independently because of my bodyguards. Matapos naming mag-usap sa loob ng cafeteria ay nagpasya kaming mag-shopping, ngunit naramdaman kong puno na ang pantog ko at hindi ko na kayang pigilan pa. “Wait, Marla!” pigil ko habang papasok na siya sa isang boutique shop. Nilingon niya ako at seryosong tinitigan at puno ng pagtataka. "Why?” “I'm gonna go to the restroom first,” sagot ko. “Okay. I’m gonna wait for you here.” “Okay. Sandali lang ako,” nagmamadali kong sabi. Kaagad kong hinakbang ang mga paa ko para tunguhin ang banyo. Pagpasok ko sa loob ay walang tao kaya pumasok ako sa isang cubicle at kinuha ang tissue sa aking bag upang punasan ang upuan. Sa wakas ay nailabas ko rin at kanina pa ako naiihi. Paglabas ko ay tinungo ko ang malaking salamin at tiningnan ang aking kabuuan at ngumiti. “Napakaganda mo talaga, Venus… wala kang katulad!” papuri ko sa aking sarili. Sandali kong sinilip ang aking cellphone at wala man lang text si Harvey. Kaagad ko ring sinilip ang aking social media at hindi ko mapigilan ang mapangiti noong mabasa ko ang mga comments ng mga kakilala ko. Binabati lang naman nila ako sa nalalapit kong kasal sa aking fiance na si Harvey. Naalala ko nga pala si Marla na naghihintay sa labas. Mukha akong na-haggard kaya nagdesisyon akong ayusin muna ang aking lipstick. “Hmp… I guess naiinis na si Marla sa paghihintay sa labas. ‘Di bale, sanay naman na maghintay ang beshy kong iyon,” ngingisi-ngisi kong sabi habang naglalagay ng press powder sa makinis kong mukha. Napahinto ako sa pag-aayos ng aking buhok nang biglang tumunog ang aking cellphone. Pangalan ni Marla ang nasa screen at napangiti ako. I touch the answer button upang sagutin siya. “Why?” tanong ko habang hinahawi ang mga takas kong buhok sa aking mukha. “Come outside now, Venus. Or else, pagsisisihan mong magpapakasal ka sa isang cheater.” Sasagot pa nga sana ako but she dropped the call. Nanlaki ang mga mata ko sa kaniyang sinabi. What did she say? Cheater? Naguguluhan ako sa kaniyang sinabi kaya nagmadali na akong lumabas ng restroom. Paglabas ko ay nakangisi si Marla habang hawak ang cellphone at nilapitan ko siya kaagad. “Beshy! What are—” Napahinto ako sa pagsasalita noong ituro niya ang daliri sa hindi kalayuan. Binundol ako ng matinding kaba sa aking nakita. Harvey? What he’s doing? Bakit may kasama siyang babae? Nakakapit ito sa kaniya na animoy linta at ayaw nang bumitaw. I was stunned and unable to move. I feel like I will sink into my stand. Fortunately, I was with my friend because otherwise, I might not know what to do. Is this true? The man I love the most is cheating on me? Halos manginig ang katawan ko sa galit at ikinuyom ang aking palad sa sobrang galit. Hindi ko na napigilan pa ang sarili at isang malakas na sigaw ang aking pinakawalan. I don’t mind kung maraming tao o kung nasaan man kami. Isa lang ang gusto kong mangyari, to confront and let that woman get to know me for who I am. “Harvey!” Napalingon ang dalawa sa kinatatayuan namin ni Marla at namilog ang kanilang mga mata sa nakita. The crowd get fascinated and look at me intently. Inilang hakbang ko ang dalawa na nagmukhang tuod dahil sa pagkagulat. “What is the meaning of this?! Huh?!” singhal ko sa fiance kong nasa harapan ko ngayon. Inalis ni Harvey ang mga kamay ng babaeng kasama niya habang palipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa. Malinaw pa sa sikat ng araw ang panloloko ni Harvey sa ‘kin. This woman, ang pinalit niya sa ‘kin? Hindi hamak na mas-sexy, makinis at mas maganda ako sa babaeng kasama ni Harvey. Taas noo akong tiningnan ng babaeng iyon na tila hindi natatakot sa ‘kin. This b***h! Sinusubukan niya talaga ako. “Are you deaf or muted?!” tanong ko ulit kay Harvey na nagkanda-utal-utal na sa sinasabi at walang boses na marinig. Kumukulo ang dugo ko ngayon at hindi man lang magawang magsalita ni Harvey. Para akong tanga na naghihintay sa isasagot niya. Matalim ang titig ko sa kanilang dalawa na para bang unti-unti ko silang pinapatay sa aking titig. Muling humawak ang babae kay Harvey. “Can’t you see we’re dating?” What the hell! This b***h has a thick and rough countenance. May gana pa siyang sagutin ako kaya hindi ko napigilan ang sarili na padapuin ang palad ko sa kaliwang pisngi nito. Sa tindi niyon ay nagulat ang lahat. "Huwag kang sumagot kung hindi ikaw ang kinakausap ko!” singhal ko. “Venus!” bulalas ni Harvey habang palipat-lipat ang tingin sa ‘ming dalawa ng kasama niyang babae. Nabigla ito at hindi nakapagsalita. Tila namutla rin siya at sapo nito ngayon ang kaliwang pisngi na ngayon ay namumula. Ilang sandali pa ay matalim ako nitong tinitigan ng mata sa mata at umangat ang kamay nito at akmang sasampalin ako ngunit nakita ko na lang na hawak na ni Marla ang kamay nito. “Huwag na huwag mong ilapat ang marumi mong kamay sa kaibigan ko at baka mahawa ‘yan ng virus.” matapang na bungad ni Marla. That’s my girl! Isa iyan sa nagustuhan ko sa aking childhood bestfriend beshy kong si Marla. I always had her at my back. Sa inis nito ay ibinalik ni Marla ang kamay nitong babae sa pagmumukha nito upang masampal ng sarili nitong palad. Hindi niya iyon inaasahan at maging ako rin. Well, she deserves that! Hanggang sa nagsalita si Marla at nagulat ako sa aking nalaman na ang babaeng iyon ay si Jenny. Ang babaeng kumalantari rin sa ex-lover niyang si Darius! I can’t believe! Hindi rin makapaniwala si Harvey sa nalaman at itinanggi iyon ni Jenny. “When did this happen, Marla?” tanong ko sa kaniya. “A year ago,” sagot niya. Augh! Hindi niya sinabi sa akin ang tungkol sa bagay na iyon. I hate her! Kaya pala naghiwalay silang dalawa ni Darius dahil pala sa babaeng nasa harapan ko. Sa hindi malaman na dahilan ay lumabas sa bibig ko ang hindi dapat. Mahaba pa ang pagasasagutan ng dalawa pero ang focus ko ay kay Harvey. Hindi ko lubos na maisip na magagawa ni Harvey sa akin ang lokohin ako. Despite of everything! “Now, mamili ka, Harvey? Siya o ako?” “Venus?!” bulalas ni Marla na bakas sa tinig niya ang galit. “What the hell, Venus?! He’s cheating on you kaya bakit mo pa siya papipiliin?” dagdag niya. I can’t, hindi ako papayag na mapunta sa iba si Harvey! Ikakasal na kami at hindi p’wedeng mangyari ito! “Break him up, now,” mariing utos ni Marla. Binalingan ko siya nang nakababahalang tingin at hindi makapaniwala sa binitiwang salita. Break? I… I can’t! Namumuo na ang bubutil na luha sa aking mga mata. Alam kong naiinis na si Marla at may point din naman siya. Pinandilatan pa niya ako ng mga mata niya noong napansin niyang hindi ko kayang gawin. “He’s not worthy of you, Venus. You should know that,” mariin niya pang sabi. “Harvey—” “I’m pregnant,” direktang singit ni Jenny. Tuluyan na akong sumabog at nangilid sa luha ang aking mga mata. Hindi ko napigilan ang maiyak sa galit at pakiramdam ko ay nanlumo ako sa aking narinig. She is pregnant with the man I love! I hate you so much, Harvey! “Mag-break na tayo! I can’t do this, Harvey!” “Venus, magpapaliwanag ako!” Hinawi ko ang kamay ni Harvey at itinulak siya. “Tingnan mo ang ginawa mo! Pinaiyak mo ang kaibigan ko! Magsama kayong mga basura! Go to hell!” bulalas ni Marla. “I’m done with you, Harvey. Hindi na ako magpapakasal sa ‘yo.” Tinalikuran ko si Harvey at ang kasama niyang linta para iwanan sila. Sinundan naman ako ni Marla at tinungo namin ang ground floor kung saan naka-park ang kotse ko. Niyakap ako ni Marla at niyakap ko siya nang mahigpit. “Huh, what a coincidence?! Siya pa talaga?!” inis na sambit ni Marla. Kaagad na dumating si Mang Roberto nang makita ako sa aking kalagayan. Bakas sa mukha nito ang pag-aalala at matinding takot. “Ma’am Venus, ano’ng nangyari?” “It would be best if you go home now, Venus,” pakiusap ni Marla. “Thank you so much, Beshy… mabuti na lang ay kasama kita….” Humagulgol ako nang iyak. “Please, iuwi mo na si Venus. Kailangan niyang magpahinga.” “Halina, po, kayo, Ma’am Venus…” Hindi ko pa rin mapigilan ang maiyak habang papasakay ng kotse habang tuluyan naming iniwan si Marla. Inuwi na ako ni Mang Roberto habang tahimik lang akong nagmukmok sa loob ng kotse. Pagbaba ko ay tumakbo ako paakyat ng aking kwarto at pabalyang bumagsak sa higaan at doon ay nag-iiyak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD