Chapter 3 (Venus)

2551 Words
MAGKAKASUNOD na katok ang narinig ko sa pinto ng aking kwarto. It was my mom, knocking the door gradually. Bumangon ako at umupo habang pinupunasan ang aking basang pisngi. Hawak ko ang aking cellphone habang isa-isa kong tiningnan ang mga litrato namin ni Harvey. The sweet photos I stare at my cellphone was reminding me how much I love Harvey, but as time goes on, it feels like I’m being stabbed in my chest to kill me slowly. “Come in, Mom…” Inilapag ko ang aking cellphone sa tabi ko. Pinihit ni Mommy ang doorknob at pumasok. Ngumiti nang hilaw si Mommy, as if she knows that I am in deep pain. Namumugto at namumula ang mga mata ko sa walang tigil na pag-iyak simula kanina pa. “My daughter, I heard our maids talking that they saw you come home crying. I’m here to find out why? What’s the problem? You alright?” Bakas sa tono ng boses ni Mommy ang pag-alala. “Mommy, do I look alright? After all those years— minahal ko si Harvey. Naging faithful ako sa kaniya at hindi na ako tumingin pa sa ibang lalaki, kahit alam kong may mas higit pa sa kaniya.” Humagulgol ako sa pag-iyak. Lumapit si Mommy at umupo sa aking tabi upang gawaran ako ng halik sa ‘king noo. Niyakap ko si Mommy nang mahigpit upang maibsan ang sama ng loob ko. “Hija, Venus… pag-usapan ninyo ni Harvey ang problema. Ikakasal na kayong dalawa. I thought, it’s just a trial. I knew him, mabait si Harvey, maginoo, magalang at isa pa ay kilala rin ang pamilya nila.” “Mom… I am so sorry to tell you this. He… he cheated on me, Mom…” Napatda si Mommy sa kaniyang nalaman at napaawang ang labi. Hindi rin naman kaagad siya nakapagsalita. Pinilit kong ikalma ang aking sarili. “B-But… ginawa ba talaga ni Harvey ‘yon? Venus, baka naman akala mo lang ‘yon?” “Akala? Mom, I knew it na hindi mo ako pinaniniwalaan. Hindi ako nag-iinarte o gumagawa ng kwento just to gain your attention. I saw him… with another girl! That woman, she was also the reason why my friend Marla and her boyfriend broke up. I caught him!” “O-Okay, Hija… I understand. You need to calm down.” “I’m not, Mom… I can’t! Nakipaghiwalay na ako sa kaniya kanina. I can’t believe na nagawa sa akin ito ni Harvey? What if… what if kung kasal na kami?” Ang lalo ko pang ikinagalit ay hindi man lang ako sinundan ni Harvey sa pag-uwi. Ang buong akala ko ay hahabulin niya ako, but I was wrong after all. Nakilala ko noon si Harvey sa isang event. Naging magkaibigan kami hanggang sa niligawan niya ako. Minahal ko rin si Harvey dahil may mga ugali siyang nakikita ko na katulad kay Dad. I adore him so much... “Daughter, just let it pass… okay? Kapag lumamig na ay mag-usap kayong dalawa. Give him a chance. Nakahanda na ang lahat at ayaw naming mapahiya ng ‘yong Daddy. I know, you loved him so much. Sino ba naman tayo para hindi magpatawad?” Hindi ako nakapagsalita at sa halip ay humiga ako at tinalikuran si Mommy. Paano niya naaatim na sabihin sa aking pagbigyan ko pa muli ang taong niloko ako? “Leave me, alone…” “Hmmm… kung ‘yan ang gusto mo. One thing, before I forget. Tinakasan mo na naman ang mga bodyguards mo.” “Ayaw ko munang pag-usapan ang bagay na ‘yan, Mom. I’m sorry…” Naramdaman ko ang pagdampi ng labi ni Mommy sa aking uluhan at pumikit ako nang mariin kasabay noon ang pagpatak ng butil ng luha sa aking mga mata. Narinig kong isinara ni Mommy ang pinto at napasinghap ako noong makita ang pangalan ni Harvey sa screen ng cellphone ko. D*mn! He’s calling! What should I do? Sasagutin ko ba? Isang kamalasan yata ang nangyayari sa akin noong nagkamali ako nang pag-swipe ng screen. Na-reject ko ang tawag ni Harvey. “No, no, no!” sigaw ko sa sobrang inis at sa gigil ko ay naihagis ko ang aking cellphone. The next day, Marla texted me that she wants me to meet her together with her friends at bar. Magkikita raw sila ng mga kaibigan niya roon sa sinasabi niyang LiquiDoze bar. Alam naman niyang hindi ako mahilig pumunta sa mga ganoong lugar. I had trauma when I was a teenager. I was abused before, and I don't want that to happen again. But Marla persists because I must forget that cheater even for a moment. Nakabihis ako ng fitted dress kung saan lumitaw ang kurba ng aking katawan. I’m a head turner wherever I go. Kaya nga rin siguro lapitin ako ng mga lalaking bastos na walang ginawa kun ‘di ang mag-cat calling o mag-insist na papatulan ko sila. Over my dead body! “Where are you going, my daughter?” nakangiting tanong ni Mom. “I'll meet Marla, Mom. That way, I could forget Harvey even for a while.” “What do you mean?” “I mean is, pupunta ako sa bar. Iinom ako at magpapakasaya…” “No way, Venus. You shouldn’t be there. Magagalit na naman ang Daddy mo kapag nalaman niya ang mga pinagagagawa mo.” “Mommy, malaki na ako. I’m not a girl anymore na parati ninyong pinagbabawalan. Kaya ko na ang sarili ko,” nakangiting sabi ko habang abala sa paglalagay ng lipstick sa aking manipis na labi. “Alright, isama mo ang mga bodyguards mo.” “Huh? No way, Mom. I’m going on my own. Despite, kaya ko na ang sarili ko. See, malaki na ako and as you’ve said earlier… ikakasal na ako. Hindi naman yata pwedeng ganito na lang ako, forever!” pagmamatigas ko sabay irap. Napahilot ng sentido niya si Mom dahil sa sakit ng ulo na binibigay ko sa kaniya. Well, I’m Venus, I’m a spoiled bratt and I get what I want. “Okay, okay… hindi na ako makikipagtalo sa ‘yo. You better promise me. Wala kang gagawin na ikasisira ng pangalan natin. Isama mo na si Mang Roberto para ipag-drive ka.” Napabuntong-hininga ako and I had no choice but accept it. Gumuhit ang matamis na ngiti sa aking labi at hinalikan sa pisngi si Mom. Nagtagumpay akong masunod ang aking gusto and no one stops me. Pagdating sa bar na sinasabi ni Marla ay lumabas na ako ng kotse. Sinabihan ko si Mang Roberto na maghintay na lamang dito sa parking area. Mula rito sa labas ay tanaw ko ang makukulay na ilaw na nagmumula sa loob ng bar. Nahagip ng mga mata ko ang isang lalaking nagbibihis at nagsusuot na ng uniporme ng security guard. I rolled my eyes at iniwas ang tingin sa lalaking iyon. Aminado akong may dating ang security guard na iyon, matangkad, moreno ang balat, singkit ang mga mata na bumagay sa matangos niyang ilong. Ipinilig ko ang ulo ko at naglakad patungo sa entrance. Nang mapansin ako ng gwardya ay nagmadali itong ayusin ang kaniyang kwelyo. “Magandang gabi, po, Ma’am. Welcome, po, sa LiquidDoze,” magiliw na bati nito habang nakangiti sa ‘kin. Iginala ko ang paningin ko sa istruktura ng nasabing bar. I bet na hindi ito ganoon kasikat for classy event but one thing I for sure— sabi nila ay kilala itong LiquidDoze Bar sa mga kababaihan. Mas madalas nga raw ay halos babae ang nagpupunta rito dahil lang naman daw sa binabansagan nilang ‘Kanto Boys’. Napaismid ako dahil ano’ng klaseng kalokohan iyon. “Kanto boys,” tatawa-tawang sambit ko. Binuksan ng gwardya ang pinto at naglakad na ako papasok. “Thanks,” tipid kong sagot. Laking gulat ko sa dami ng tao at may mga lalaking nagsasayaw sa stage habang nakahubad. Ang lalaki ng katawan, malapad ang balikat, ang tikas ng dibdib at hindi maikakailang may mga dating sila. Napangiti ako nang pilya dahil hindi nga nagkamali si Marla sa pagkakasabi sa ‘kin. “P’wede na,” mahina kong bulong habang kagat ang ibabang bahagi ng aking labi. Tinungo ko ang island counter kung saan may bartender na sobrang gwapo rin. Pero isa lang ang nakakuha ng aking atensyon, ang security guard na nasa labas. Napailing ako dahil sa aking naisip. Never in my wildest dream na papatol ako sa isang security guard. “Good evening, gorgeous! Welcome to LiquidDoze!” Ngumiti ako sa bartender sa aking harapan. He looks handsome and romantic. “What do you prefer, stiff drink?” “I prefer a classy drink,” nakangiti kong sagot. Palinga-linga ako sa paligid habang ang nakabibinging tunog ng musika ay nagbibigay indayog kaya lalo akong nasabik na uminom. Nakaka-miss din pala ang ganito. “Give me some, I want vodka!” sabi ko nang malakas sa bartender. “Sure, gorgeous lady! Good choice! Your vodka is coming!” Kinuha ko ang aking cellphone sa bag at binasa ang text ni Marla, bago ko pa man iyon mabasa ay may isang lalaking tumabi sa ‘kin at inakbayan ako. Nanuot sa ilong ko ang amoy ng alak kaya masasabi kong lasing na ang lalaking ito. “Hi, miss, mukhang nag-iisa ka yata?” preskong bati ng lalaking hindi ko kilala. Ngumiti ako nang alanganin at pinalis nang marahan ang kaniyang kamay sa aking balikat. “If you don’t mind, I don’t talk to strangers.” He’s not kind of my type. Hindi porque narito ako sa bar na ito ay makikipaglampungan na ako sa kung sino’ng lalaki. Isa pa ang laki ng mga mata niya kaya nakakatakot. “Here’s your drink, Ma’am! Enjoy the taste,” ani bartender. “Wanna have some fun, Miss?” tanong ng lalaki. “You’re drunk. Mind your own business,” pagtataray ko sa lalaki. Napangisi ang lalaki at may isa pang lalaki na tumabi sa kabilang kinauupuan ko. Nagkatinginan silang dalawa at ngumiti sa isa’t isa. Sa inis ko ay mablis kong nilagok ang aking in-order na vodka. “Miss, sayaw tayo. Ang ganda mo naman at ang sexy,” kantyaw ng isa pa. Nakatingin sa akin ang bartender na tila nababahala sa mangyayari. “More please…” pakiusap ko sa bartender. Muli akong binigyan ng alak at bago ko pa man mainom iyon ay laking gulat ko noong haklitin ng lalaki ang aking kamay dahilan upang matapon ang alak sa aking damit. “Augh! What the hell! Look what you have done!” singhal ko. Hinarap ko ang lalaki at sa inis ko ay dumapo ang kanang palad ko sa kaniyang kaliwang pisngi. Nakakainis, minsan na nga lang ako mag-enjoy ay may asungot pang sumulpot. Ang natirang vodka sa babasaging baso ay itinapon ko sa mukha ng lalaking lasing. Natawa lang ito at ganoon din ang kasama niya. Ilang sandali pa ay may lumapit na ang dalawa pang lalaki na mukhang kabigan nila. “What happened, bro?” “I like her, palaban…” ngingisi-ngising sabi ng lalaki at inilabas ang dila niya habang nakatitig sa malusog kong dibdib. “Sir, huwag kayong mambastos dito,” banta ng bartender. “Wala kaming pake sa ‘yo, boy. Magtinda ka na lang d’yan ng alak mo! Ha-ha-ha!” pang-uuyam ng lalaki. “Maniac! Makaalis na nga!” Nagmadali akong kumuha ng cash sa aking wallet at ibinigay sa bartender. “Nasaan na ba kasi si Marla at ang tagal niya yata.” Kanina pa ako naghihintay rito. Mabuti na lang at nasa labas ang driver ko. Wala akong makitang bouncer sa paligid kaya nagmadali ako sa paglalakad patungo sa exit. Nakasalubong ko bigla ang security guard na may dalang papel. Sa pagmamadali ko ay nagkabanggaan kami. “Augh, ouch! Hindi kasi tumitingin sa dinaraanan!” “Ayos lang, po, ba kayo, Ma’am? Pasensya at hindi ko, po, kayo napansin.” “Nasaan ba ang bouncer ninyo at may mga lalaking nambabastos sa ‘kin!” Napahiyaw ako noong hinampas ng isa sa kanila ang aking pang-upo, “Ahhh!!! Bastos!” singhal ko. “That b*stard! Sinusubukan niya talaga ako!” Hinarap ko ang lalaki upang sampalin sa mukha ngunit nasangga niya ang kamay ko at hawak na niya ito ngayon. “You b*tch! Sasampalin mo pa ulit talaga ako? Ba’t ‘di ka na lang sumama sa ‘kin? ” “You’re f*cking moron! Hindi ako basta kung sino lang para sumama sa ‘yo. You ugly—” Naputol ang sinasabi ko noong hatakin niya ang kamay ko at pinilit ko iyong bawiin. “What are you doing?! Tulungan mo ako!” sabi ko sa guard. Napatda ang lalaki at lumapit sa amin. Sa inis ng gwardya ay hinatak niya ang kanang kamay ko at tila nag-agawan silang dalawa sa ‘kin. “Huwag kang makialam dito, guard!” banta ng lalaki. “Bitiwan niyo siya. Ayaw niyang sumama sa inyo. Putik, naasan na ba ang mga bouncer?!” “Ikaw ang narito, bakit maghahanap ka pa ng bouncer na wala rito! A-Aray! Ano ba bitiwan mo ako!” sigaw ko sa lalaki at hinarap muli ang gwardya, “Huwag mo na silang hinatayin pa! You coward!” sabi ko sa gwardya na nagpabago ng ekspresyon sa mukha niya. Sa gulat ko ay hinatak niya ako at nang mabitawan ako ng lalaki sa aking kamay ay nawalan ako ng balanse. Oh no! I’m falling! Napapikit ako nang mariin dahil sa takot. Mabilis kong idinilat ang mga mata ko noong nakadapa naako at nakapatong sa gwardya. Nanlaki ang mga mata ko nang tagpong iyon. “Ayos lang, po, ba kayo, Ma’am?” Nadako ang tingin ko sa kaniyang mga kamay na nakahawak sa aking magkabilang dibdib. Nang ibalik ko ang tingin ko sa gwardya ay nagtama ang tingin naming dalawa at inalis niya ang mga kamay niya. Umupo ako habang nakapatong sa kaniya. “H-Hindi ko sinasadya, Ma’am…” Isang malakas na sampal ang dumapo sa kaniyang kanang pisngi, “Bastos! Isa ka pa!” sigaw ko. “Aray! Ikaw na nga itong tinulungan ko— ako pa ang sinampal mo,” giit niya. Napahalakhak nang tawa ang mga kalalakihan sa likod at kaagad akong tumayo at inayos ang aking sarili. Sa unang pagkakataon ay nahawakan niya ang aking dibdib! Bigla akong hinablot ng lalaki at akmang hahalikan ako! “H-help!!!” naiiyak kong sigaw. Sa isang iglap ay inundayan ng suntok ng gwardya ang lalaki at napaatras ito. Humarang sa harapan ko ang gwardya at sandali akong nilingon. “Ma’am, d’yan ka lang at ako ang bahala. ‘Yong nangyari kanina—” Nasuntok sa mukha ang gwardya at siya naman ang paghiyaw ko. Akala ko ay mabubuwal siya sa kinatatayuan niya ngunit mabilis niyang nabawi ang sarili at tinadyakan sa sikmura ang lalaki bago pa man siya suntukin ulit. Nilingon niya akong muli. “Hindi ko sinasadya ang nangyari kanina.” Nagagawa niya pa talagang magpaliwanag habang nakikipag-away, “Do your job!” sigaw ko at umatras. Umiyak na ako noong wala akong makitang dumarating na bouncer. Pinagtulungan na ng apat na lalaki ang gwardya. Maya-maya pa ay siyang pagdating ng aking kaibigan na si Marla at kasama ang kaibigan niyang si Airah. Niyakap ako ni Marla at hindi ko na napigilan ang mapahagulgol nang iyak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD