HINDI ko mapigilan ang pag-iyak sa sobrang takot. Tila naging sandalan ko si Marla noong mga sandaling iyon. Habang ang mga lalaking nambabastos ay ayaw magpaawat. Pilit pa rin silang inaawat ng security guard kahit nagtamo na ito ng mga galos dahil kanina. Pilit na lumalapit sa akin ang isa sa kanila na lasing na. Umakto pa itong yayakapin ako ngunit hindi iyon natuloy dahil nahila ito ng security guard.
Sa sobrang inis ni Cassy— isa sa kaibigan ni Marla, kinuha nito ang isang bote ng alak sa lamesa at pinukpok sa ulo ng isang lasing na lalaki. Sa sakit na natamo sa pagkakapukpok sa ulo ng bote nito at umakmang susugurin pa nito si Cassy. Sa halip na matakot ay dahil palaban din ang brattenelang ito ay kumuha ulit si Cassy ng panibagong bote ng alak at pinukpok muli sa ulo ng manyakis na lalaking iyon.
“My God!” hiyaw ko.
Sa tindi nang lakas nang pagkakapukpok sa ulo nito ay bumagsak ito sa sahig. Nanlaki ang mga mata namin ni Marla at natawa nang bahagya si Marla. Tila ba naaayon sa kaniya ang ginawa ni Cassy. Ako rin ay nagulat at hindi makapaniwala. Wow! Mangha akong napatitig kay Cassy at nang ibaling ko ang tingin ko kay Marla at ngumiti ako sa ‘kin.
“Go girl! Buti nga sa ‘yo, mayakis ka!” anas ko.
Patuloy pa rin sa pag-awat ang gwardya habang ang mga kasama ng lalaking nanggugulo ay pilit na ginigising ang kasam nilang bulagta na.
“Gabriel!” sigaw ng club manager sa hindi kalayuan.
Nakakunot-noo pa ang club manager at mukhang hindi natutuwa sa nangyari. Habang ako ay matindi pa rin ang kaba ko sa aking dibdib. Nang dumako ang tingin ko sa gwardya ay bakas ang pag-aalala sa mukha nito. Nagyaya naman kaagad si Cassy na lumabas na kami at umalis na lamang sa LiquidDoze bar. Bago makalabas ng bar ay dumating na ang mga bouncer at tinungo ang mga lalaking nanggugulo. Kasama nila ang bartender na nag-asikaso kanina ng order ko.
Nagtama ang tingin namin ng security guard at sa halip na magpasalamat ako ay naalala ko lang naman ang paghawak niya kanina sa magkabilang dibdib ko. Halos nagpuputok ang butse ko sa nangyari. Sa halip ay sinamaan ko ng tingin ang gwardya at hinawi pa ang buhok ko. Paglabas namin nina Marla at iba pa ay nagpaalam na lang akong mauna na akong uuwi.
“Marla, I wanna go home na. I’m sorry but I’m exhausted.”
“Sure, Venus. Halika at ihahatid na kita sa kotse mo,” sagot niya.
Nang maihatid ako ni Marla sa kotse ay isang tipid na ngiti ang ginawad ko kay Marla. Siya naman ang paglalakad niya pabalik sa mga kaibigan niyang sina Teria, Laureen, at Cassy. Napabuntong-hininga na lamang ako. I still wanted to hang out with Marla's friends for a long time but those guys made me lose my appetite. Nagtaka naman si Mang Roberto at nilingon ako mula sa driver’s seat.
“Ma’am Venus, ayos lang, po, ba kayo? Ano’ng nangyari sa loob?”
“Do I look okay to you, Mang Roberto? May mga bastos lang naman na mga lalaki sa loob! Isa pa ‘yong gwardya na ‘yon!”
Hindi naman kaagad nakasagot si Mang Roberto. I admit, may kabastusan ako minsan dahil kahit mas matanda sa akin ay hindi ko ginagalang. That’s me! I’m the boss at employee lang sila.
“Mang Roberto, hindi pa ba tayo aalis? Dalhin mo na lang ako sa ibang lugar,” utos ko.
“Saan naman, po, Ma’am Venus? Baka magalit ang mga magulang mo kapag nalaman na binastos ka,” sabing paalala nito.
Nagsimulang paganahin ni Mang Roberto ang makina ng kotse at umarangkada. Pumunta kami sa Quezon City kung saan ay may iilang magagandang bar doon. Gusto kong uminom at maglasing. Gusto kong kalimutan si Harvey. Pagbaba ko ng kotse ay isasara ko na sana ang pinto ngunit bahagya akong yumuko. Napalingon si Mang Roberto sa akin.
“Yes, Ma’am Venus. Sasamahan ko na kayo sa loob.”
“Duh! Ano na lang sasabihin ng mga tao sa loob. Kaya ko na ang sarili ko. Tatawagan kita kung magkakaroon ng problem sa loob, Mang Roberto. Stay here.”
Sinara ko nang malakas ang pinto sa inis. Bakit parang tinuturing nila akong bata. Malaki na ako at kaya ko ang sarili ko. Isa pa may mga bouncer naman sa loob if ever may gano’ng pangyayari ulit. Ayaw ko nang bumalik sa LiquidDoze na ‘yon! Sumagi lang naman sa isipan ko muli ang mukha ng security guard na ‘yon. Napailing ako at naglakad nang diretso. Pinagbuksan ako ng bantay sa pinto at ang mga kalalakihan sa loob ay napalingon. Ang mga mata nila ay nanlaki at laglag ang mga panga.
Sino ba ang hindi mamamangha sa kagandahan ko. Ako yata ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa! Pagyayabang ko sa aking sarili. Habang naglalakad ako ay nakangiti ako. Gusto kong maging masaya ang gabing ito at makalimot sa walang hiyang cheater kong fiancé. Masama pa rin ang loob ko at ayaw kong makita ang pagmumukha niya.
Tinungo ko ang island counter at doon umupo. Napakunot-noo ako sa narinig ko. Ang ingay lang naman kasi noong babae sa hindi kalayuan. Nakikipaglampungan sa lalaking kasama niya. Hindi ko nga lang masyado makita ang kaniyang mukha dahil sa madilim na lugar at tanging mga ilaw sa disco lights ang nagsisilbing ilaw sa buong bar.
Napapaindayog ako sa magandang musika na pinatugtog ng DJ. Uminom ako nang uminom. Hindi ko alintana kung malalasing ba ako nang husto. Ang tanging nasa isipan ko lang ay si Harvey at ang pagmumukha ng babaeng mukhang aparador! Naramdamn kong puno na ang aking pantog at pagtayo ko ay nabangga ako ng babaeng nakikipaglampungan pa rin sa kasama niyang lalaki.
“Argh! What the—” putol kong sabi nang magkatapat ang mukha naming dalawa.
Naningkit ang mga mata ko dahil kilala ko ang babaeng ito.
“Kate?! Is that you?!” bulalas ko.
“O…M…G! Venus?!” hindi makapaniwalang sabi nito.
“Kate!” hiyaw ko at niyakap naming ang isat-isa.
Kate is one of my bestfriends noong nasa highschool ako at college. Nagpunta siya ng states at doon namalagi pagkatapos ng graduation namin. Nakapangasawa kasi ang papa niya ng taga-roon dahil namayapa na ang kaniyang ina habang nasa highschool kami. Nawala ang contact ko sa kaniya dahil nanakawan ako ng phone noong isang beses akong sumakay sa taxi. Paglabas ko ay hinablot ang phone ko. Tumakas lang kasi ako kay Mommy noon dahil ayaw niya akong payagang lumabas at mamasyal.
Hinila niya ako papunta sa upuan at umupo kaming dalawa. Mangiyak-ngiyak akong kaharap siya. Ang lalaking kasama niya ay yakap-yakap siya sa likuran. Nang-iinggit ba ang dalawang ‘to? Bahagya kong inilapit ang bibig ko sa kaliwang tainga niya habang nakatayo sa likuran niya ang lalaking kasama niya at uminom ng alak.
“Who is the man with you?”
Lumingon si Kate sandali sa kasama at nang ibaling sa akin ang atensyon ay malapad ang ngiti nito sa labi.
“He’s my boyfriend, girl!” kinikilig na sagot pa nito.
“Oh, I see…”
“Ikaw, nasaan ang boyfriend mo? Who are you with here? Nag-iisa ka yata?” nagtatakang usisa nito sa ‘kin.
Too bad at hindi niya nakilala si Harvey. Mabuti na rin ‘yon dahil kinakahiya kong naging fiancé ko pa ang lalaking ‘yon.
“I-I'm alone. I don't have anyone with me.”
“Ang magandang tulad mo ay hindi dapat nag-iisa rito, girl. Kilala ka yatang sikat sa mga kalalakihan noon sa campus natin! Hey, John, come here!”
Lumapit si John at ngumiti ito sa aming dalawa ni Kate. Ngumiti at nang titigan ko ang mukha nito ay may halo itong lahing amerikano.
“This is Venus— my bestfriend. You remember what I used to tell you so often?”
“Ah, yeah! I remember her. Madalas kang ikwento sa akin ni Kate,” nakangiting sabi nito habang namimilipit pa ang dila sa pagsasalita ng Tagalog.
Nagsama-sama kaming tatlo sa VIP room upang uminom. Habang lumilipas ang oras ay naparami na rin ako sa pag-inom.
“I'm so mad at you Harvey! I want to forget you right away!” hiyaw ko nang buong lakas.
Dahan-dahang pumatak ang luha sa aking mga mata at sabay laklak ng isang basong alak sa aking harapan.
“Girl, hindi lang siya ang lalaki sa mundo! Dapat mo na siyang kalimutan! Mas marami pang masarap at responsable!” dagdag pa ni Kate.
…
Marahan kong minulat ang aking mga mata. Naramdaman ko ang bahagyang pagkirot ng ulo ko. Dahan-dahan akong bumangon at iginala ang paningin sa aking paligid. Oh, I'm in my room. I don't remember what happened last night. Tinungo ko na kaagad ang banyo at naghilamos ng mukha ko. Namamaga at mugto pa ang mata ko. Naalala ko, iyak pala ako nang iyak kagabi sa harap ni Kate at sa boyfriend niyang si John. Pinilig ko ang ulo ko at napahilamos ng aking mukha.
“I shouldn't waste my time on him…” mahinang sabi ko sa sarili.
Nagdesisyon akong magsipilyo dahil naamoy ko pa ang alak sa aking bibig. Lumabas ako at bumaba para pumunta sa kusina. Tahimik ang mansion at abala ang lahat ng katulong sa paglilinis. Kumuha ako ng malamig na tubig sa ref at inisang lagok iyon. Ngayon lang ulti ako nalasing nang husto. Pakirmdam ko ay tuyong-tuyo ang lalamunan ko.
Umupo ako sa upuan sa tabi ng island. Nagpangalumbaba ako at hindi mawala sa isipan ko si Harvey. Paulit-ulit na bumabalik ang sakit at kirot sa puso ko. Parang tinusok ng matalim na karayom ang kaibuturan ng puso ko at kumalat iyon sa buong pagkatao ko. Napaigtad ako nang batiin ako ng isa katulong namin.
“Good morning, Ma’am Venus!” masayang bati nito.
Nilingon ko na siya na masama ang mukha ko at Ngumiti nang matipid.
“G-Good morning, Manang Rosa…”
Twenty-years nang naninilbihan sa amin si Manang Rosa. Lahat ng gusto ko ay binibigay niya. Nag-iisang anak lang naman kasi ako nina Mom at Dad. Walang pamilya si Manang Rosa. Tinuring na niya akong parang anak.
“Mag-almusal ka na, langga…”
“Wala akong gana…” masungit kong sagot.
Kahit tarayan ko si Manang Rosa ay sanay na ito sa ‘kin at ngumingiti lang ito sa tuwing nagsusungit ako sa kaniya.
“Dahil ba iyan kay Harvey?”
Matalim ko siyang tinitigan. “Manang, don't you ever mention his name from now on.” Tumayo ako upang bumalik na sa itaas. Wala akong ganang kumain. Ni hindi nga ako nakararamdam ng gutom.
“P-Pero, langga! Huwag ka magpapalipas ng gutom. Bilin sa amin nina Ma’am at Sir.” Hinabol pa niya ako sa hagdan habang umaakyat.
“Manang, I said wala akong ganang kumain. Sa labas na lang ako kakain.”
Pupuntahan ko ang isang branch sa beauty salon na pinatayo ko dahil tumawag kahapon ang auditor ko. Mababa raw ang sales doon kaya kailangan kong kausapin ang tinalaga kong manager doon. Ilang buwan na kasing walang improvement. Hindi ko alam kung siya ba ang problema o ang mga tauhan. Hindi na mabilang ang beauty salon na pinatayo ko. Nagbabalak na rin akong magtayo ng sariling beauty cosmetic product.
“G-Gano’n, ho, ba. Kagabi nga pala ay nanggaling dito si Sir Harvey. Kausap niya si Ma’am Alexandra.”
“What?! That man has no shame!”
Sa inis ko ay umakyat ako at nagpasyang mag-shower at balak kong umalis. Pupuntahan ko si Harvey sa opisina niya. Habang nasa kotse ako ay napako ang tingin ko sa binigay niyang stufftoys, isang box na puno ng jewelries at ang diamond ring na nakasuot sa daliri ko hanggang ngayon. Balak ko lang naman ibalik ang mga ito sa kaniya. The rest ay itatapon ko na ang iba pa.
Makikita niya ngayon kung sino si Venus Alcantara! Inayos ko ang aking sarili. I’m wearing red lipstick. Nakasuot din ako ng Backless tops at tailored pants. Kahit mainit sa Pilipinas ay nagsuot ako ng trench coat dahil malamig naman sa kotse.
“Ma’am Venus, sigurado ba kayong pupunta tayo kay Sir Harvey?” kinakabahang tanong ni mang Roberto.
May mga kasama rin akong bodyguards. Isa sa tabi ni Mang Roberto at may nakasunod na kotse sa likod ko. Heto ang unang beses na nagpasama ako sa kanila na bukal sa loob ko. Gusto ko pang ipabugbog si Harvey.
“Bakit, natatakot ka ba? Kailangan ko siyang harapin, Mang Roberto. That's why I brought my bodyguards.”
Ang lakas ng loob ko dahil may kasama ako. Aaminin ko sa man o hindi, natatakot ako at baka saktan ako ni Harvey kapag ibinalik ko itong engagement ring. Wala akong pakialam kung mapahiya siya sa harap ng mga tao at mga tauhan niya!
Nagmadali akong bumaba at pumasok sa building kung nasaan ang opisina ni Harvey. Mayaman sina Harvey at siya ang nagmamay-ari ng kanilang kompanya. Siya ang nagpapatakbo niyon. Pinagtitinginan kami ng mga tao sa hallway habang naglalakad patungo sa elevator. Bitbit ng isa kong bodyguard ang isang box. Samantala ay bitbit naman ng isa sa kanila ang malahiganteng stufftoys. Nang marating naming ang opisina at pinapasok ako ng nagbabantay sa pinto. Kilala kasi nila akong fiancée ni Harvey.
Hindi na ako kumatok pa sa pinto at binuksan ng isang bodyguard ko ang pinto. Laking gulat ni Harvey nang makita ako at kaagad itong tumayo at Ngumiti.
“Venus?! Honey!” natutuwang sabi nito.