“HI HONEY!” mataray kong sagot habang pekeng nakangiti sa harapan ni Harvey.
Kaagad namang humakbang palapit si Harvey sa akin at akmang yayakpin ako. Ang buong akala niya ay narito ako upang makipag-ayos. Mabilis kong hinaklit ang hawak na teddy bear ng bodyguard ko at tinapon sa harap ni Harvey.
“This trash is yours! Sa ‘yo na ulit ‘to at isinasauli ko na!” pagtataray ko at nanlaki ang mga mata niya habang nakatitig sa malaking teddy bear na nasa sahig.
“What’s the meaning of this, Honey?”
Kinuha ko rin ang hawak na box ng isa ko pang bodyguard at humarap muli kay Harvey habang pinupulot nito ang teddy bear.
“Honey? Honey mo mukha mo!” bulalas ko at sabay tapon ng box sa harapan niya.
“B-Babe! L-Love! Baby!” nanginginig pa ang labing sambit niya.
Sa lakas niyon ay nagkalat ang mga alahas. Lalong nanlaki ang mga mata ni Harvey at napaawang ang labi. Oo, napanganga siya sa pagkagulat. Kahit sino ay magugulat sa aking ginawa. Nagsilapitan ang mga empleyado niya at pilit na dumudungaw sa pintuan upang makitsismis.
“There you go! Sa ‘yo na lahat ‘yan. Heto ang tatandaan mo, Harvey! Hinding-hindi na ako babalik sa ‘yo. Let’s just forget everything that we had! Isa pa, huwag mo akong matawag-tawag ng kung anu-ano!”
Pilit siyang lumapit sa ‘kin ngunit humarang na kaagad ang ilan sa bodyguards ko. Tinapon nila sa harapan ang iba pang stufftoys. Para akong kinurot nang pinong-pino sa puso ko nang makita ang mga iyon. Pinahalagahan ko rin ang mga bagay na ‘yon pero ayaw ko nang makita ang mga iyon sa kuwarto ko. Lalo lamang akong nasasaktan kapag nakikita ko ang mga binigay sa akin ni Harvey. Desidido na akong huwag ituloy ang kasal.
“Venus! Don’t do this to me! You are my everything!”
“I don't want to beg for your time Harvey. Sa dinami-rami ng babaeng papatulan mo, ang babaeng ‘yon pa talaga! Siya lang naman ang dahilan kung bakit nasira ang relasyon ni Marla sa boyfriend niya!”
Pilit niyang hinahawi ang mga bodyguard ko ngunit nagmamatigas sila. Sa laki ba naman ng mga katawan nila ay hindi sila kakayanin ni Harvey kahit malaki at masculine ang katawan nito.
“Get out of my way!” sigaw niya.
Nagmatigas ang bodyguard at umiling-iling.
“Tatamaan ka sa ‘kin kapag hindi ka tumabi!”
Sumagi sa isipan ko ang pinag-usapan namin kanina.
“Ma’am Venus, paano kung manlaban si Sir Harvey?”
“Upakan n’yo. Kulang pa ‘yon kung tutuusin,” mariin kong sagot.
Nagkatinginan ang mga bodyguard na tila may pangamba sa mga mukha nila.
“Huwag kayong matakot. Ako ang bahala sa inyo.”
Tumango sila at saka kami sumakay sa kotse. Dahil sa maiksi ang pasensya ni Harvey ay dumapo ang kanang kamao nito sa mukha ng bodyguard ko. Hindi sila magpapatalo dahil susundin nila ang iniutos ko. Gumanti ang bodyguard ko at ang iba sa kanila ay hinawakan si Harvey sa magkabilang braso. Dahilan upang hindi makagalaw si Harvey.
“The f*ck are you doing?! Idedemanda ko kayo! Venus, don’t do this. I love you so much. Iniwan ko na ang babaeng ‘yon. Inakit lang naman niya ako! Hindi ko sinasadya!”
“Oh, really? I don’t believe you after all. Before that, may nakalimutan akong ibalik sa ‘yo.”
Ilang suntok lang naman ang natamo ni Harvey at may galos ito sa mukha. Ngumisi lang ako at inangat ang kanang kamay ko kung saan nakasuot ang engagement ring. Nanlaki ang mga mata niya nang marahan ko iyong alisin sa daliri ko at inilagay sa bulsa ng kaniyang polo.
“That’s yours, am I right?”
“What?! Venus, matutuloy ang kasal natin kahit ano’ng mangyari! You better remember that!” matapang niyang sabi.
Bumuntong-hininga ako at sumenyas sa mga bodyguard na pakawalan si Harvey. “Just find another girl who will accept your cheating, and that’s not me. Let’s go boys!”
Hindi ko na nilingon pa si Harvey at umalis kami sa opisina niya. Pinagtitinginan kami ng mga empleyado roon. Dumating ang security guard at sa labis na pag-aalala ay pumasok ito sa opisina ni Harvey. Takot lang din ng guard dahil malalaking tao ang kasama ko.
“Ma’am Venus, hindi ba napasobra yata ang ginawa ng mga bodyguard kay Sir Harvey?” tanong ni Mang Roberto habang patuloy kami sa paglalakad.
Napahinto ako at tumingin sa gawi niya habang nakataas ang kanang kilay ko. “Sino ba ang amo mo, Mang Roberto? Kanino ka ba kumakampi? Gusto mo bang masesante?” banta ko.
“S-Sorry, po, Ma’am Venus…”
“Kung hindi ka lang family driver sa loob ng ilang taon ay hindi ako magdadalawang-isip na tanggalin ka.”
“Pasensya na, po, Ma’am Venus… hindi na, po, mauulit…” kinakabahang paghingi ng paumanhin ni Mang Roberto.
Habang nasa kotse ay tumawag bigla si Mommy. Napakunot-noo ako at kaagad din iyong sinagot.
“Hi, Mom.”
“Where are you, Venus?!” galit na tanong nito.
“I-I’m here in my car, Mom. I’ll visit one of my branches.”
“What have you done, Hija?! Sumusobra ka na yata? Baka nakalilimutan mo, pangalan namin ng daddy mo ang nakataya rito…”
Nagpakawala ako ng hangin at napapikit nang mariin. Sumandal ako at hinilot ang sentido ng ulo ko. “So, Harvey reported to you right away?” naiinis kong tanong.
“We’ll talk about it later! Mananagot sa akin ‘yang mga bodyguard mo!”
“But, Mom!”
Pinutol ni Mommy ang tawag at binabaan ako. I rolled my eyes. Nakuha ni Harvey ang loob ng mga magulang ko. Paano ko ba siya tuluyang alisin sa buhay ko! Kumain muna ako sa labas at pinabili ko na rin ng makakain ang mga bodyguard ko kasama si Mang Roberto. Kahit maldita ako ay may kabaitan din naman ako. Kasabay ko silang kumain at hiyang-hiya sila sa ‘kin.
“Huwag na kayong mahiya. Hindi pa tayo kumakain.”
Pagkatapos naming kumain ay tumungo na kami sa isang branch. Naabutan kong may customer na nagwawala sa labas ng salon. Pinagbuksan ako ng bodyguard ko at lumabas ako. Inangat ko ang suot kong black shades at pinatili iyon sa itaas ng noo ko.
“What's happening here?” nagtataka kong tanong.
Inilang hakbang ko ang entrance ng salon. May touch of gold and pink ang labas at loob nito. Gutso ko magmukhang elegante and at the same time ay may touch of feminine— pink. Nabalot ng takot ang manager nang makita ako habang nakahalukipkip ang magkabilang braso. Pinapanood ko silang magsigawan. Itinaas ko ang kamay ko upang sumenyas sa bodyguard ko na pahintuin sila at awatin. Hindi nagdalawang-isip na lumapit sa akin ang manager.
“Ma’am Venus, I’m so sorry. Nanggugulo, po, kasi lagi ang babaeng ‘yan dito…”
“And who is she? Why is she doing that thing?” Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa pinagbuksan ako ng security guard ng salon.
“Good afternoon, po, Ma’am…”
Pagpasok ko sa loob ay dumiretso ako sa opisina. Matao naman ang lugar at maraming client. Sinundan ako nang tingin ng mga client. Tila ba hangang-hanga sila sa ‘kin. Sa gitna ng salon ay may table at may upuan sa magkabilaan harapan at likuran. Nasa gitna ng bawat table ang bilog na salamin na nakabalot sa gold. Pink ang pintura ng wall at may pink na bulaklak katulad ng Sakura ng Japan.
May designated area rin kung saan ay may mga mamahaling halaman, background with chandelier at malambot na sofa para upuan nila. Tutal mahilig sa social media ang mga tao ngayon. Kaya nagtataka ako kung bakit mababa ang sales nila kumpara sa iba. Pag-upo ko sa upuan ay matalim kong tinitigan ang manager na si Faye.
“Faye, what’s happening here? Nakaraan lang ay naging top one ka sa sales.”
Umupo si Faye sa isang upuan sa harap ng glass table. Hinihintay ko ang kaniyang explanation. Kapag hindi niya ako nabigyan ng isang magandang rason ay aalisin ko siya ora-mismo.
“M-Ma’am Venus. Mataas pa rin, po, ang sales namin…”
“Mataas?”
Sumenyas ako sa bodyguard na may bitbit ng dala kong files. Inabot niya sa akin ang isang folder. Pagtanggap ko niyon ay hinagis ko ito sa may table.
“That's it! Look at the record. You are the lowest. Do you understand? You didn't even reach your quota this quarterly.”
Kinuha ni Faye ang folder at binuksan iyon. Ilang beses niyang tiningnan ang record. Napaawang na lang ang labi niya.
“So, ano ang irarason mo sa akin?” mataray kong tanong.
“Ma’am Venus… ‘yong babae sa labas. Lagi po siyang nanggugulo rito. Kaya ang ibang client ay umaalis at natatakot. Linggo-linggo niya po ito ginagawa.”
“What?!” bulalas ko.
“Opo, Ma’am… kaya wala po kaming maayos na sales.”
Sa inis ko ay tumayo ako. Para akong mag-aalburuto sa inis. Mabilis kong nilakad palabas ang salon at naroon pa ang babaeng iyon. Nakasuot lang iyon ng lumang damit at palda. Nakatsinelas at gulo-gulo pa ang buhok nito. Paglapit ko sa kaniya ay nakaantabay ang mga bodyguard ko incase na saktan ako ng babaeng ito.
“Who are you and why are you causing trouble here in my establishment? Do you want me to call the police?”
Napahinto ang babae at bakas sa mukha niya ang pag-aalala. Nagkasalubong ang magkabilang kilay ko. Mangiyak-ngiyak ang babaeng ito na nasa harapan ko ngayon. Si Faye naman ay biglang sumulpot sa aking tabi.
“Ma’am… Ma’am Venus, ako na ang bahala sa kaniya. Huwag na huwag ninyo siyang pakinggan. Baliw ang babaeng ‘yan!”
“Let me fix this, Faye. Hindi p’wedeng ganito…”
“Ma’am, I can fix this…” pagpupumilit niyang sabi.
“When is it, Faye? You’re wasting my time!”
Ayaw tumigil ni Faye at nagkautal-utal na ito sa mga sinasabi niya.
“Can you please, shut up, Faye?!” Pagtaas ko ng boses.
Napaatras si Faye at nagdesisyong harangan ang babae sa aking harapan. Umiyak ang babae at laking gulat ko dahil bakas sa mukha nito ang labis na sakit at paghihirap. Ano’ng nangyayari?
“Magsalita ka na at gusto malaman ni Ma’am Venus ang nangyayari, manang,” ani isang bodyguard.
“Huwag mo ko matawag-tawag na manang! Trenta anyos pa lang ako!” sigaw niya sa bodyguard ko.
Napangisi ako at napapikit nang mariin sa hindi malamang dahilan.
“Ma’am… ‘yang manager ng salon. Ayaw niya sabihin sa ‘kin kung naasan ang asawa ko. Inagaw niya ang asawa ko.”
Namilog ang mga mat akong binaligan ng tingin si Faye at galit na galit ang mukha nito ngayon.
“Faye? Ano’ng sinasabi niya?”
“Ma’am, may mga anak kami. Kasal kami… may sakit pa ang bunso ko. Tinago niya ang asawa ko! Kailangan kong makausap ang asawa ko!” pagmamakaawa nito.
“Ma’am Venus… m-magpapaliwanag ako…” pagsingit ni Faye.
Sa piangdaraanan ko ngayon and most of all— I hate cheating! Hindi na siguro ako magdadalawang-isip na alisin si Faye sa kompanya ko. Bago pa ako magsalita muli ay nakipagsabunutan na si Faye sa babaeng kausap ko. Lumaban din ito ngunit pinaawat ko sila. Panay ang hiyaw ko dahil hindi ako makapaniwala sa pagwawala ni Faye. Ang babaeng mahinhin at tahimik ay parang biglang naging halimaw!
“Oh my God! Stop them!”
…
Umiiyak ngayon si Faye sa aking harapan habang nakaluhod pa. Nagmamakaawa ito na huwag alisin sa trabaho. Dahil sa palpak niyang pag-manage ng salon branch na ito ay wala akong magagawa kun ‘di ang alisin siya. Bukod doon ay hindi lang sales ng branch na ito ang sinira niya. Sinira niya rin ang pamilya nang may pamilya.
“I hate it… Faye, I’m so sorry, but you are fired. Wala na akong magagawa pa.”
“Pero, Ma’am Venus! Nagmamahalan kami ni Badong!” sigaw ni Faye.
“I’m not a fan of it, Faye. May pinagdadaanan din ako. Nakikita ko ang sarili ko sa kaniya.” Sabay tingin ko sa babaeng iyak nang iyak hanggang ngayon.
Napahinto kami noong dumating ang isang lalaki. May kaliitan ito at kaiitiman. Sino siya?
“Marie? Ikaw ba ‘yan?” tanong ng lalaki.
Tumayo si Marie at niyakap nang mahigpit ang lalaking bagong dating. Napataas ang kanang bahagi ng kilay ko.
“Don’t tell me, you are Badong?” nagtataka kong tanong.
“A-Ako nga, ho, Ma’am…” nakangiti nitong sagot.
Napahilamos ako ng mukha sa nangyayari. Hindi ako makapaniwala na ang lalaking ito ang pinag-aagawan nila.
“Ang pangit naman pala ni Badong, Ma’am Venus… akala ko ay pogi lang ang pinag-aagawan ngayon.” bulong ni Mang Roberto sa akin.
Tumikhim ako at nilapitan si Badong. Napahinto sila at yumuko.
“Next time, alagaan mo ang pamilya mo, Badong. Isipin mo ang mga anak mo. Huwag mong ipagpalit ang ilang taong pinagsamahan ninyo sa panandaliang kaligayahan…”
Nagkatinginan ang mga tao sa loob ng opisina at nanahimik. Naawa ako kay Marie dahil nilagay ko ang sarili ko sa kaniyang mga paa. Gusto kong umiyak noong mga sandaling iyon dahil kay Harvey. Kalat na ang balitang nakipaghiwalay ako kay Harvey.
“Kaya kayo iniiwan dahil masyado kayong mabait at uto-uto!” anas ni Faye na matalim ang tingin sa ‘kin.
Sa sobrang inis ko ay kinuwelyuhan ko si Faye. “Kung walang mga babaeng tulad mo ay walang masisirang relasyon!” banat ko at tinulak si Faye. “Paalisin n’yo na siya rito. Hindi ko kailangan ang tulad niya sa kompanya ko.”