Bernadette's Pov: Ramdam ko ang tensyon sa katawan ni Zen. Mukhang kinatatakutan talaga ng lalaki ang kadilimang bumabalot sa amin. Kinapa ko ang kamay n'ya at pinisil iyon. Wala kaming maaasahan kundi ang isa't-isa. Naramdaman ko ang ilang beses n'yang paghinga ng malalim. Ramdam ko ang pagpipilit n'yang labanan ang takot. Kahit paano ay gumaan ang pakiramdam ko. I felt proud para sa kapareha ko. He's too strong to admit that he's afraid of darkness. Ni hindi n'ya itinago ang bahaging iyon ng sarili n'ya. Sino nga bang mag-iisip na kadiliman lang pala ang kahinaan ng isang Zen Zacharias? Lihim na nagpasalamat ako sa kanya sa isip. Alam kong may tiwala s'ya sa akin kaya mabilis sa kanyang aminin ang sariling kinatatakutan. "Okay ka na na?" I asked. "More than okay." Kahit hindi ko n

