Bernadette's Pov: Magkasabay na din kaming pumunta sa field. Ni hindi n'ya binitawan ang kamay ko. Kahit na nga halos pagtinginan kami ng mga kapwa namin estudyante at kahit anong hila ko sa kamay ko ay nanatiling hawak hawak n'ya iyon. Mukhang kahit hindi pa namin napapag-usapan ang kung anong relasyong meron kami ay nakahanda na s'yang panindigan iyon. Sa field na din namin nakita sina Venice kaya pinilit ko s'yang bitawan ako para puntahan ang mga kaibigan ko. Hindi din naman s'ya lumayo dahil halos katabi lang ng grupo namin ang grupo nila Fern. Hindi ko man tingnan ay alam kong nakabantay sa akin ang mga mata n'ya. "Siguraduhin mong magkwekwento ka pagkatapos nito," simula sa akin ni Venice pagkalapit ko. Nangingiting tinanguan ko na lang s'ya. Gusto ko pa sanang makipagkulitan s

