Bernadette's Pov: "Sinong kapareha mo?" Tanong sa akin ni Venice habang nag-aayos ng sarili. Napabuga ako ng hangin sa tanong n'ya. Kahapon ko pa pinoproblema iyon. Sa dami naman kasi ng estudyante dito sa Saint Runes, bakit si Zen pa? Hindi ko man nakitaan ng ekspresyon si Queven kahapon, kitang-kita ko naman kung paano tumaas ang kilay n'ya. Maaga kaming gumising ngayon para may sapat na oras kami para makapaghanda sa mangyayari mamaya. Bakit kasi kailangang hirap muna bago saya. "Si Zen." Maikling sagot ko bago may naisip. "Ikaw? Sino ba ang magiging kapareha mo?" Balik-tanong ko sa kanya. Tinatamad na humilata ako sa kama. Nakangusong umupo s'ya sa kama n'ya na kaharap ng sa akin."Si Dice." Napatango-tango ako at hinarap s'ya. "Madiskarte at malakas si Dice. Sigurado akong hind

