Bernadette's Pov: "Saan ba tayo pupunta?" Pang-ilang beses na tanong ko na iyon kay Queven pero ni hindi n'ya ako sinasagot. At hindi ko man gusto ay nasasanay na ako sa pagiging malapit namin. Nagugustuhan ko na ang mainit na pakiramdam ng kamay n'ya sa akin. Ang nakakakiliting pakiramdam na hatid n'ya sa tuwing malapit s'ya. Ang kakaibang kabog ng dibdib ko sa tuwing tititigan n'ya ako. Natatakot ako sa maaaring dahilan ng mga iyon pero hindi ko naman makayang iwasan s'ya. Dahil kahit anong layo ko ay nakakahanap ang pagkakataon para pagsamahin kami. My soul and heart, they both want him near me. Ni hindi ko alam kung kailan iyon nagsimula. Nawala sa nararamdaman ko ang atensyon ko nang makita ang tore sa harapan namin. Ang toreng kinakitaan ko kay Dice. "I just want to rest."

