Queven's Pov: Tahimik na itinuon ko sa pagkain ang atensyon ko. Hindi naman ako gutom, I just need distraction. Distraction from this feeling. Hindi ko alam kung ano itong nararamdaman ko. At aminado akong nahihirapan akong pangalanan ito ganundin ang unawain. Hindi ko naman talaga planong magpakita sa duel kanina. Wala akong pakialam sa kung anong pinaglalaban ni Lucas. Wala din akong planong sumali sa kung anong trip nila ni Zachrias. Hindi ko lang talaga makalimutan ang takot na nakita ko kay Bernadette nang sigawan s'ya ni Lucas. Hindi man iyon nahalata ng iba, nakita ko iyon. Kaya kahit tinatamad ay pinilit kong magpakita kanina, gusto ko din sana kasi s'yang saktan. Gusto kong tahiin ng kapangyarihan ko ang bibig ng lalaking iyon. Pero hindi ko alam kung paanong nawala lahat n

