CHAPTER FIFTEEN

1428 Words
Napahawak sa ulo si Paul habang kaharap niya ang ama ng mapapangasawa ng kanyang anak na si Erica. Mabigat ang sitwasyong kinaharap niya, lalo na’t nasa harap niya ang taong dapat sana’y magiging biyenan ng anak niya—si Henry Alagar. “Wala pa rin bang balita kung nasaan ang anak niyo?” tanong ni Henry, diretso, walang paligoy. “Don’t tell me you still have no contact with her. Naiintindihan niyo ba kung anong gulo ang ginawa niya? This is a huge scandal for our family. A very big one.” Nagbuntong-hininga si Paul, pilit na pinapakatatag ang sarili. “Henry… ginagawa namin ang lahat. Hindi rin namin alam bakit bigla siyang—” “Ran away? Yun ba ang tawag niyo doon?” mabilis na putol ni Henry. “Your daughter walked out on the wedding day. On the actual day. Do you have any idea how humiliating that is? Alam niyo bang hindi lang pamilya ko ang naapektuhan dito? We had guests, arrangements, commitments. Ang daming nakaasa sa kasalang iyon.” Umiling si Paul, hindi makatingin nang diretso. “Hindi namin siya ma-contact. Hindi niya sinagot kahit sino sa amin.” “Exactly my point,” balik ni Henry, halatang tumitindi ang tono. “She disappeared. Just like that. Ano ba ‘to? Some kind of joke? Because it’s not funny. Not even close. Jake is devastated. My son spent months preparing for this. Months. And now what? She just vanished without a word?” Napalunok si Paul, ramdam ang bigat ng bawat salitang ibinabato sa kanya. “At sana man lang,” dagdag ni Henry, “you would show some accountability. Some clarity. Some responsibility. Hindi ‘yong puro ‘we don’t know.’ Hindi puwedeng ganyan. Your daughter caused a mess, and now we’re left to clean up the pieces.” Tahimik si Paul. “At siguro,” huling sambit ni Henry, “you should start asking yourselves why she had to run away in the first place. Because people don’t just disappear for no reason. But right now? I need answers. And I need them soon.” “Kung alam ko lang sana, sinabi ko na sa inyo,” sagot ni Paul, mabagal, pilit hinahabol ang sariling hininga habang pinipigilan ang pag-angat ng emosyon. Syempre maging siya ay nagagalit dahil sa mga nangyari..“Pero kahit ako at ang asawa ko… wala rin kaming alam kung nasaan si Erica. She just disappeared. Basta na lang siyang naglaho na parang bula, halos walang dalang gamit. Hindi namin alam kung ano’ng pumasok sa isip niya.” Umiling si Henry, marahas, halatang hindi natatanggap ang sagot. “Akalain mo ’yon?” tugon niya. “Akala ko ba malinaw na sa ating dalawa na everything was settled. Maayos na ang lahat. Matagal nating pinag-usapan na ikakasal ang mga bata. So why did this have to happen? Why now? Why like this?” Napangisi si Henry. “Sobrang nakakahiya,” padagdag pa ni Henry. “You know very well na hindi basta-basta ang mga bisitang naroon sa simbahan. You know that. At pagkatapos? No bride. Wala. As in wala. Do you have any idea kung gaano katinding kahihiyan ang binigay ng anak ninyo sa anak ko? Sa pamilya namin? Sa pangalan namin?” Napatingin si Paul sa sahig, ramdam ang bigat ng paninisi..“Sana man lang,” pagpapatuloy ni Henry, “binantayan niyo ng maigi si Erica. Sana man lang hindi niyo pinabayaan. Because honestly? If you had been stricter, if you had doubled your supervision.hindi sana siya nakatakas nang ganun-ganun na lang. And guess what? None of this mess would have happened. None.” Hindi na nakasagot si Paul. Ang mga salitang binitawan ni Henry ay parang malalakas na hampas na hindi niya maiiwasan. Guilty siya sa lahat ng pagsisisi ni Henry sa kanya. “Hindi lang naman pamilya mo ang naapektuhan, Henry,” sagot ni Paul, mas mababa ang boses pero halatang pinipigilan ang sariling galit. “Kung nilagay sa kahihiyan ang pamilya mo dahil sa ginawa ni Erika ganun din naman sa amin. Hindi ba napahiya rin ang pamilya namin? At higit pa doon, nawawala ang anak namin. Hanggang ngayon. Walang tawag at walang kahit anong bakas kung nasaan siya.” Nag-angat ng tingin si Paul, pilit na pinapakalma ang sarili, pero nanginginig na ang dibdib niya sa bigat ng problema. “Kaya sana,” pagpapatuloy niya, “instead of pointing fingers, instead of blaming each other, ayusin na lang natin ang lahat. Hindi kami nakaupo lang. Hindi kami nagpapabaya. We are doing everything we can. Lahat ng paraan na maisip namin, ginagawa namin para makita si Erica sa lalong madaling panahon.” Pero imbes na lumamig ang sitwasyon, lalo itong lumaki. Nag-igting ang panga ni Henry. Napikon ito kay Paul.. “Oh, so now it’s equal?” mariing sagot ni Henry. “Now you’re saying pareho lang tayo? Don’t you dare compare this to what my family went through. Don’t…Yes, your daughter is missing. And I get that. But let me be clear,.this didn’t just happen to you. She didn’t just vanish from your life. She vanished from mine too. From Jake. From a wedding na pinaghandaan nang sobra-sobra. And you expect me to stay calm?” Umiling siya nang may bigat. “You talk about fixing things. Fine. But tell me, how do we fix something na wala man lang tayo kahit isang sagot? How do we fix a disaster that your daughter created and left us to deal with?” Natigilan si Paul sa sinabi ni Henry, hindi siya makahanap ng sagot para ipagtanggol ankahihiyang kahihiyan ni Erica. “Alam kong galit ka, Henry, dahil sa ginawa ng anak ko,” sagot ni Paul, mas mabigat na kaysa kanina, parang sinusubukang maging matatag kahit nauupos na siya. “Pero ano bang magagawa ng galit mo ngayon? Kahit magwala ka sa harapan ko, kahit sigawan mo pa ako, wala akong solusyong maibibigay sayo ngayon.” Napahinto si Paul, hiningang malalim, bago nagpatuloy…“Ako na mismo ang humihingi ng tawad para sa ginawa ni Erika. Sa sobrang kahihiyang idinulot niya, sa gulong pinasok niya tayong lahat… ni hindi ko alam kung anong sasabihin. And I don’t even know what I’m supposed to do as her father. Wala kaming alam kung nasaan siya, wala kaming hawak kahit anong dahilan kung bakit siya tumakas.” Bahagyang nanginig ang boses niya sa huling sinabi.. “Pero isang bagay ang sigurado ako,” sabi ni Paul, dahan-dahang tumingin kay Henry. “Kapag nakita ko siya… I swear to you, hindi pwedeng hindi niya pagbayaran ang ginawa niyang ito. She will answer for everything. Sa kahihiyan. Sa gulong ginawa niya. Sa lahat ng taong nadamay niya. I promise you, Henry. She will not walk away from this.” “Hindi ko alam kung ano pa ang dapat gawin, Paul.” Umupo si Henry pero hindi nagbago ang tigas ng tono, parang bawat salita ay hinahampas si Paul nang diretsong-diretso. “Kung dapat pa bang ituloy ang kasal ng mga bata? Because if you ask me—ayoko na. Ayoko nang maglustay ng malaking pera para sa isang kasal na maaaring mauwi lang ulit sa wala. Why would I risk that again? Pero dahil mahal siya ng anak ko wala akong magawa. Jake still wants her. He still cares. At bakit? Hindi ko maintindihan. Pero kahit gano’n, sana naman”—nagigilan ito, puno ng pauyam ng boses…“Sana matutong pahalagahan ng anak mo ang lahat ng ginagawa ng anak ko para sa kanya. Because honestly? Kung babae lang ang pag-uusapan, maraming babae sa mundo. Hindi lang ang anak mo.” Tumingin siya kay Paul nang diretso. “Ang problema sa’yo, Paul,” dagdag niya, “masyado mong ini-spoil ang anak mo. You sheltered her too much. You gave her everything. Kaya ngayon, tingnan mo kung ano ang nangyari, she walked away from a commitment na hindi lang para sa kanya, kundi para sa dalawang pamilya. Ngayon sabihin mo sa akin…” Tumuwid si Henry sa pagkakaupo, pormal ang boses pero puno ng pagbabanta. “Paano ang merger ng mga kumpanya natin? Sa tingin mo ba, after all this chaos, interesado pa akong makipag-merge sa negosyo niyo?” Umiling siya nang mabagal.u “I won’t do that, Paul. Not after this. Not after your daughter humiliated my family and jeopardized everything we’ve built. I won’t put my business at risk dahil lang sa isang pamilya na hindi makontrol ang anak nila.” Natigilan si Paul pero inaasahan niya na talaga na hindi matutuloy ang merger ng kumpanya..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD