Pagkaalis ni Henry Alagar ay natigilan si Paul... Ramdam niya ang bigat ng bawat hakbang ni Henry habang papalayo ito..
Lumapit agad ang asawang si Celine, bakas ang takot sa mukha.
“Paul… anong gagawin natin ngayon?” ani niya... “Galit ba talaga ang mga Alagar? Dahil ba hindi natuloy ang kasal ng mga anak natin?”
Hindi agad nakasagot si Paul. Umupo siya, pinisil ang ulo, pilit nilulunok ang kaba. “Celine… of course galit sila. You saw his face, right? Henry wasn’t just disappointed. He was furious. Hindi sanay matanggihan ang Alagar family lalo na sa ganitong mga bagay..”
Umupo si Celine sa tabi niya, nanginginig ang kamay.
“Pero Paul… hindi naman natin kasalanan di ba? Anong magagawa natin kung hindi sumipot si Erica sa kasal nila Jake?”
“Alam ko,” sagot ni Paul, pero hindi pa rin gumagaan ang loob. “Pero sa paningin ng Alagar? A broken engagement is an insult. Para silang tinapakan sa harap ng maraming tao. And Henry, he’s not the type who lets things go.”
Natigilan ang asawa, puno ng pag-aalala.
“So… ibig sabihin may gagawin sila? They might retaliate?”
Huminga ng malalim si Paul..“Hindi ko alam kung ano, pero one thing’s clear, the Alagars don’t forget humiliation. And Henry? Mas lalo siyang delikado kapag tahimik.”
Nakatingin lang si Celine kay Paul, naghihintay ng kahit kaunting pag-asa.
“Then… what do we do now?”
Tumingin si Paul sa bintana, sa direksyong tinahak ni Henry kanina. “We prepare,” sagot niya. “Hanapin ang anak na ugat sa lahat ng gulong ito. Wala siyang utang na loob…We fix what we can. Kasi kung magdesisyon ang mga Alagar na tayo ang sisihin we need to be ready.”
Humigpit ang hawak ni Celine sa kamay niya.
“At kung hindi nila tayo patawarin?”
Marahang pumikit si Paul.
“Then, the real trouble is just beginning. Sinabi niya na sa akin kanina na hindi matutuloy ang merger ng ating kumpanya dahil sa nangyari at ngayon ay tuluyang malulubog ang kumpanya natin na buong akala ko pa naman ay makakaahon dahil sa mga Alagar— dahil sa pagpapakasal ng anak mo sa anak nila.”
“Ano ba kasi ang pumasok sa ulo ni Erica, Paul?!” galit na bulalas ni Celine, nanginginig pa ang boses. “Umalis siya sa mismong araw ng kasal nila—hindi man lang tayo naisip! Nilagay niya ang pamilya natin sa kahihiyan, pati mga Alagar! Do you understand how humiliating that was?!”
Hindi agad umimik si Paul. Nanginginig ang katawan sa galit. Kita sa mukha niya ang sama ng loob, pagod, at galit na pinipigil.
Nagpatuloy si Celine, mas lalong umiinit ang tono, “Makita ko lang talaga ‘yang anak mo… she’ll hear exactly what she’s looking for. Akala ba niya natutuwa tayo sa ginawa niya? Sino ba siya para magdesisyon ng gano’n? Masyado siyang matigas ang ulo! Hindi marunong mag-isip!”
Napatayo si Paul, mariin ang paghinga, parang sasabog. “Wala na talaga tayong aasahan sa mga anak natin, Celine.” mahina pero matalim niyang sagot. “Pareho silang matitigas ang ulo. They do whatever they want without thinking about the consequences. Do you know how devastated I am right now?”
Naglakad siya palayo, pero bumalik din, hindi mapakali.
“Hinintay ko ang araw na ‘yon. Planado ang lahat, maayos na rin... Para sa kanila. Para sa future nila. Pero anong ginawa ni Erica? She ran. She RAN! Hindi ko maintindihan kung anong klaseng desisyon iyon! At ngayon, galit ang Alagar. Galit si Henry. At tayo ang kawawa. Babagsak tayo!”
Umupo si Celine, napahawak sa sentido.
“Paul… the Alagars feel insulted. Henry practically said it. And you know what that means. Their pride is bigger than anything else.”
Tumango si Paul, nanginginig ang baba.
“At hindi sila papayag na matapos ito nang ganito. Tayo rin ang hahabulin nila. Hindi lang si Erica.”
Sandaling natahimik ang dalawa, parehong humihingal sa bigat ng emosyon.
“Paul… kailangan nating hanapin si Erica. Now. Hindi pwedeng magtagal ito. There’s only one solution.”
Tumingin si Paul, mabigat ang mga mata.
“Alam ko,” sagot niya. “Kahit ayaw ko man, kahit ayaw niya she has to marry Jake Alagar. Kahit anong paraan pa. Kapag hindi natin naayos ito… we’ll lose everything.”
“Exactly,” tugon ni Celine. “If she thinks she can escape this responsibility, she’s wrong.”
Humigpit ang panga ni Paul.
“Hahanapin natin siya. Kahit saan man siya nagtago. Kahit gaano pa katigas ang ulo niya. Kasi kung hindi lalong lalaki ang gulo. At ayokong kalabanin ang Alagar family.”
Tinapik ni Celine ang mesa, desperado.
“Call everyone you know, Paul. Kailangan makita si Erica. Gamitin mo ang connection mo.”
Tumango si Paul, saka tumingin sa pintuan na parang doon muling lilitaw ang anak nila.
“Ilang araw ko na siyang pinapahanap,” mariing sagot ni Paul, halos pabulong pero puno ng pagod at desperasyon, “pero hanggang ngayon ay wala pa ring balita. Not even a trace, Celine. Para bang literal siyang naglaho o ayaw na talaga magpakita.”
Napasandal si Celine sa upuan, nagbuntong-hininga ng malalim.
“Impossible ‘yan, Paul. Hindi pwedeng walang nakakakita sa kanya. She can’t just disappear like that.”
Pero umiling si Paul, pinipisil ang sentido, ramdam ang pagod mula sa mga gabing hindi natutulog dahil sa problema.
“Celine… we already checked everything. Lahat ng contacts natin, wala. Wala sa friends, wala sa mga kaibigan niya, wala sa mga kamag-anak. Kahit mga kakilala niya walang idea kung saan siya pwedeng magtago.”
Tumingin siya sa asawa, halatang nauubusan na ng pag-asa.
“God…” bulong ni Celine, napapikit, nanginginig ang baba. “Ano bang ginagawa ng anak natin? Does she even care what’s happening here? Hindi ba niya naiisip na habang nagtatago siya, tayo ang humaharap sa Alagar? Sa gulong iniwan niya?”
“I don’t know anymore. Hindi ko na maintindihan si Erica. I raised her to be responsible, to think ahead pero bakit ganito? Bakit ngayon pa siya nagdesisyon na maging self-centered?”
Tumingala siya, nangingislap ang mata hindi dahil sa luha kundi sa sobrang frustration.
“For days, I’ve been hoping na bigla siyang dadating, na tatawag siya, that she’ll say something like, ‘Dad, I’m sorry. I panicked.’ Pero wala… nothing. Nananadya siya!”
Tumayo si Celine, lumapit sa kanya.
“Paul… hindi tayo pwedeng sumuko. Not now. The Alagars are waiting. Henry is waiting. And every day na walang balita, mas lumalala ang galit nila.”
Tumingin si Paul ng diretso sa asawa..
“Hindi tayo susuko. We will continue searching. Kahit saan pa siya nagpunta, kahit anong itinatago niya hahanapin natin siya.…”
Humigpit ang panga niya. “She needs to come back. And she has to face what she ran away from.”
“At si Jake Alagar?”
Nag-iba ang ekspresyon ni Paul—mas seryoso. “If she doesn’t return soon… Henry might force the issue. And I don’t want that. We need to find her before they do. Kasi kapag nauna ang Alagar, hindi ko alam kung anong magiging kapalit. Ang alam ko ay hinahanap din ni Jake ang anak natin.”
Tumango si Celine na kinakabahan.
“Then we find her, whatever it takes.”