“Kailangan kong bumili ng mga damit… ayoko namang damit mo ang lagi kong sinusuot,” wika ni Erica, sabay iwas ng tingin dahil alam niyang nakatitig na naman sa kanya si Casimiro. Kakatapos lang nilang kumain ng lunch.
Lumakas na naman ang t***k ng puso niya. Mabilis at nakakainis.
Hindi niya maintindihan kung bakit gano’n. Lalo na kapag si Casimiro ang nakatingin, para bang may magnet at nakakapaso.
“Kaya mo bang magmaneho?” tanong nito, seryoso ang boses. Walang bahid ng biro. Walang kahit anong ngiti.
At iyon ang lalo niyang kinainisan.
“Bakit ganyan ka makatingin?” nasabi niya tuloy, kahit hindi niya intensyon.
Pero hindi sumagot si Casimiro. Tinitigan lang siya ulit, ‘yong titig na parang may hinahanap sa mukha niya, tapos bigla nitong ibinalik ang tingin sa bintana.
Nagtaas ng kilay si Erica.
“Akala ko ba may kasunduan tayo? You’re supposed to smile. Kahit konti man lang. Hindi ‘yong ganyan na parang lagi kang galit sa mundo.”
Dahan-dahang lumingon si Casimiro, saka nagsalita. “Hindi ako galit.”
“Then bakit hindi ka ngumumingiti?”
She crossed her arms, frustrated pero kinakabahan.
Huminga ng malalim si Casimiro.
“I only smile when there’s a reason.”
Biglang uminit ang pisngi ni Erica at hindi niya alam kung bakit. “At ano naman ang ibig sabihin no’n?”
Hindi agad sumagot si Casimiro. Lumingon ito sa kanya, hindi naman ito galit... Pero may kung anong intensity na nagpapahina sa tuhod ni Erica.
“Hindi mo pa ibinibigay ang dahilan,” sagot nito. Simple at diretso. Walang drama.
Napasinghap si Erica, napaatras ng bahagya. “Hindi ko… hindi ko kailangan maging reason para ngumiti ka,” sagot niya, pilit na matigas ang tono kahit nanginginig ang loob niya.
Gumalaw ang labi ng lalaki hindi man full smile, pero may bahid ng amusement.
“See? Kaya hindi ako ngumiti. Kasi kapag ngumiti ako nang wala sa oras, nagrereact ka… like this.”
“Hindi ako nagre-react,” mabilis niyang tanggi, kahit halatang inaayos niya ang buhok para itago ang pamumula.
Tumayo si Casimiro at kinuha ang susi ng kotse niya. “So, kaya mo bang mag-drive o ako?”
Erica kunot ang noo. “Syempre kaya ko. Hindi naman ako helpless. Nakapaglayas nga ako diba?”
Hindi nito pinansin ang sinabi niya.
Naglakad si Casimiro papunta sa pinto, hindi lumilingon.
“Good. Let’s go. Bibili ka ng mga damit, hindi ng problema.”
“Excuse me?!” sigaw ni Erica, pero sumunod din siya.
At habang naglalakad siya papunta sa sasakyan, hindi niya mapigilang maramdaman ang familiar na kaba sa dibdib. Because no matter how much she tried to deny it… si Casimiro, ang tingin niya, ang boses niya, lahat iyon ay nagpapawindang sa puso niya.
Pagkalabas nila ng bahay, papunta na sana si Erica sa sasakyan nang mapansin niyang biglang huminto si Casimiro. Para itong may naalala ‘yong tipong biglang may nag-flash sa isip.
“Wait here,” sabi nito, mababa ang boses pero nagmamadali..“May kukunin lang ako sa bahay..”
Hindi pa man siya nakakatanong, nakatalikod na ito at mabilis na bumalik sa loob ng bahay. Naiwan si Erica sa tabi ng sasakyan, napailing at napabuntong-hininga habang tinanaw ang lalaki.
Ano na naman kaya ‘yon? Pero kahit gusto niyang mainis, hindi niya magawa. Dahil sa bawat maliit na galaw ni Casimiro, lalo siyang nalilito, paano ba naman kasi sobrang macho nito at gwapo.. Nang malaman niyang may asawa na ito ay parang gumuho ang mundo niya pero ng malaman niya rin na patay na ang asawa nito ay nabuhayan siya ng loob na para bang sinasabi niyang may pag-asa siya sa lalaki.
Maya-maya, bumalik ang lalaki, at napahinto si Erica sa nakita.
May dala si Casimiro na jacket, sombrero, at shades. At bago pa siya makapagsalita, lumapit ito sa kanya, sobrang lapit na ramdam niya ang hininga nito.
“Use these,” sabi ng lalaki habang inaabot sa kanya ang jacket.
Hindi gumalaw si Erica. Hindi dahil ayaw niya kundi dahil nagulat siya nang biglang isuot mismo ni Casimiro ang jacket sa kanya, maingat, parang tinatakpan siya mula sa mundo. Pagkatapos ay marahan nitong ibinaba ang sumbrero sa ulo niya, sabay isinukbit ang shades sa kamay niya.
Para siyang napako sa kinatatayuan habang ginagawa iyon ng lalaki. At nang magtama ang mga mata nila, kahit saglit lang, lumakas na naman ang t***k ng puso niya. Napapitlag pa siya ng magsalita ang lalaki..
“Gamitin mo ‘yan,” ulit ni Casimiro. “Para walang makakilala sa’yo.”
Nagulat pa siya sa sariling reaksyon, muling tumibok ang puso niya ng mas malakas. Para bang may bumalot sa kanya na hindi niya maipaliwanag.
Nagsalubong ang tingin nila, hindi gumagalaw, hindi kumukurap.
“S-sandali…” mahina niyang sabi, “bakit naman—”
Hindi siya pinatapos ni Casimiro.
Lumapit ito ng kaunti, pinili nitomg ibulong sa kanya na parang ayaw marinig ng iba kahit silang dalawa lang naman ang magkasama.
“Hindi ba… naglayas ka?” tanong nito. “Kung lumabas ka ngayon na walang suot na ganyan, baka may makakita sa’yo. Someone might recognize you. I just want you to be safe. Kaya ko naisip na isuot mo ‘yan.”
Napalunok si Erica. Hindi niya alam kung paano sasagutin ito…Hindi siya sanay na may nag-aalala sa kanya nang ganito, tahimik pero ramdam na ramdam.
Hindi ito dapat ganito. Hindi dapat ako kinikilig. Hindi dapat ako naaapektuhan sa paraan ng pagtingin niya. This is not part of the plan, Erica…Naglayas ka para takasan ang kasal mo hindi para maghanap ng lalaki.
Pero naroon si Casimiro, nakatayo sa harap niya, nakatingin sa kanya na parang siya ang dapat protektahan. At iyon ang mas kinatatakot niya.
“Salamat,” bulong niya, halos hindi niya narinig ang sarili.
Bahagyang tumango si Casimiro.
“Let’s go,” sabi nito. “Kung may kailangan ka, sabihin mo lang.”
At habang binubuksan nito ang pinto ng sasakyan para sa kanya isang bagay ang malinaw kay Erica..
Hindi niya alam kung saan hahantong ang lahat nang ito pero unti-unti, si Casimiro ang nagiging lugar na hindi niya kayang takasan.