Sa isang mall dinala ni Casimiro si Erica.
Suot pa rin niya ang damit ng lalaki, pero halatang hindi kanya. Medyo maluwag ang polo, naka-fold ang manggas, at kahit pilit niyang inaayos ang sarili sa salamin ng escalator, ramdam pa rin niya ang hiya.
“Are you okay?” tanong ni Casimiro habang magkatabi silang nakatayo.
Tahimik lang ito, pero nakapwesto siya sa gilid, parang sinisiguradong walang lalapit masyado kay Erica.
“Oo,” sagot niya..“Medyo awkward lang. Suot ko pa rin damit mo.”
Casimiro glanced at her, then away. “It’s fine. At least you’re comfortable.”
Pagpasok nila sa department store, agad huminto si Casimiro at tumingin sa paligid. Parang instinct na sa kanya ang magbantay. Nasa likod lang siya ni Erica habang naglalakad ito sa aisle ng women’s clothing.
“Pwede ka namang maupo doon,” sabi ni Erica, sabay turo sa bench.
“Hindi,” diretso niyang sagot. “I’ll stay here.”
Napangiti si Erica, pilit tinatago ang kaba.
Para siyang bodyguard or someone who refuses to let go.
Kumuha siya ng ilang basics t-shirt, underwear, isang simpleng dress. Habang sinusuri niya ang tela, nararamdaman niya ang presensya ni Casimiro sa likod niya. Hindi ito nakikialam sa gusto niya at pinagmamasdan lamang siya..
A saleslady approached. “Ma’am, would you like to try that on?”
Bago pa makasagot si Erica, nagsalita si Casimiro.
“She’ll take it,” sabi nito kaya napatitig siya sa lalaki. Hindi talaga ito mukhang tagabundok. Mukha itong afam.
Then he looked at Erica. “If you want something else, get it.”
Erica blinked. “Hindi ka ba masyadong—”
“Erica,” putol niya, mababa ang boses. “You don’t have to think about anything right now. Kailangan mo ng gamit hindi ba?”
Sa fitting room area, tumigil sa labas ang lalaki. Hindi siya pumasok, pero hindi rin umalis. From inside, narinig ni Erica ang boses niya.
“I’m here.”
She smiled softly. “Hindi naman ako tatakbo,” kinikilig niyang sagot.
A brief pause. “I know,” sagot niya. “But still.”
Paglabas niya, suot ang simpleng dress, napatingin si Casimiro, sandali lang, pero sapat para mapansin ni Erica.
“You look, ahmmm okay,” sabi niya, sabay iwas ng tingin.
“Okay lang?” tinaasan siya ng kilay ni Erica.
He cleared his throat. “I mean—bagay.”
Nagpatuloy sila sa toiletries section. Kumuha si Erica ng mga kailangan niya shampoo, toothbrush, sanitary items. Tahimik lang si Casimiro, pero kapag may taong masyadong lumalapit, kusang humahakbang siya palapit sa kanya.
“Casimiro,” bulong ni Erica, “napapansin ko.”
“Ano?”
“Parang ayaw mo akong bitawan kahit saglit. Okay lang ako. Walang mangyayari sa akin.”
Namula ang mukha ng lalaki..Hindi siya agad sumagot.
“Ba–ka kasi may makakilala sayo.”
Tumahimik si Erica. “I don't think so, nakalimutan mo yata na pinagsuot mo pa ako ng mask bago bumaba ng kotse.”
“Sabagay.”
Sa counter, habang binabayaran ang mga binili, inilabas ni Casimiro ang wallet niya.
“Hindi—ako na,” protesta ni Erica. “May dala akong pera. Gamit lang ang wala ako pero handa naman ako sa paglalayas ko.”
“No,” mariin niyang sagot. “Let me.”
“Casimiro—”
He leaned closer, lowered his voice.
“Just this once. Magagamit mo rin yang pera mo kapag umalis ka na sa bahay ko.”
Napabuntong-hininga siya. “Okay… but I’ll pay you back.”
He almost smiled. “We’ll see.”
Credit card ang nilabas ni Casimiro at binayaran lahat ng kanyang pinamili nakakapagtaka lang dahil kahit nasa bundok ito ay marunong ito sa lahat ng bagay. Napansin niya rin na hindi lang isa ang credit card nitong gamit. Paglabas nila ng department store, bitbit ni Casimiro ang lahat ng kanyang mga pinamili para itong bodyguard niya.
Habang nasa sasakyan na sila, umandar si Casimiro nang dahan-dahan palabas ng parking area. Maya-maya, sumulyap siya kay Erica bago muling tumingin sa daan.
“May iba ka pa bang bibilhin?” tanong niya.
Umiling si Erica. “Wala na.”
“Sige,” sagot ni Casimiro. “Uuwi na tayo.”
Ilang segundo ang lumipas bago muling nagsalita ang lalaki. “Erica,” tawag niya, seryoso pa rin ang boses... “Siguro… wag mo na munang gamitin ang kotse mo.”
Napatingin si Erica sa kanya. “Bakit?”
“Baka dahil sa sasakyan,” paliwanag niya, “ma-trace pa ang pinagtataguan mo.”
Saglit siyang huminto, saka idinugtong, “I don’t want to take that risk.”
Nanahimik si Erica, ramdam ang bigat ng sinabi niya. Hindi iyon utos kundi paalala.
“Okay,” sagot niya sa huli, mahina pero malinaw. “I get it.”
Tumango si Casimiro, bahagyang lumuwag ang balikat. “Good. For now, stay low hanggat hindi mo pa alam kung saan ka pupunta. Baka mamaya ay madamay pa ako,” dagdag niya. “At baka sabihin pana kinidnap kita.”
Napakunot ang noo ni Erica at napatingin sa kanya. “Ha? Grabe ka naman.”
“Hindi ako nagbibiro,” sagot niya agad. “You’re hiding from someone. Kung makita nilang magkasama tayo, especially gamit ang kotse mo, madaling gumawa ng kwento ang mga tao.”
Tahimik si Erica sandali. “So… iniisip mo rin ang sarili mo?”
Sumulyap si Casimiro sa kanya, mabilis pero malinaw ang sagot.
“Iniisip ko pareho,” sabi niya. “Ikaw, at ako. I don’t want trouble for either of us.”
Napabuntong-hininga si Erica at tumingin sa bintana. “Okay. Naiintindihan ko. Ayoko rin naman na madamay ka.”
“Kaya makinig ka muna sa akin,” dugtong niya.
Hindi na sumagot si Erica. Pero sa loob ng kotse, ramdam niyang kahit may kaba, may tiwala na rin siyang unti-unting nabubuo kahit ayaw pa niyang aminin.
Pagkatapos kumain, agad na pumasok sa kwarto si Casimiro na hindi man lang nagsabi na matutulog na..Walang paalam, walang paliwanag. Parang bigla na lang siyang nagsara ng pinto sa pagitan nilang dalawa. Akala niya pa naman din magkwekwentuhan muna sila o di kaya…
Napailing siya. Masyado siyang umaasa sa lalaki.
Si Erica, pumasok na rin sa sarili niyang silid na inis na inis. Pero imbes na magpahinga, nakaupo lang siya sa gilid ng kama, hawak ang bagong cellphone na hindi naman niya binubuksan. Naiinis siya. Naiinis at nalilito.
Bakit bigla na naman siyang ganito?
Kanina lang magkasama sila. Tahimik pero maayos naman itong kausap. . Ngayon, parang estranghero na naman si Casimiro. Parang wala siyang karapatang magtanong, o makipag-usap.
Napatingin siya sa pinto.
Isang beses. Dalawang beses. Paulit-ulit.
Baka papasok siya. Baka may sasabihin. Baka tatabi sa akin…
She waited. Nagiging assuming na naman siya..
Lumipas ang ilang minuto. Wala pa rin ito..Tahimik pa rin ang buong bahay. Hanggang sa isang oras na ang dumaan ay wala pa rin ang lalaki.
Napabuntong-hininga si Erica at napahiga, nakatitig sa kisame. “Seriously…” bulong niya sa sarili. “You’re impossible.”
Hindi niya alam kung mas masakit ang katahimikan, o ang katotohanang na umaasa siya—kahit alam niyang hindi dapat. Kung kailan pa naman sexy ang nightgown na suot niya at mabango siya… Sa inis niya ay binato niya ang unan.. Para siyang naghihintay sa wala..