CHAPTER NINETEEN

1168 Words
Pinipilit na pinipigilan ni Casimiro ang sarili kaya maaga siyang pumasok sa kwarto niya. Isinara niya ang pinto ng marahan, parang natatakot na kahit ang tunog nito ay makatawag ng pansin. Sumandal siya sa pinto, pumikit, at huminga ng malalim. Damn it. Hindi niya kayang manatili sa iisang espasyo kasama si Erica nang matagal. Hindi dahil ayaw niya, kundi dahil sobrang hirap. Dahil sa bawat segundo na kasama niya ito, unti-unting nawawala ang kontrol niya. You have to stay away, paulit-ulit niyang paalala sa sarili. This is not a game. Paano ba naman kasi? Nasa harapan niya ang tukso. Hindi man ginagawa ni Erica ang kahit ano, hindi ito humihingi, hindi ito nagpapahiwatig pero sapat na ang presensya nito para guluhin siya. Kapag tumatawa si Erica, parang may kumikibot sa dibdib niya. Kapag tahimik ito, mas lalo siyang nababahala. At kapag napapatingin siya kahit saglit ay parang nagliliyab ang katawan niya. My body reacts before my mind can stop it. Hinubad niya ang tshirt at ibinato sa upuan, saka napaupo sa gilid ng kama. Kinuyom niya ang kamao, ramdam ang tensyon sa bawat hibla ng katawan niya. “Get a grip, Casimiro,” bulong niya sa sarili. “This is dangerous. Kumalma ka!” Alam niyang may pinagtataguan si Erica. Alam niyang may dahilan kung bakit kasama niya ito ngayon at hindi para guluhin. Pero paano kung siya mismo ang maging dahilan ng kapahamakan nito? If I get closer, I might cross a line. Kaya niya ito iniiwasan. Kaya siya tahimik. Kaya mas pinipili niyang magmukhang malamig kaysa magkamali. Sa kabilang kwarto, alam niyang gising pa si Erica. Ramdam niya iyon, parang may invisible thread na nagdudugtong sa kanila. Isang hakbang lang, isang katok lang sa pinto, at babagsak ang lahat ng pagpigil niya. He closed his eyes. “I can’t,” mahina niyang sabi. “Not tonight. Not like this. f**k!” Mas pinili niyang manatili sa dilim ng sarili niyang kwarto, kesa harapin ang apoy na si Erica mismo ang nagsisilbing mitsa. Hindi dahil wala siyang nararamdaman kundi para na naman siyang nababaliw. Simula ng dumating ang babae sa bahay na ay nakakalimutan niya ang dapat niyang gawin, nawawala na siya sa sentro ng utak niya kung bakit kailangan niyang manatili sa kagubatan at lumayo sa mga tao. Alipin siya ngayon ng kanyang kamunduhan. Lumipas ang dalawang oras bago tuluyang bumigay si Casimiro sa sarili niya. Lumabas siya ng kwarto, tahimik ang hakbang, parang ayaw makalikha ng kahit anong ingay. Pakiramdam niya ay tuyo ang lalamunan niya, hindi dahil sa uhaw kundi dahil sa matinding pagpipigil. Kapag hindi siya uwi na maiba ka mabaliw siya sa lalong pagpipigil. Pakiramdam niya kasi ay pinipigilan niya rin ang kanyang paghinga. I just need water, sabi niya sa isip. That’s it. Pero hindi pa man siya tuluyang nakakapasok sa kusina, tumigil siya sa kinatatayuan. Nandoon si Erica. Naka-upo sa lumang kahoy na silya, tahimik, hawak ang baso. Umiinom siya nang dahan-dahan, parang walang ibang iniisip. Madilim ang paligid at tanging liwanag ng buwan mula sa bintana ang nagbibigay hugis sa kusina. At sa liwanag na iyon, tumama ang sinag sa katawan ng babae. Nanigas si Casimiro. Hindi niya kailangan lumapit parkailanga kung sino ang nakaupo…Kilala niya ang anyo ni Erica. Ang suot nitong pantulog ay simple lang, pero sa katahimikan ng gabi, tila mas naging malinaw ang bawat galaw nito, bawat paghinga. Damn… Ilang beses siyang napalulok, hindi niya namalayang napapatitig na pala siya. Parang biglang naging mabigat ang hangin sa paligid. Parang masyadong makitid ang espasyo para sa dalawang taong parehong gising at parehong aware sa presensya ng isa’t isa. Kahit madilim, alam niyang nakatingin din sa kanya si Erica. Wala siyang suot na pang itaas kung kaya kita rin ito ang kanyang katawan. Hindi sila nagsasalita. Walang gumagalaw. Tanging tunog lang ng pag-inom nito at ang mahinang t***k ng puso niya ang umiiral. This is exactly why I stayed away, sabi niya sa sarili. This is why I locked myself in my room. Ramdam niya ang init na gumagapang sa katawan niya, ang tensyong matagal niyang pinipigil. Hindi niya hinahangad na lapitan ito pero ang katawan niya ang nagtataksil sa kanya. Ipinakakanulo siya.. Control yourself, mariin niyang utos sa isip. Look away. Pero hindi niya magawa agad. May kung anong humahatak sa kanya…Sa wakas, bahagya siyang gumalaw. Huminga ng malalim, pilit inaayos ang sarili. Muli siyang napatingin sa makurbang katawan ni Erica kita niya ang nakatayong dibdib nito kaya ilang beses siyang napalunok. Pakiramdam niya ay may kumislot sa kanyang p*********i. Tumikhim si Casimiro, pilit hinahanap ang lakas ng loob para pagtakpan ang kaba na biglang sumiklab sa dibdib niya. “Anong oras na… bakit gising ka pa?” tanong niya, kunwari ay casual lang habang inilalapit ang sarili sa kusina. Saglit na tumigil si Erica sa pag-inom. Dahan-dahan niyang ibinaba ang baso at tumingin sa lalaki. Sa ilalim ng liwanag ng buwan, may lambing ang mga mata niya—at parang may bahid ng panunukso. “Akala ko babalik ka sa kwarto mo nang makita mo ako dito…Alam mo ba kapag naman bumalik ka agad sa kwarto mo,” malumanay niyang sagot, “obvious na iniiwasan mo ako.” Napakurap si Casimiro. Damn. Nahahalata pala. “At bakit naman kita iiwasan?? Lumabas ako dahil nauuhaw ako.” “Ako rin…Kaya kumuha ako ng tubig. Isa pa… hindi ako makatulog,” sagot naman ni Erica… Habang nagsasalita, lumapit siya sa lababo, kumuha ng isa pang baso at nagbuhos ng tubig. Tahimik lang si Casimiro, nakatayo sa gilid, hindi alam kung saan ilalagay ang mga mata sa sahig ba, sa pader, o sa babae sa harap niya. “Hindi ka rin makatulog, ‘no?” “Just needed water,” sagot niya agad. “That’s all.” Ngumiti si Erica, parang hindi kumbinsido. “Really?” she teased softly. “Parang kanina pa kita nararamdamang gising.” Nanikip ang panga ni Casimiro. Ramdam niya ang ilang, ang kakaibang tensyon sa pagitan nila. Isang hakbang lang ang pagitan, pero pakiramdam niya ay masyado ng malapit iyon. “I’m just tired,” sabi niya, mababa ang boses. “Long day.” “Hmm,” tugon ni Erica, sabay sandig sa counter. “Funny… kasi ako rin. Pero parang mas pagod ang utak ko kaysa katawan ko.” Nagtagpo ang tingin nila sandali lang, pero sapat para lalo siyang mailang. Mabilis niyang inalis ang tingin, kunwari ay inaabot ang baso niya. “You should try to sleep,” sabi niya. “You need rest.” “So do you,” sagot ni Erica, may ngiti sa labi. “Pero mukhang pareho tayong nahihirapan.” Tahimik ulit ang kusina. Tanging tunog ng tubig sa baso at ang hindi sinasadyang paglapit ng loob ang namamagitan sa kanila. Si Casimiro, pilit pinipigilan ang sarili. Si Erica naman, tila walang balak umatras, parang alam niyang sa bawat salita niya, mas lalo niyang ginugulo ang katahimikan ng lalaki. At sa gitna ng gabi, malinaw sa kanilang dalawa hindi lang antok ang dahilan kung bakit sila gising.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD