CHAPTER FIFTY-EIGHT

1414 Words

NAPATINGIN Drew kay Casimiro. Nakatayo pa rin ito pero halatang wala na sa ayos. Namumula ang mata, magulo ang buhok, at halos hindi na balanse ang katawan. “Lasing ka na, Casimiro,” sabi ni Drew, mas mababa na ang boses ngayon…Wala ng galit. “Magpahinga ka na.” Tahimik si Casimiro. Hindi na siya sumagot. Parang naubos na ang lakas niya para magalit, para sumigaw, para lumaban. Napaupo na lang siya sa sofa, hawak ang ulo niya. “Everything’s messed up…” mahina niyang bulong. Napatingin si Drew sa kanya. Sa kabila ng galit niya ay may kung anong awa na pumasok sa dibdib niya. Hindi niya inaasahan iyon. Hindi niya alam kung bakit pero sa unang pagkakataon, nakita niya si Casimiro hindi bilang kalaban…kundi bilang isang taong nawasak din. Huminga siya ng malalim. Pagkatapos ay tumalikod.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD