CHAPTER TWELVE

1268 Words
Magaan ang pakiramdam nang magising si Erika kinaumagahan, para bang nabunutan siya ng bigat na matagal na niyang dala. Ngunit agad ding naglaho ang kaunting katahimikan sa dibdib niya nang mapansing wala na si Casimiro sa tabi niya. Dahan-dahan siyang bumangon mula sa kama, mahigpit na ibinalot ang kumot sa katawan, at nag palinga-linga sa paligid. Tahimik ang silid, masyadong tahimik. Parang hindi mo iisiping may lalaki roong nakatira dahil halos walang gamit sa loob, malinis, simple, at medyo malamig ang dating. “Casimiro…?” mahinang tawag niya, pero wala siyang narinig na sagot. Napatingin siya sa pinto ng kwarto, tapos sa maliit na aparador sa gilid. Hindi niya alam kung dapat ba siyang maghanap ng damit nang walang paalam, pero wala siyang choice. Hindi naman siya pwedeng gumala sa bahay nito na balot lang sa kumot. “Just one shirt promise I’ll explain later…” bulong niya sa sarili, parang sinusuyo ang sariling konsensiya. Lumapit siya sa cabinet at dahan-dahang binuksan iyon. Wala ring gaanong laman, limang pares ng pantalon, ilang t-shirt, mga nakatiklop na towel at shorts..Mukhang hindi mahilig si Casimiro sa maraming gamit, simple lang ang lalaki, practical. Napili niya ang isang malaking white shirt. Maluwag iyon, halos abot-tuhod sa kanya, at amoy-lalaki pa malinis na sabon at kaunting pabango. Nang suotin niya, parang lalo siyang nakaramdam ng kakaibang init sa dibdib, isang pakiramdam na hindi niya kayang pangalanan. “Bahala na…” mahina niyang sabi habang inaayos ang laylayan. Pagkatapos ay tumingin siyang muli sa kama magulo pa rin ang kumot at unan doon, para bang nagpapaalala ng gabing halos hindi niya pa rin kayang tanggapin na nangyari talaga. Napansin niya rin na may stain ng dugo. Inalis niya ang kulay green na bedsheet at itinabi. Maging ang kama nito ay mabangom Huminga siya nang malalim, pinakiramdaman ang sarili saka lumabas ng silid para hanapin si Casimiro. Paglabas ni Erica sa kwarto, naamoy niya agad ang kape. Nang sumilip siya sa may kusina, nakita niya si Casimiro. Nakatalikod ito, naka-tshirt at shorts, at abala sa pagkulo ng tubig. Parang hindi nito napansin ang paglabas niya ng kwarto o baka sadyang hindi nagpapahalata. “Good morning…” mahina niyang bati habang kumakapit pa sa laylayan ng maluwag na t-shirt na suot niya. Lumingon si Casimiro. Saglit tumigil ang kilos nito nang makita siyang suot ang isa sa mga shirt niya, pero agad ding bumalik ang neutral na ekspresyon ng lalaki. “Good morning,” tipid nitong sagot. Napalunok si Erika. May kakaibang lamig sa tono ni Casimiro, hindi galit, pero seryoso. Dahil wala siyang masabi, lumapit siya ng dahan-dahan at naupo sa upuang malapit sa mesa. Parang takot siyang magkamali at baka palayasin siya. Ilang segundo ang lumipas bago muling nagsalita ang lalaki. “Erica,” simula nito, mababa pero hindi matigas..“Next time… huwag kang gagalaw ng gamit ko nang walang paalam.” Agad siyang napaangat ng tingin. “I—I’m sorry,” mabilis niyang sagot. “Nahiya ako lumabas ng kwarto na naka-kumot. Wala akong ibang masuot, kaya—” “I get it,” putol ni Casimiro, hindi padabog, pero diretso. “Pero kahit ganun, sabihin mo muna. Even a simple ‘pwede ba’ is enough para ako na ang kukuha para sayo.” Namula ang pisngi ni Erika. Nakuyom niya ang palad niyang nakahawak sa laylayan ng shirt. “Pasensya na talaga hindi ko sinasadya. I didn’t mean to cross any boundaries.” N apabuntong-hininga si Casimiro, saka nilapag ang tasa ng kape sa harap niya. Hindi ito nagagalit, pero malinaw na gusto niyang maging maayos ang limitasyon habang magkasama sila sa isang bahay. “Hindi kita pinapagalitan,” sabi nito, mas malambot na ang tono. “Gusto ko lang malinaw tayo. Hindi pa rin ako sanay na may ibang tao sa bahay ko.” “Okay… I understand. Next time, I’ll ask first.” Tumango ang lalaki. “Good.” Habang tahimik na umiinom si Erica ng kape, napasulyap siya kay Casimiro. Nakaupo ito sa tapat niya, ang braso ay nakahalukipkip, at nakatingin lang sa bintana na para bang may iniisip na mabigat. Wala na ang ulan. Malinaw na sa labas. Wala man lang bakas ng ngiti sa mukha nito kahit bahagyang kurba sa labi ay wala. Ibang-iba ito kagabi at kaninang madaling araw…Parang ang tanging alam lang ng lalaki ay seryosong ekspresyon. Minsan pa nga, parang mas lalong tumitindi ang presensiya niya kapag walang sinasabi. Hindi niya alam kung dapat ba siyang ma-intimidate o ma-curious. “Casimiro?” tawag niya, mahinahon. “Okay ka lang?” Dahan-dahang lumingon ang lalaki sa kanya. Walang emosyon. Walang reaksyon. Para bang kaya niyang itago ang kahit anong nararamdaman nang hindi nahahalata ng kahit sinong tumingin. “Okay lang,” tipid nitong sagot. “Why?” Napalunok si Erica. “Pasensya na ulit sa shirt. Ayoko talagang makaabala—” Hindi siya tinapunan ng masamang tingin, pero hindi rin ito nagpakita ng kahit anong kabaitan. Tumango ito sa sinabi niya.. “Hindi ka ba talaga marunong ngumiti?” hindi sinasadyang tanong ni Erica. Lumabas lang bigla dahil sa inis at kaba niya. Bahagyang napataas ang kilay ni Casimiro. “Bakit kailangan?” diretsong sagot. Natigilan si Erica. “Wala lang… medyo nakakatakot ka kasi minsan.” Huminto itong muli. Tumingin sa kanya ng tuwid, walang bahid ng biro o asar sa mga mata. “I’m not here to make you feel safe,” malamig nitong sagot. “Pero hindi rin kita gustong mapahamak.” Sa halip na makaramdam ng takot, nakaramdam si Erika ng kakaibang curiosity na hindi niya maipaliwanag. Paano ba niya pakikisamahan ang isang lalaking ganito katahimik, ganito kalalim, ganito kamisteryoso? At habang pinagmamasdan niya si Casimiro na muling humarap sa bintana, naisip niya. Hindi siya simpleng lalaki. Hindi siya madaling basahin…..At siguradong hindi siya madaling mahalin. Pero sa hindi malamang dahilan lalo siyang nauuhaw malaman ang mga tinatago nito. “Saka nga pala…” Simula ni Erica habang pinipisil ang tasa ng kape, pilit inaabot ang lakas ng loob na kakaunti lang ang meron siya. “May alam ka bang marunong tumingin ng sasakyan? Tumirik kasi yung kotse ko kagabi… kaya ako napadpad dito sa bahay mo.” Hindi agad sumagot si Casimiro. Para bang sinasala muna nito kung may halaga ba ang tanong niya. Nakayuko ito, pinaglalaruan ang mug sa kamay, ngunit hindi nagbago ang seryoso at malamig na ekspresyon. Pagkatapos ng ilang segundo, tumingin siya kay Erica. Diretso. Walang pag-aalinlangan. “Sasamahan kita,” sabi niya, mababa ang tono. “Pagpunta natin sa sasakyan mo… ako na ang titingin.” Napakurap si Erica. “Talaga? Marunong kang mag-ayos ng sasakyan?” Tumikhim lang si Casimiro, saka tumayo. Hindi tumango, hindi ngumiti, walang kahit anong gawi ng lalaking gusto magpakabait. “Marunong,” tipid na sagot. “Hindi mo na kailangan ng mekaniko.” Hindi niya alam kung bakit, pero parang biglang lumiit ang kusina sa presensiya ng lalaki. Yung tipong isang tingin lang, alam mong kaya niyang ayusin ang kahit anong problema pero hindi niya sasabihing maayos. Hindi siya mayabang, tahimik lang siya. At misteryoso. Habang inaabot ni Erica ang balikat ng maluwag na t-shirt na suot niya, napansin niyang hindi man lang nagbago ang mukha ni Casimiro kahit makita niya iyon. “Let’s go,” maikling sabi nito. “H-hintay, kukuha lang ako ng damit at—” “Hindi mo kailangan ng kahit ano. Okay yang suot mo. Wala namang ibang tao rito,” ani pa nito. Isa pa suot niya naman ang boxer short ni Casimikahapo Bahagya siyang napangiti dahil wala siyang suot na bra, basa pa kasi yun pagkatapos niyang labhan kahapon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD