“Hindi mo puwedeng gawin sa akin ito, Thessa,” halos pabulong na sabi ni Casimiro, nanginginig ang boses. “Mahal kita. Hindi ko kaya na mawala ka sa akin. Please, don’t do this. Hindi pwede na basta ka na lamang magdesisyon ng ganyan. Mahal kita, alam mo yan.” Bigla siyang lumapit at niyakap si Thessa mahigpit, parang natatakot na kapag binitawan niya ito, tuluyan na itong mawawala. Ramdam niya ang paghinga nito, mabilis at magulo, pero hindi ito gumanti ng yakap. Noon pa naman ay malamig na ito sa kanya pero pinipilit niya lamang ang sarili sa babae. Five years na silang kasal pero hindi wala man lang nangyayari kanila simula ng mabuntis ito kay Calvin. “Please,” dagdag niya, halos nagmamakaawa na. “Kailangan mo lang ng oras. Pagod ka lang. Lahat naman dumadaan sa ganito.” Sinubukan ni

