KANINA pa nakatitig si Casimiro sa laptop niya. Nasa loob siya ng isang coffee shop, tahimik ang paligid, pero magulo ang laman ng isip niya. Ilang beses na niyang nire-refresh ang screen, hinahabol ang iisang pangalan. Erica Wilton. Noong una, wala siyang makuhang malinaw. Ordinaryong profile. Walang kahit anong bakas na konektado sa kanya o sa nangyari sa kanya. Pero habang mas lumalalim ang paghahanap connections, tagged photos, old posts ay unti-unting lumabas ang isang pangalan na matagal na niyang kinasusuklaman. Drew Wilton. Napahinto ang kamay niya sa mouse. Si Erica Wilton ay kapatid ni Drew Wilton. Hindi niya sinara agad ang laptop. Nakatingin lang siya sa screen, parang hinihintay na magbago ang nakita niya. Pero hindi. May ugnayan nga si Erica sa lalaking naging dahilan kung

