CHAPTER TWENTY FOUR

1069 Words

HALOS wala nang malay si Jake nang iuwi siya nina Gio. Bagsak ang katawan niya sa likod ng sasakyan, ang ulo ay nakasandal sa bintana, basang-basa ng pawis ang noo. Amoy alak.. Paminsan-minsan ay umuungol dala ng kalasingan.. “Dahan-dahan,” sabi ni Gio habang inalalayan siya palabas ng kotse. “Bro, konti na lang. Kaya mo ito.” Pagbukas pa lang ng gate, sinalubong na sila ni Tito Henry. “Anong nangyari?” Tanong ng ama ni Jake. Nakatayo ito sa may pintuan, suot pa ang simpleng polo at tsinelas. Halatang kakauwi lang din, pero nang makita ang kalagayan ni Jake, agad nag-iba ang itsura niya. “Gio?” tanong niya, tumingin mula sa anak niya kay Jake. “Lasing na naman?” Hindi agad nakasagot si Gio. Hinigpitan lang niya ang hawak kay Jake. “Hindi lang po lasing, Tito,” mahina niyang sabi. “

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD