Tahimik lamang na nakatayo si Casimiro sa may gilid ng sala. Hindi siya sumasali sa usapan. Pinagmamasdan lang niya sina Drew at Erica na nag-uusap sa sofa. Halatang nag-aalala si Drew habang paulit-ulit nitong tinatanong ang kapatid kung kumusta na ang pakiramdam nito. “Sigurado ka bang okay ka na?” tanong ni Drew. “Oo naman, kuya,” sagot ni Erica. “Sinabi na rin ng doktor.” “Pero may bukol ka pa rin sa noo,” sabi ni Drew habang tinitingnan ang benda nito. “Kuya, minor lang ‘yan,” sagot ni Erica na bahagyang napangiti. Sa kabilang sofa naman, tahimik na nakaupo si Thessa. Nakatingin siya sa kanilang dalawa habang nakikinig sa usapan. At si Casimiro…nakamasid lamang sa lahat. Pero paminsan-minsan, napapaling ang tingin niya kay Thessa. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman niya

