PAGKAALIS nina Thessa at ng Kuya Drew niya, tahimik na muli ang bahay. Ilang sandali pa, nagpaalam si Erica. “Pupunta lang ako sa kwarto sandali,” sabi niya kay Casimiro.. Tumango si Casimiro habang inaayos ang mga plato sa mesa. “Okay. Tawagin mo lang ako kapag masama ang pakiramdam mo.” Hindi na sumagot si Erica. Dahan-dahan siyang umakyat sa hagdan. Agad siyang pumasok sa guest room…Pagpasok niya sa guest room, isinara niya ang pinto at tumigil sa gitna ng silid. Napatingin siya sa cabinet. Hindi talaga siya naniwala sa paliwanag kanina ni Ate Thessa..Nakita mismo na may hawak na papel ito bago ito itinago sa likuran ng makita siya. Nagdududa siya…Dahan-dahan siyang lumapit sa cabinet. Pakiramdam niya may kung anong mali. Parang may tinatago sa kanya ang lahat—si Casimiro, ang kuya

