HINDI mapigilan ni Casimiro ang makaramdam ng takot at awa habang nakatingin sa mukha ni Erica. Punong-puno ng luha ang mga mata nito. Namumula ang mukha sa sobrang pag-iyak. Halos hindi na ito makahinga ng maayos sa pagitan ng mga hikbi. Ramdam ni Casimiro ang sakit na nararanasan nito. At sa unang pagkakataon, parang may kumurot din sa dibdib niya. “Hayop ka!” sigaw ni Erica habang nanginginig ang katawan. “Pinaglalaruan mo ang buhay ko! Sino ka para gawin yun sa akin?” Nakatayo lamang si Casimiro sa harap niya, hindi gumagalaw. “Erica…” mahina niyang sabi. “Don’t say my name!” putol ni Erica. “Wala kang karapatan!” Napapikit si Casimiro sandali bago muling tumingin sa kanya. “Hindi ko alam na may ugnayan ka kay Drew, na kuya mo pala siya,” sabi niya. Napahinto si Erica. “Nang u

