Nang mga sandaling iyon, nakahubad ang pang-itaas ng lalaki, bagaman may suot pa rin itong short. Si Erica naman ay tanging isang mahaba at maluwag na t-shirt lamang ang suot, walang anumang panloob na saplot dahil hinubad niya iyon kanina. Hindi niya akalain na mararamdaman niya ito, ang biglang sasama ang pakiramdam dahil sa ulan.. Ramdam niya ang init ng balat ng lalaki sa pagitan nila, at alam niyang dama rin nito ang init na nagmumula sa kanya.
Ang lamig na bumalot sa kanya kanina ay unti-unting napalitan ng kakaibang init habang yakap siya nito nang mahigpit. It felt strange, yet comforting. Hindi niya maipaliwanag kung bakit tila kumakalma ang kabog ng kanyang dibdib sa bawat paghinga ng lalaki.
Hindi niya maunawaan ang sarili. Dapat ay ilayo niya ito, ngunit sa halip ay lalo siyang napayakap nang mas mahigpit, parang natatakot siyang mawala ang init at seguridad na ngayon lang niya muling naramdaman.
Maybe it was the fever... or maybe it was something else, bulong niya sa isip, habang unti-unting bumibigat ang kanyang mga mata at nilamon siya ng katahimikan ng gabi.
Pagmulat ng mga mata ni Erica kinaumagahan, wala na sa tabi niya ang lalaki. Ramdam niyang medyo gumaan na ang pakiramdam niya, bagama’t nanlalata pa rin ang kanyang katawan. Dahan-dahan siyang bumangon, inayos ang suot na t-shirt, at lumabas ng kwarto. Tahimik ang paligid, tanging tunog ng malakas na ulan at hampas ng hangin sa bintana ang maririnig.
Pagdating niya sa kusina, nadatnan niyang nagluluto ang lalaki. Nakasuot ito ng simpleng gray shirt at pajama, nakatalikod habang abala sa kawali. Saglit siyang napatigil at pinagmasdan ito, kahit sa simpleng kilos, may aura itong misteryoso at matikas.
“Gising ka na pala,” sabi ng lalaki nang mapansin siya, hindi man lang lumingon agad. “Kumusta na ang pakiramdam mo?” tanong pa nito, ngayon ay seryoso na naman ang boses.
“Medyo maayos na, salamat,” mahinang tugon ni Erica habang lumalapit. “Umuulan pa rin pala…” dagdag pa niya, sabay sulyap sa labas ng bintana.
Tumango lang ang lalaki. “Oo. Malakas pa rin ang bagyo. Hindi ka pa makakabalik ng Maynila ngayon.”
“Sa–lamat… sa ginawa mo kagabi,” tanging nasabi ni Erica, bahagyang nakayuko habang naaalala ang nangyari.
“Wala iyon,” mahinahon ngunit diretso ang tono ng lalaki. “You needed help, and I did what I could. Pag tumila na ang ulan, you should probably leave. Hindi maganda para sa isang babae na manatili dito.”
Napakagat-labi si Erica. “I understand… pero kung nakakaabala ako—”
“Hindi naman,” putol ng lalaki, ngayon ay lumingon na ito at tumitig sa kanya. “Pero… let’s be honest. What happened last night was… awkward.”
Namula agad ang mukha ni Erica. “I know,” mahina niyang sabi. “Pero salamat pa rin. Kung wala ka siguro, baka nagkasakit ako nang tuluyan.”
“Just don’t think too much about it,” tugon ng lalaki habang ibinabalik ang pansin sa niluluto. “Eat something later, okay? You still look pale.”
Hindi napigilang mapangiti si Erica. “You sound like you actually care,” biro niya, bahagyang pilit upang mabasag ang tensyon.
Bahagyang napangiti rin ang lalaki, kahit bahagya lamang. “Don’t get used to it,” sagot nito. “I’m not always that nice.”
Ngumiti lang si Erica. Maybe not… but last night, you were.
“Siguro naman,” wika ni Erica habang lumapit sa mesa, “pwede ko ng malaman ang pangalan mo?”
Saglit na natigilan ang lalaki, bahagyang tiningnan siya habang nagluluto. “Bakit?” tanong nito, malamig pero hindi bastos ang tono.
Ngumiti siya, pilit na binabawi ang kaba. “By the way, I’m Erica Wilton. Twenty-six,” pagpapakilala niya habang nakatayo sa tapat nito. “At kaya mo ako nakita sa gitna ng gubat kagabi…” humugot siya ng malalim na buntong-hininga, “ay dahil tumakas ako. Tinakasan ko ang araw ng sarili kong kasal.”
Napahinto sa paghahanda ng almusal ang lalaki. Dahan-dahan siyang lumingon, at sa unang pagkakataon, tumagal ang titig nito sa kanya. Ang mga mata nito ay seryoso, malalim na tila sinusuri ang bawat salitang binitiwan niya.
“Tumakas ka sa kasal mo?” ulit ng lalaki, halos pabulong pero puno ng pagtataka.
Tumango si Erica, bahagyang napayuko. “Yes. I just couldn’t do it. I didn’t love him. It was all arranged by my parents, by everyone else, except me.”
Tahimik lang ang lalaki habang pinagmamasdan siya. May kung anong unspoken emotion sa mga mata nito, hindi niya alam kung awa, pag-unawa, o simpleng curiosity lang.
Pagkatapos ng ilang sandali, bumalik ito sa pagluluto. “You ran away from your own wedding and ended up here… in my cabin,” sabi nito habang marahang humihinga. “That’s quite a story.”
Erica tried to smile, pero ramdam niyang nanginginig pa rin ang kanyang kamay. “I know it sounds crazy, but it’s the truth.”
“Crazy,” sagot ng lalaki, sabay abot ng tasa ng kape sa kanya, “but at least it’s honest.”
“Then maybe you can tell me your name now?” tanong niyang muli, may halong pag-asang marinig kahit kaunting detalye tungkol sa kanya.
Saglit siyang tinitigan nito bago sumagot. “Casimiro,” wika nito sa mababang tinig. “Just Casimiro.”
Napangiti si Erica, bahagyang nagbago ang tono ng umaga. “Well then, Casimiro… thanks for saving a runaway bride.”
Bahagyang napailing ang lalaki, ngunit may bahagyang ngiti sa kanyang labi. “Don’t thank me yet. The storm’s not over.”
Pinaghandaan siya ni Casimiro ng almusal, mainit na sinangag, pritong itlog, at kape. May kasabay pa itong baso ng gatas na hindi naman niya hiningi. Sweet… and a little unexpected, naisip ni Monique habang lihim na pinagmamasdan ang lalaki.
Tahimik lang si Casimiro habang kumakain sila. Kapag may tinatanong siya, saka lang ito sumasagot maikli, diretso, at walang halong emosyon. Ngunit sa likod ng katahimikan nito, ramdam niya ang kakaibang presensiya. There was something about him, mysterious, but magnetic. Aminado siya sa sarili: malakas ang karisma ng lalaki. Lalo na kapag tumingin ito sa kanya may kung anong alon ng init na dumadaloy sa kanyang dibdib.
Hindi niya napigilang magsalita. “Hindi ka ba nalulungkot dito? Mag-isa ka lang sa gitna ng kagubatan,” tanong niya habang nakatingin sa labas, kung saan patuloy pa ring bumubuhos ang ulan.
Tahimik muna si Casimiro bago tumugon, mababa at kalmado ang boses. “At bakit naman ako malulungkot?” tanong nito, sabay tingin sa kanya. “Kapag nasanay ka na sa katahimikan, you stop feeling lonely. There’s peace in solitude, Erica.”
“Peace?” ulit niya, halos pabulong.
Tumango si Casimiro. “Oo. Walang ingay, walang gulo, walang mga taong nagmamadaling masaktan o manakit. Dito, kung anong gusto kong maramdaman, iyon lang ang umiiral. No one tells me what to do, no one forces me to live a life I don’t want.”
Napatingin si Erica sa kanya, at saglit na natahimik.
“You chose to be alone…” mahina niyang sabi, “just like I chose to run away.”
“Maybe that’s why fate brought you here,” sagot nito, sabay tungga ng kape. “Two people running from different kinds of prisons.”
Napangiti rin si Erica, pero sa loob-loob niya, alam niyang may tinatago pa itong mas malalim. Who are you, really, Casimiro? tanong niya sa isip, habang patuloy na umaalon ang hangin sa labas at bumabalot sa kanilang dalawa ang kakaibang katahimikan.