Si Erica ay walang dalang kahit anong damit nang magdesisyon siyang tumakas. Sino ba naman kasi ang mag-aakalang magbabagyo sa oras ng kanyang paglalayas? Ngayon, habang nasa loob siya ng silid, hindi niya alam kung ano ang isusuot. Wala siyang nakikitang cabinet, ni kahit anong ekstrang tela na pwedeng gamitin ay wala siyang makita.
Hubot-hubad siyang naglalakad paikot sa maliit na kwarto, hawak ang tuwalyang ibinigay sa kanya ni Casimiro, pinapatuyo ang kanyang mahabang buhok. Ang tanging ingay sa paligid ay ang mahinang ugong ng ulan sa labas at ang t***k ng sariling puso niya.
Abala siya sa pagtutuyo ng buhok nang biglang bumukas ang pinto. Napalingon siya—at doon, halos napalunok siya ng sariling laway nang makita si Casimiro.
Tulalang nakatayo ito sa bungad ng pinto, nakatitig sa kanya. Walang imik, walang galaw, ngunit bakas sa mga mata nito ang pagkabigla at ang apoy na pilit nitong tinatago.
Mabilis na binaba ni Erica ang tuwalyang hawak, nagmamadaling tinakpan ang kanyang dibdib, ngunit hindi niya alam kung iyon ba ang dapat niyang takpan o ang ibaba niyang walang saplot. Damn it… bulong niya sa isip, habang nanlalaki ang mga mata.
“Casimiro!” nauutal niyang sabi, halos hindi makatingin. “Knock first, will you?”
Hindi agad nakasagot ang lalaki. Nanatili lang ito roon, tila na-hypnotize sa tanawing nasa harap niya. Ang mga mata nito ay mabagal na gumagalaw mula sa mukha ni Erica pababa, at kahit hindi ito nagsalita, ramdam niya ang init ng tingin nito, ang uri ng titig na parang dumidikit sa balat.
Naramdaman ni Erica ang panginginig ng katawan niya, hindi dahil sa lamig kundi sa hiya at sa kakaibang kiliting dumadaloy sa kanyang buong pagkatao.
“I—uhm… I was just looking for something to wear,” alanganin niyang paliwanag habang pilit isinasara ang tuwalyang nakabalot sa katawan.
Doon lang natauhan si Casimiro. Bahagya nitong iniling ang ulo, saka umiwas ng tingin. “Sorry,” mahina nitong sabi, halos paos ang tinig. “I thought you were dressed.”
Ngunit bago pa ito tuluyang lumabas, sandali pa siyang tinitigan ulit isang mabilis, tahimik, pero mabigat na tingin.
Pagkaalis ng lalaki, nanatiling nakatayo si Monica, hawak pa rin ang tuwalya sa dibdib. Ramdam pa rin niya ang bilis ng t***k ng puso niya, at ang init na naiwan sa hangin.
What was that…? tanong niya sa sarili, habang pinipilit pakalmahin ang sarili. Ngunit kahit anong pilit, hindi niya maitago ang katotohanang ang lalaking iyon, ang tahimik, misteryosong si Casimiro—ay unti-unti nang binabago ang ritmo ng kanyang bawat paghinga. Nagkulay makopa ang kanyang mukha ng mgan oras na iyon. Hiyang-hiya siya.
***************
Kalahating oras na siyang nakababad sa malamig na tubig, ngunit hindi pa rin humuhupa ang init ng kanyang katawan. Paulit-ulit na sinasandalan ni Casimiro ang malamig na tiles ng banyo, humihinga ng malalim habang ang tubig ay patuloy na dumadaloy sa ibabaw ng kanyang balat. Damn it... bulong niya sa isip, sabay pikit ng mata.
Sa unang pagkakataon matapos ang napakatagal na panahon, muli niyang naramdaman ang ganitong uri ng apoy — hindi lagnat, kundi isang init na matagal na niyang nilabanan. At ang mas masama, ang dahilan nito ay isang estrangherang babae — si Erica, ang babaeng bigla na lang sumulpot sa harapan ng kanyang bahay sa gitna ng bagyo.
Ilang ulit siyang napahilamos, pilit na pinapakalma ang sarili, pero bawat pagdampi ng malamig na tubig ay tila lalo lang nagpapalala ng nararamdaman niya. Ang mga alaala ng gabing iyon ay paulit-ulit na bumabalik — ang lambot ng katawan ni Erica, ang amoy ng kanyang buhok, ang init ng balat nitong nakadikit sa kanya habang inaapoy ito ng lagnat.
She was trembling... helpless... and I couldn’t even move without feeling her against me. Napapikit siya, napamura nang mahina.
Hindi niya dapat inisip iyon, pero masyadong malinaw sa kanyang isipan ang sandaling iyon , kung paanong bawat paghinga ng babae ay ramdam niya sa sarili, kung paanong ang malalambot nitong dibdib ay tumatama sa kanyang hubad na balat. Sa loob ng gabing iyon, pakiramdam niya ay sinusubok siya ng tadhana, isang tukso na hindi niya pwedeng hawakan, hindi niya puwedeng pagnasaan.
Mabilis niyang hinampas ang tubig sa kanyang mukha, tila gustong burahin ang lahat ng iniisip. Stop it, Casimiro. Don’t go there again.
Ngunit kahit anong pilit niyang iwas, hindi niya maitago ang katotohanan matagal na niyang isinara ang puso niya sa kahit sinong babae, ngunit sa pagdating ni Erics, unti-unti itong muling bumubukas.
At iyon ang higit niyang kinatatakutan.
Dahil sa unang pagkakataon matapos ang napakatagal na panahon, muling bumalik ang t***k ng puso niya at sa maling pagkakataon pa.
Nasa banyo siya nang marinig niya ang boses ni Erica na tumatawag sa kanya. Huminga siya ng malalim, pilit pinapakalma ang mabilis na t***k ng kanyang puso. Pagkatapos ay sinadya niyang lumabas ng banyo nang walang kahit anong saplot sa katawan.
His manhood stood firm as if ready for any challenge. Napakagat siya sa kanyang labi habang naglalakad palabas. Tulad ng kanina, halatang nagulat si Monique. Kita niya sa mukha nito ang pagkabigla, ngunit ang mga mata nito ay hindi maalis sa ibabang bahagi ng kanyang katawan.
“Bakit hindi ka man lang kumatok bago ka pumasok?” balik-tanong ni Casimiro habang nakatingin kay Erica. Pero nanatili pa rin itong tahimik, halatang hindi pa nakakabawi sa pagkabigla. Hindi na rin siya nag-abalang takpan ang sarili, dahil patuloy pa rin ang init na bumabalot sa kanyang katawan.
Lumapit siya kay Erica, na suot pa rin ang t-shirt na ibinigay niya kagabi.
“Ka–kanina pa kasi ako tumatawag sa’yo pero hindi ka sumasagot,” nauutal na paliwanag ni Erica. Sa halip na tumakbo palabas ng kwarto, nanatili siya roon tila napako sa kinatatayuan habang hindi alam kung saan ibabaling ang tingin.
Napatingin si Casimiro sa labi ni Erics, na bahagyang kinagat nito habang tila kinakabahan. Lalo lamang siyang nag-init sa eksenang iyon,.ang bawat galaw ng babae ay tila apoy na unti-unting sumusunog sa natitirang kontrol niya sa sarili. Hindi na niya alam kung ano ang gagawin. Kanina pa siya pilit na umiwas, ilang beses na siyang naligo at nagbabad sa malamig na tubig, hoping it would cool him down — but nothing worked.
At ngayong nasa harapan na niya ang babae, halos wala na siyang kakayahang pigilan pa ang sarili. Her scent, her flushed face, the way she looked at him, everything was driving him insane. He knew it was wrong, but his body was no longer listening to reason. Kahit hindi niya pa lubos na kilala si Erica, pakiramdam niya ay matagal na niya itong pinagnanasaan, at sa mga sandaling iyon, wala na siyang ibang gustong gawin kundi maramdaman ang init ng babae sa kanyang mga bisig.