Pagkatapos ng pagkikita namin ni Wilson ay kailangan na niyang bumalik sa opisina kaya kaagad rin siyang nagpaalam. Since wala naman akong ibang gagawin para sa araw na iyon, pumunta na lang ako sa mall at namili ng mga damit at iilang cosmetics. Kung narito lang sana si Neri o Timmy ay may mayayaya sana ako ngayon. But sadly, they're both busy with their lives. Hindi naman ganoon karami ang mga pinamili ko kaya nakaya kong dalhin mag-isa ang mga paperbags. Sumakay ako sa isang taxi pauwi. Kung tutuusin, puwede ko namang tawagan ang driver namin at magpasundo pero okay lang sa akin kung mag-commute. "Gilda, paki-akyat nito sa kuwarto," utos ko pagdating sa mansiyon. Kumunot ang noo ko nang makarinig ng ingay sa may pool. Lumakad ako patungo sa double doors at sumilip roon. Napako ako s

