(FLASHBACK…) “EVRON?” He was startled when he heard Blythe calling his name from behind. Nasa likod sila ng orphanage kung saan ay may malawak na playground doon at naglalaro ang mga bata. Kumunot ang noo ni Blythe. “Okay ka lang? Bakit parang nagulat ka? Hindi ka naman magulatin.” Aniya. Alanganing napangiti si Evron. “Just thinking.” “Anong iniisip mo?” tanong ni Blythe. Umiling si Evron. “A mission,” kalmado niyang sagot, pero kinakabahan siya. “Why do you look tense?” Blythe asked. “Ah?” Pinunasan ni Evron ang namumuong pawis sa kaniyang noo. “Hindi naman.” Aniya. “I was just thinking of some things about this place.” Umupo si Blythe sa upuan na gawa sa kahoy. Tumabi naman sa kaniya si Evron. She leaned lightly against his shoulder while watching the children play nearby

