(FLASHBACK…) ONE MORNING, Blythe woke up alone in bed. Nasanay na siya dahil laging unang gumigising si Evron kaysa sa kaniya. Kapagkuwan, napatingin siya sa sarili. May suot na siyang damit, pero ang nakasuot sa kaniya ay ang damit ni Evron. Dinamitan siya ni Evron pagkatapos niyang makatulog kagabi. Blythe closed her eyes as she smelled her husband’s scent. It was soothing and comforting. Bumangon siya at inayos ang kama. Then she walked inside the bathroom to take a bath. Pagkatapos niyang maligo, lumabas siya ng banyo na nakatapis lamang ng tuwalya saka kumuha ng damit ni Evron sa closet at ‘yun ang isinuot niya. Lumabas siya ng kwarto at agad niyang nakita ang asawa na nasa living room at nakaharap sa laptop nito. Patakbo siyang lumapit kay Evron. Umupo siya sa tabi nito, s

