bc

The Mafia Prince In Disguise

book_age16+
615
FOLLOW
1.5K
READ
badgirl
mafia
serious
mystery
male lead
small town
betrayal
war
friends
brutal
like
intro-logo
Blurb

"Where am I?" Nagtatakang tanong ko. Hindi ko alam kung ano bang lugar ito, ang tanging natatandaan ko lang ay lumayo ako sa aming bahay at tumakbo palayo para hindi nila ako mahuli.

It's not my intension to runaway. But, I have no choice. I don't want too, I don't want to be a Mafia King of Tomizara Clan.

"You're in the land of chaos.And I am the one who carried you. Hindi ko alam kung saan ka ba nagmula, nakita lang kitang walang malay sa gitna ng kagubatan." Mabilis akong napalingon sa aking kaliwang direksyon. Nakita ko ang isang babae na simple lang ang pananamit.

Ngayon ko lang din nasilayan ang buong paligid. Tama nga siya, nasa bahay nga ako. Ngunit...anong tinutukoy niya na 'Land of the Chaos' meron ba talagang ganon na isla?

"Ako nga pala si Alieha Marien Soriena. Ikaw?" Nilahad niya ang kaniyang kamay sa aking harapan.

Pinagmasdan ko lang iyon at nag-isip kung ano ba ang sasabihin ko, o ano ang dapat na pangalan ko?

"I-I..I am Levi...Levi Radson." Wala sa sariling wika ko at malugod na tinanggap ang kamay ng babae. Masaya kaming nag-shake hands at hindi na inisip pa ang kabayaran nito sa dulo.

Aele Levi Miller Darson is the second son of Kreiah Miller Darson. Dahil sa nakaatang na malaking katungkulan niya sa Mafia World. Wala siyang pag-iisip na lumayo at tumakas sa mansyon nila. Ngunit hindi niya inaasahan na dadalhin siya ng kaniyang mga paa sa lugar ng kaguluhan.

Lugar ng mga mapang-api at mundo ng walang prinsipyo sa buhay.

Pero hanggang saan ang kaniyang pasensya? Makakayanan niya kayang magtimpi sa sakit? O tuluyang lalabas ang tunay na kulay ng kaniyang pagkatao?

Ang pagiging isang Mafia Son.

chap-preview
Free preview
TMPID 1
AELE'S POV: "M-Me? As in me? Ako talaga?" Paninigurado ko pa sa dalawang tao na parehas nakaupo sa magarbong upuan habang may nakabantay na dalawang men in black sa kaliwa't kanan. "Hindi! 'Yung asin ang tinutukoy ko. Of course it's you!" Nanggigil na saad ni Daddy. "O-ouch! What was that for?" Inis na baling naman nito kay Mommy matapos makatanggap ng batok galing dito. Napahagikhik naman ako habang nakayuko. "Hoy, Aele! I'm not giving you permission to laugh." Pambabanta sa akin ni Dad pero hindi ko iyon pinansin. Napairap pa ako sabay belat kay Daddy. "Aele." Napanguso naman ako sa narinig ko mula kay Mommy. Nagbabanta ang boses nito habang ang kaniyang mukha ay kalmado pa rin at hindi makikitaan ng kahit anong galit sa kaniya. "I'm sorry mom." Paghihingi ko ng tawad saka mas lalong napayuko. Narinig ko kung paano maglabas ng malakas na buntong-hininga si Daddy. Samantalang wala akong narinig mula kay Mommy kahit anong salita man lang. Nagbago na talaga ang lahat. Siguro sa edad na rin namin. Hindi na kami bata, but I want to be a child forever, I want to hear their sweet talks and how they care about us without thinking about the future or our problems. "Can you. . . can you atleast be matured enough Aele? Tingnan mo ang kuya mong si Zicko, he already achieve his dream. Tingnan mo ang kakambal mong si Aeze, kahit na ganiyan siya marunong siyang dumiskarte at gumawa ng paraan para makatulong. Try to look at your Tito Jack, hindi man siya marunong magdesisyon ng tama, pero hindi siya umaatras sa mga laban. And you? You're acting as if you're still 5 years old, even you are already 23 for f*cking sake! Aele!" Galit na galit na sermon sa akin ni Dad. Napayukom na lang ang kamao ko. Pinipigilan ang humiyaw at sabihin ang hinanaing ko, pero . . . I failed. "I don't want to be a king! Hindi ba kayo makaintindi sa sinabi ko?! Ayokong maging king sa Mafia World!" "Your mouth Aele. I'm warning you." Walang emosyon na babala na naman sa akin nito ngunit hindi ko iyon pinansin. Madamdamin ko silang nilingong dalawa. Halata kay Daddy ang pagkagulat, samantalang si Mommy naman ay nanatili lang sa kaniyang posisyon. Katulad pa rin ng dati. "Ayokong maging king sa Mafia World dahil ayokong mabigo ko kayo. Ayokong mabigo si Mommy. Hindi ako nararapat! Bakit ako pa? Bakit ako pang walang alam sa pamamalakad? Bakit ako pang isip-bata ang naisipan ninyong ilagay sa posisyon na iyon? Tama kayo! Wala nga akong pangarap hindi kagaya ng kuya ko. . . Tama kayo! Wala akong diskarte at hindi marunong tumulong sa kapwa, puro na lang laro at tambay sa kanto. Hindi kagaya ng kakambal kong si Aeze. TAMA KAYO! Hindi ako tulad ni Tito Jack na kahit ganoon man ay hindi siya umaatras. Kaya bakit ako pa? Bakit ako pa kung sila naman pala ang nararapat? Bakit ako pa Mom?" "Cause you're just like me." Iyon lang ang kaniyang sinabi. Lagapak naman ang aking balikat sa aking narinig. Hindi ko alam kung comforting ba o nagpapatawa lang siya na katulad niya ako? "I-I. . .I'm not. . . hindi kita katulad. Wala akong kakayahan na katulad sa iyo, hindi ako marunong humawak ng maraming organisasyon. Baka mabigo lang kita, baka. . ." "Trust yourself." Napailing-iling ako. Hindi ko kaya iyon. Ayokong masira ang pagtitiwala ng mga tao sa Tomizara. Ako ang magiging sanhi ng kaguluhan sa buong organisasyon na iniingatan nila. "A-Ayoko. . . Ayoko talaga. . ." Para akong batang hindi mapakali sa aking kinatatayuan. Ginagalaw-galaw ang aking mga daliri sa matinding kaba kapag naalala ko ang mga bagay na patuloy nila sa aking pinipilit. "Arrgh! For our sake Aele! Can you just give up being a childish guy and do your task? You're not a Mafia for nothing, you're not a Mafia if you can't handle this." Matalim ko namang tinignan si Daddy. Napaatras pa siya sa nakita niya. Narinig ko pa ang pagsudsod ng tukod ng upuan dahil sa ginawa niya. "How about my feelings dad? About mine? Ganon ba kadali ang sinasabi mo? Pasalamat ka dahil wala ka sa posisyon ko, pasalamat ka dahil asawa ka lang ng Mafia Queen. . . pero ako? Anak ako! Anak na pinipilit sa posisyon na hindi ko kayang paglingkuran. Ayokong manungkulan kung wala akong alam. Ayoko! Kaya isipin mo rin ang nararamdaman ko! Asawa ka lang! Anak ako! Kaya hindi mo nararamdaman ang kalagayan ko!" Inis na singhal ko sa mismong harapan niya at sinulyapan ang aking ina. Napailing pa ako sa kanilang dalawa bago ihanda ang aking mga paa. "I'm sorry. . ." Huling sambit ko bago tumakbo palayo sa direksyon nila. "AELE!" "AELE LEVI MILLER DARSON!" Rinig kong sigaw ni Dad ngunit hindi man lang ako lumingon pa. Nagtutuloy ako sa pagtatakbo. Marami na akong nababangga kaso hindi ko iyon pinapansin pa. Ang tanging gusto ko lang mangyari ngayon ay makalayo, makaalis sa mansyon na patuloy akong tinutulak sa tungkuling hindi ko kaya. Kasalanan man na lumayo, patawad. Ngunit ayoko. KREIAH'S POV: Kanina pa palakad pabalik si Rizhui. Hanggang ngayon hindi pa rin siya maka-get over sa naging eksena kanina sa opisina. Hindi ko masisisi si Aele, alam kong mangyayari na ito. Simula pa lang alam ko na ayaw niyang dumating sa punto na siya naman ang isasalang ko sa pagiging Mafia King na ngayon lang mangyayari. Mula sa kanunuan namin, lahat ng namumuno ay kababaihan. Walang sinuman ang naging lalaki na Mafia King. Sapagkat ang laging nasa isipan ng aming ninuno ay hindi dapat minamaliit ang kababaihan sa panunungkulan. Pero dahil wala akong anak na babae, nagkaroon nga ako ng panibagong anak sa edad na 36 kaso lalaki nga naman. Kaya I don't have any choice. Si Aele na lang ang pag-asa ngunit aasa na naman ako sa wala. "Argh! Saan ba nagmana ang batang iyon? Hindi na siya marunong rumespeto sa atin. Tell me, mahal?" Mabilis itong nagtatakbo at kinuha ang kanang kamay ko. Hindi agad ako maka-react mg matino dahil sa ginawa niya. Kahit na matanda na kami at nasa edad na 52 nandoon pa rin ang sparks sa bawat paghawak niya sa akin. Naiiling naman ako bago mapangiti nant makita siyang naguguluhan. Gamit ang aking kaliwang kamay ay ginulo ko ang buhok nito. "Sino bang nag-spoiled sa kaniya? Hindi ba't ikaw? Kaya huwag ka ng magtaka kung ganiyan siya." "Tsk! Sana hindi ko na lang ginawa iyon sa bata. Nagsisisi na tuloy ako. Pero. . . hindi ba natin siya pipigilan na umalis? Baka kung saan pumunta ang batang iyon?" Nag-aalala niyang tanong sa akin. At mas lalong hinawakan ang aking kamay. Umiling lang ako at saka marahang piningot ang kaniyang ilong. "He'll be fine. Hayaan mo siyang matuto at dumiskarte. Sa sinabi ko nga, katulad ko siya. May kakambal ako kaya katulad niya rin ito. Hayaan mo siyang mabuksan ang kaniyang isipan sa reyalidad ng buhay. Darating ang araw na masasabi na rin niya sa sarili na nagawa niya na ang lahat. Trust him, and I hope he'll trust himself too." Nagpalabas pa ako ng buntong-hininga. Sana lang ay tama ang aking hinala. Sana magawa niya ang kaniyang kagustuhan, sana makita na niya ang kaniyang purpose sa buhay. Ayos lang kung ayaw niya. Hindi pa naman ako matanda para hindi ko magampanan ang pagiging Mafia. Hanggat may sumusunod, hanggat nanatiling mapayapa ang Mafia World ay walang problema ito sa akin. "Mom! Dad! I'm home." Rinig naming sigaw sa papasok na tao mula sa labas ng pintuan nitong sala. Nagmadaling tumayo si Rizhui sa pagkakaluhod sa aking direksyon. Napapailing naman ako ng makita kung paano lumiwanag ang mukha nito at ngumiti nang matamis. Nakita na namin ang bunso naming anak na nakahawak sa back pack niya. Kumaway pa ito sa aming direksyon. Ni hindi man lang ngumiti pero halata sa mukha ang kapaguran matapos makauwi galing sa eskwela. "Anak kong maganda! Finally you're here!" Napangiwi ako sa naging asal ni Rizhui at mabilis na nagtatakbo sa direksyon ng anak. Yayakapin niya sana ito nang mapansin ko ang paparating na kamao mula sa mukha ni Rizhui, hanggang sa ito ay tuluyan na talagang napatama sa panga niya. Napalayo na lang siya sa direksyon ng anak na walang emosyon na nakatingin sa ama na nakahawak sa panga. "I'm not a girl dad! How many times should I tell you that I'm a guy! I. Am. A. Guy! Mom si Dad o!" Inis na sumbong ni Levian Dale Miller Darson. Nagtatakbo pa ito palayo sa daddy niya na hanggang ngayon ay iniinda pa rin ang kaniyang panga. ''Yan kasi sabi pa nang sabi maganda. . .nangyari tuloy sa iyo.' "How's your school Dale? Did anyone bully you again?" Umiling naman siya at mabilis na umupo sa kabilang upuan na kaharap ko. "No. They can't bully me again because of what I did to one of our classmate. But. . ." Napahawak pa ito sa kaniyang baba at seryoso akong tiningnan. "I see Kuya Aele running inside the forest, not that far away from our house. Anong nangyari sa kaniya?" "He can't accept his position on the Mafia World." Napatampal na lang ako nang mahina sa aking noo at pumikit. "Then, can I become a king mom? If Kuya Aele can't accept then let me handle this. Is that alright mom?" Napanganga naman ako nang marinig mula sa anak naming si Dale ang katagang iyon. Napalingon pa kami sa isa't isa ni Rizhui sa hindi makapaniwalang mukha. Ngunit napatikom agad ako ng aking bibig at muling sinulyapan ang aking anak na si Dale. Hindi na ako magtataka kung mapagkamalan pa siyang babae. Sa akin siya nagmana, lahat ng meron ako sa aking mukha ay kuhang-kuha niya. Halatang replika ko lang siya kahit na anak ko talaga siya. "Are you sure about that anak?" "Um!" Nagtatango-tango naman ito. Ngumiti lang ako nang mapait. Dahil sa aking naalala. "I hope too. . . but there's a problem." Nilingon ko pa ang mag-aama ko at nakita ko sa kanilang mga mukha ang pagtataka. "Si Kuya Aele mo na ang nailagay ko sa bagong papalit sa akin. Once I write his name, no one can break that. Unless he came back and tell us his right decision."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

DRAKE ASTHON DE TORRES: THE MAFIA HEIR

read
30.7K
bc

The Battered Mafia Billionaire

read
12.9K
bc

The Mafia's Obssession (COMPLETED)

read
32.0K
bc

Dangerous Spy

read
299.4K
bc

EASY MONEY

read
174.6K
bc

YOU'RE MINE

read
894.2K
bc

PULUBI_ MAFIA LORD SERIES 8

read
196.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook