AELE LEVI'S POV: (KINABUKASAN) Sumapit ang gabi nang kami ay magsimula na sa aming panibagong misyon. Napansin namin na wala ng iba pang bilanggo na natitira kaya ang nais namin ngayong gawin ay magapi na ang mga kalaban. Hindi namin alam kung ilan pa ba ang natitirang mga armado, pero kung magtutulungan kaming lahat kayang-kaya namin itong mawakasan. "Mag-ingat kayo sa mga bitag ng kalaban. Hindi natin alam kung ano ang mangyayari sa atin sa lugar na ito pero ramdam ko na may hindi maganda rito." pagbabanta ko agad sa mga ito nang may mapansin akong malansang hangin na nanggagaling sa kinaroroonan namin. Nagawa na naming makalagpas sa ilog na iyon at ngayon ay nasa isang bahagi kami ng isla na kung saan ay puro puno lang ang aking nakikita. Hindi ito tulad ng mga naabutan namin na m

