Chapter 3 "Case Closed"

1156 Words
****** "Tingin mong hahayaan kitang mapatay sya? Ate Ayadashi?" Agad naman syang napatingin sa'kin at pinipilit nyang kumalma at ngumiti. "I-ikaw lang pala? Anong pinagsasabi mo?" Sabay ngiti nya pero iba na ang ngiting ipinapkita nya ngayon, ang ngiti nyang maamo ay nakahalo na ng kaba. "*Smirk* wag mo nang piliting manloko dahil huli ka na, pinatay mo ang lola mo at ikaw din yung nakita nung gwardiya sa may rest house na nakatayo" sagot ko sa kanya. Ngumiti naman sya, yung tipong ngiti na panigurado "at bakit ko naman papatayin ang lola ko? kagaya nga ng sinabi ko kanina, ako ang isa sa pinakamalapit na apo ni lola kaya imposibleng ako nga," sabay cross arms nya "wag mong sabihin na dahil lang sa palagi akong nakangiti kaya hinalaan mo agad ako?" Taas kilay nyang dugtong. Ngumiti rin ako pabalik sa kanya. "Oo isa narin yun, kung titingnan ka pa lang imposibleng ikaw nga ang pumatay sa lola mo, pero kung hindi kita inobserbahan malamang di kita nahuli, ikaw nga ang pinakamalapit sa lola mo kaya nga yun ang ipinagtataka ko, ba't ikaw ang may pinakamababang ranggo sa inyong anim?" Nagulat naman sya “pinili mo lang ba ang maging maid ng lola mo sa lugar na'to?" "B-bakit?! Kung ako na ang may pinakamababang ranggo dito nagpapahiwatig ba 'yon na pinatay ko sya dahil sa ranggo ko?!" Inis nyang sagot. "Tch! Sa mga tansya ko may balak kang patayin ang isa sa may pinakamataas na ranggo ng rest house, si ate Odette" nabantayan ko nang napakuyom sya. "Si Odette ay ang isa sa pinakamatalik kong pinsan, at isa pa, pano ko naman daw pinatay si lola hah?!" sigaw nya. Ngumiti naman ako at agad nagcross arms. "Yung gabi bago namatay yung lola mo nagtalo sina ate Odette at yung iba mong pinsan, nang matapos yun napatingin sa labas yung lola mo,” na akala kong nakita nya ako "pagkatapos nun ay pumasok ka sa opisina niya at mukang nagtalo kayo dahil madaming nakakalat na mga gamit sa sahig, dahil sa inis mo sinaksak mo sya deretso sa kanyang tyan gamit ang isang kitchen knife na pweding matago at madala," bago ko pa dagdagan yung sinabi ko ay nagsalita sya. "E bakit ko naman daw papatayin yung batang babae?!" Pagtatanggol nya parin sa sarili nya. Nainis naman ako sa sinabi nya at napa kuyom. "Bago namatay si Hanna may sinabi sya, kung ganon alam nya na mamamatay sya, marahil ay si Hanna ang saksi sa mga pangyayari ng gabing 'yon, at dahil nakita ka nya na pumasok sa opisina ng lola mo agad mong binantaan si Hanna at sinigurado mo talaga na ngayong November 1 iganap ang plano mo para walang maghinala at ang Masked Lady ang kanilang maisip na pumatay dahil sa alamat" inis kong sagot. "May ebidensya ka ba hah?" Naging kalmado ang muka nya. Napangiti naman ako, anong akala nya. "Ang ibedensya ay nasa kusina lang naman, ang ginamit mong kitchen knife ay nadun pa" simple kong sagot. Natawa naman sya ng mahina "wala ka paring sapat na proweba na ako nga ang pumatay dahil pwede ko naman itong hugasan para mabura ang fingerprint ko sa hawakanan ng knife, at isa pa wala akong natatandaan na naglagay ako ng knife sa kusina" napasmirk naman ako. "Di pa ako tapos, nasa kusina nung una bago mo gamitin iyun, habang nagbabangayan sila ate Odette, tumungo ka sa kusina para kunin ang knife at nang naglabasan na sila pumasok ka naman na mismong nakita ni Hanna na akala kong nag C-CR nung gabing yun, pagkatpos mong patayin ang lola mo ay agad mong hinalungkat ang mga papeles na nasa sahig, sa iyong pagahanap binuksan mo ang isa sa mga drawer at inilapag na muna doon ang knife nito, pero nung nabantayan mong may nakatayu sa harapan ng pintuan ay agad mong kinuha ang knife at tinago ito, pero ang di mo alam ay nahawakan mo ang mga papeles at nagkadugo din ito nang hinahalungkat mo ito at mukang di na ito pinansin ng mga police," bigla naman syang namutla at nanginig “kung ipapatingin natin yun sigurado akong makikita ang fingerprint mo sa mga papel nang kunin mo ang knife mo na may dugo rin ng biktima," sagot ko. Sasagot pa sana sya pero inunahan ko na agad sya. "Di mo nilinis ang knife mo, nagpadala ka ng sulat kang Hanna na sya na ang susunod, nagising si Hanna sa gitna ng gabi ng di ko man lang namamalayan, lumabas si Hanna dahil sa takot pero agad mo syang sinugod dahilan ng pagtakbo ni Hanna palabas patungo sa kagubatan, habang tumatakbo kayo tinalunan mo sya at agad mo syang sinaksak patalikod, iniwan mo muna sya dun para kumuha ng sako para sa lalagyan ng katawan nya, pero bigla akong nagising at kinuha ang katawan nya, at ang isa ko pang ebidensya ay yung kutsilyo ay nawawala at alam kong nasa'yo lang yun all the time" sagot ko. Napayuko naman sya at may dinukot sa may likoran nya at inilabas ang knife nya at binitawan nya ito at ngumiti. "Oo pinatay ko nga si lola, aside sa mababa ang ranggo ko ako din ang may pinakamababang sweldo sa aming lahat, ako ang pinakamalapit sa kanya tapos ito ang gagawin ng matandang yun?!" Agad syang napakuyom "palagi nya akong pinapahirapan, nung araw na pinuntahan ko sya sa opisina nya nag-away nga kami nun, di sya nakinig sa'kin kaya pinatay ko sya, naghalungkat ako sa mga papeles nya para makuha ang password nya sa banko," napangiti naman sya then tumawa ng malakas "tama lang na mamatay ang matandang yun!" sigaw nya ng may malakas na tawa. Nainis naman ako at agad syang sinigawan. "Kahit na!! Kailangan mo ba talgang patayin ang isang inosenteng bata para maprotektahan lang ang plano mo?! Kahit na may kasalanan ang lola mo, pumatay ka parin ng batang babae!! Si ate Ayadashi na napakamalapit sa mga bata ay mismo ding pumatay ng isang bata!" sigaw ko sa kanya na may halong dismaya. Nung araw na yun hinuli na sya ng police, madaming nagulat, isang inosenteng babae na malapit sa mga bata ay kayang patayin ang isang matanda at bata. Habang nakatingin ako sa kanya na ipapasok na sana sa kotse ng police nang bigla syang humarap sa'kin. "Nga pala, pano mo nalaman na ako yun?" Tanong nya. Napangiti naman ako. "Madali lang, ang alibi mo, pano mo naman nalaman na tulog na ang lahat nung gabing yun? Edi isa lang ang dahilan, gising ka nung gabing 'yon" I said, sabay smirk. Napangiti naman sya ng mapait "kung ganon ang mismo ko pang alibi ay ang nagbuking din sa'kin" sabay yuko at sumakay na. Habang nakatayu sya ay may biglang tumayu sa tabi ko. "Ang galing mo dun ahh" sagot ng kumag. Di ko lang sya pinansin at umalis nalang pero sinundan nya lang ako patungo sa bus namin. Nakakaasar talaga ang lalaking 'to. ****** Case Closed.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD