Chapter 2 "First Case: The Masked Lady"

1902 Words
****** Nagulat ako sa narinig ko kang Len, yung matanda patay na?? Nandito ako sa labas ng rest house at nakatingin sa babae kahapon, napalingon naman sya sa direksyon ko kaya lumapit sya. "Nabalitaan mo na ba?" Tanong nya, nabantayan ko namang namamaga ang mata nya sa kakaiyak, tumango naman ako "nakita syang namatay sa opisina nya *sniff* kasalanan ko'to e" tas umiyak nanaman sya. Kasalanan nya? panong— 'Tch! Sana ikaw nalang ang biktimahin ng Masked Lady nayun! Nakakasira ka ng negosyo e!!' agad kong naalala yun. Napatingin naman ako sa babae at kinuha yung panyu ko sabay bigay sa kanya. "Sinabi mo na, di mo na maibabalik ang mga sinabi mo sa kanya, kung sasabihin mo man lang sana ginampanan mo para di ka makonsensya sa kahulihan" malamig kong tugon sa kanya at agd inilapit ang panyo ko. Halata namang nagulat sya sa mga sinabi ko sa kanya, nanginginig nyang tinanggap ang panyo ko at binigyan ako ng mapilit na ngiti aalis na sana ako nang. "Nga pala a-anong pangalan mo?" Tanong nya lumingon naman ako. "Curse po" sagot ko, halata namang nagulat sya sa pangalan ko. "Curse? Anong klaseng pangalan yan?" Taka nyang sagot "...a-anyways, ako nga pala si ate Odette, nice to meet you Curse" sabay lahad sa kamay nya tinitigan ko ang kamay nya at nakipag shake hands naman ako sa kanya. "Nice to meet you rin po ate" sabay ngiti ko. Maya maya ay lumapit na sya sa mga pulis habang ako naman ay tumungo sa opisina ng matanda. Nang pagpasok ko madaming mga officer ang nakatayu, di ko nlang sila pinansin at lumapit ako sa bangkay, tumingin ako sa isang officer at tinanong ito. "Kuya, ano po bang posisyon nya nung namatay sya?" Tanong ko. Napatingin naman yung officer sa'kin at nagtaka sa tanong ko. "Aba ang bata mo pa yata para magtanong ng ganyan?" Takang tanong nung officer. "Basta sabihin mo nalang" malamig kong sagot. "Psh, nakita sya ng maid ng rest house na'to na may saksak sa may tyan pero nawawala ang gamit pampatay sa kanya" sagot nalang nung officer. Tumango nalang ako at tiningnan ang saksak nung matanda sa tyan, sa itsura ng pagkakasaksak mukang ang gamit ay isang matulis na bagay na pweding madala oh makita sa rest house, ang mga gamit naman ay nakakalat at may nabasag din. Lumabas ako sa opisina at agad akong nilapitan nina Levy. "C-Curse!" Approach ni Yumi sa akin bigla. "Oh?" Taka kong sagot. "S-si Hanna, mukang may nangyari sa kanya?" Utal-utal na sagot ni Levy. Nagulat naman ako na may halong pagtataka. "Bakit?" Tanong ko. Agad kaming tumungo sa little bridge ng garden nila at nakita namin si Hanna na nakatayu doon. Nilapitan namin sya. "Hanna? Anong problema?" Tanong ko. Lumingon naman sya at umiling sabay ngiti ng peke. "Wala lang Curse" sagot nya. Napatingin naman ako sa dal'wa. "Wala naman pala e?" sagot ko. "Kanina kasi mukang kinakabahan sya at nanginginig" alalang sagot ni Levy. Ibinaling ko nanaman ang tingin kang Hanna "bakit ka nanginginig?" tanong ko sa kanya. Bigla nlang syang umiyak kaya nagulat kami. "B-bakit Han?" Tanong ni Yumi. "Ako na ang susunod" kinakabahan nyang sagot. Nagulat naman kami sa sinabi nya, anong sya na ang susunod? Agad kong hinawakan ang dalawa nyang balikat at mahinang iniharap sa'kin. "Anong pinagsasabi mo Hann?" Malamig kong tanong sa kanya. "*Sniff* a-ako na ang susunod Curse" sabay hagulgol nya. Di ko sya maintindihan, bakit sya na ang susunod? Agad namang niyakap ng dalawa si Hanna na umiiyak parin. ****** Gabi na at tulog na ang lahat ako naman mulat na mulat pa ang mata ko, di ako makatulog sa mga sinabi ni Hanna kanina kinakabahan ako para sa kanya. Bumangon na muna ako para makalanghap ng sariwang hangin ngunit nagulat ako nang makita kong wala si Hanna sa higaan nya. Di ko ginising ang dalawa, agad akong lumabas para hanapin si Hanna, lumabas ako ng rest house para libutin ang paligid ngunit nabigo ako sa paghahanap sa kanya. Nagpatuloy parin ako sa paghahanap sa kanya nang may nakita akong mga bakas ng paa patungong gubat, kahit madilim tinungo ko ito ng walang dalang flashlight, nakikita ko pa naman ang mga bakas dahil sa liwanag ng buwan at sa aking pagsusunod nagulat ako sa nakita ko, at agad kong tinakbo ang taong yun. "Hanna!" Sigaw ko at agad syang binuhat, naramdaman kong may malagkit na kung ano sa likuran nya hinawakan ko ito at tinignan at nagulat sa nakita ko. D-dugo Hinawakan ko ang pulso nya, and sadly patay na sya, malamig narin ang bangkay nya, mahinang tumulo ang luha ko at mahigpit na niyakap si Hanna, pero napatigil ako nang may marinig akong naglalakad patungo sa direksyon ko. Nandito pa ang killer, Agad kong binuhat si Hanna at nagmadali pero mahinang tumungo sa rest house. Nang makarating ako agad kong ginising sina Levy at ang mga tao roon, tinawag nila ang police, sina yumi naman ay napaiyak ang ibang studyante ay natakot sa mga nangyayari. Una yung matandang babae ngayon ang matalik kong kaibigan na si Hanna, mukang may problema dito ahh? Totoo kaya yung sinasabi nilang The Masked Lady? Pero imposible namang may ganun. ****** Pagdating ng umaga dumating ang pamilya ni Hanna, habang ako naman ay nagmamasid sa paligid, marahil ay nandito pa sa rest house ang killer. Nahagip naman ng mata ko ang mga nag-uusap na mga police kaya agad akong nagtago para marinig ang pinag-uusapan nila. "Nakita naba ang gamit pampatay sa kanya?" Tanong ng isang police. "Wala pang nakakakita nito kahit din dun sa matanda, posible kaya yung Masked Lady ang pumatay?" Sagot naman ng isang police Napaisip naman ako, imposibleng ang Masked Lady na yun ang pumapatay, sigurado akong isa sa mga taong 'to ang pumatay sa matanda at kang Hanna at patutunayan ko yun aalamin ko ang taong yun. Napatingin ako sa anim na trabahante ng rest house, una ay si ate Odette, di ko masasabing sya nga ang killer, pero matagal na syang may galit sa matandang yun, kaso kung sya nga, bakit nya naman pinatay si Hanna? Sunod naman ay yung babaing nakaglass na nakita ko nung gabing nag-aaway si ate Odette at yung matanda, nung makita ko sya mukang masungit sya. Ang isa naman ay yung pormal na lalaki nung gabi ding yun, muka syang matatakutin nung makita ko sya pero pormal naman, di ko masasabing killer sya pero kahit inosenteng muka nagiging killer na kaya dapat ko syang imbestigahan. Ang isa naman ay yung nakayosi din nung dumaang gabi, pagnakita mo sya mukang sya na nga ang killer pero di ako nakakasigurado di porket mukang di maayos muka nya sya na ang killer. Ang isa naman ay ang maid ng rest house I never talked to her at di ko sya kilala, at sa naaalala ko malapit sya sa mga bata dahil sa mabuti nyang ugali kaya mukang imposible din sya? At ang panghuli ang gwardya nila, tahimik lang sya at palaging nagmamasid sa mga tao kaya kahina-hinala din syang tao. Nasa anim na'to ang posibleng pumatay sa kaibigan ko at sa matandang babae. Kailangan ko syang mahuli bago makapatay sya ng isa pang tao, November 3 na bukas at sigurado akong isa sa mga tao dito ang papatayin nya. Una dapat kong hanapin ang murder weapon, yung ginamit sa pagpatay sa matanda at kang Hanna. Naglakad-lakad ako sa paligid at nagbabakasakali na mahanap ‘yun, habang naglalakad ako may naalala ako bigla. Ang pagpatay kang Hanna at sa matanda ay magkapareha lang, sigurado akong isang knife lang gamit sa pagsaksak sa likoran ni Hanna, habang dun sa matanda naman ay sa may tyan ito sinaksak, mukang di nga ito kagagawan ng Masked Lady, isa itong murder case. Nabantayan kong nilapitan nung police silang anim kaya napatingin sila sa police. "Sa ngayon po nasa inyong anim ang suspect" sagot nung police. Nagulat naman sila at biglang nagalit yung lalaking nakayosi kagabi. "Anong ibig mong sabihin, di kami ang may kasalanan sa pagkamatay ng dalawa!" Sigaw nito. "Tama nga naman! Wag nga kayong mambintang!" Inis din na sagot nung nakaglass na girl. "O-opo officer imposible pong kami" sagot nung lalaking nakapormal. Bigla namang nagsalita si ate Odette. "Ang Masked Lady ang pumatay kina lola at sa bata" takot nitong sagot. Napatingin naman sila kang Odette at biglang natawa ang gwardya kaya nalipat ang attention sa kanya. "Odette naniniwala ka parin nun? Alam naman nating alamat lang yan, ang Masked Lady ay gawa gawa lang ni lola" nakangisi nitong sagot sa kanya. "Sigurado talaga akong totoo yun!" Sigaw ni ate Odette. "Odette naman, grow up di na tayo bata, mga kwento lang yun ni lola!" sigaw nung naka glass na babae. Nagulat naman ako ng may biglang magsalita sa likuran ko. "Hayaan mo na yan sila,” sagot nung maid, napatingin naman sya sa'kin at ngumiti “ako pala si ate Ayadashi, magkababata kaming anim, matagal na at palaging ikinikwento ni lola ang tungkol sa Masked Lady" nakangiti nyang sagot. Hinarap ko naman sya ng may malamig na ekspresyon. "Ba’t mukang di ka malungkot sa nangyayare?" Tanong ko na may halong pagtataka. Nagulat naman sya at agad napalitan ng maamong ngiti. "Kung pinaghihinalaan mo ako, di ako ang killer, kung ako man imposible kasi di ko kayang pumatay, at nalungkot ako ng sobra, sa aming anim ako ang nasaktan ng sobra dahil ako ang pinakamalapit kang lola" sagot nya. Tinitigan ko lang sya ng ilang minuto at kunwaring ngumiti. "Di po kita pinaghihinalaan ate, nagtataka lang ako, at di naman ako marunong sa ganyan e" sagot ko sa kanya. Ngumiti naman sya, nilapitan naman sya ng mga police at tinanong. "Pwede ba kitang matanong?" Tanong nung officer. Tumango naman sya at nagsimula ng magtanong yung officer. "San po ba kayo galing nung naganap ang krimen sa batang babae?" Pagsismula nito. "Natutulog na po ako nung gabing yun, at isa pa po tulog narin ang lahat" simple nya lang sagot. "E nung namatay yung lola mo?" Tanong ng officer. "Tulog narin ako nun, officer yun lang ba ang tanong mo? Kung ganon tapos na" sagot ni ate Ayadashi. Napatango naman yung officer at tiningnan ang mga nakalap nyang mga impormasyon. Nilapitan ko naman yung officer. "Pabasa po kuya" sagot ko. "Huh? Sorry bata bawal e" pagbabawal nung officer. "Sige na po may isusulat lng ako" pagpupumilit ko sa kanya. Mukang naawa namn yung officer kaya ibinigay nya sa'kin yung papel na may mga impormasyon galing sa anim, tinanggap ko naman ito at nagpasalamat at agad kong binasa ang nakasulat. Base sa mga alibi nila tulog na silang lahat nung namatay si Hanna at yung matanda pero may isang alibi na naka kuha ng attention ko, ang sabi dito may nakita daw sya sa kabilang rest house na isang babae. Napahawak ako sa ilalim ng baba ko at napaisip, kung isip bata ako iisipin kong ang Masked Lady yun, pero dahil alam kong di totoo ang Masked Lady posibleng ang killer yun, pero babae yung nakita nya babae na nakatayo malapit sa rest house. Sa aking pag-iisip may naalala ako kaya agad akong tumakbo patungong rest house at pumasok sa opisina nung matandang babae at agad hinanap ang isa sa importanteng bagay para makompleto ko na ang lahat, malapit ko ng malutas ang kasong 'to at isa nalang bagay ang kailangan kong Makita. Nagpatuloy lang ako sa paghahanap, binuksan ko ang isang drawer sa mesa nung matanda at napangiti ako sa nakita ko. Nahanap ko na rin, kilala ko na kung sino ang killer sa kasong 'to. ****** Gabi na at nag-uusap pa sila, nang biglang magsalita ang killer. "Julie may pupuntahan lang ako hah?" Paalam nya nito, tumango naman yung si Julie at agad syang umalis. Sinundan ko naman sya, mukang alam ko kung san sya tutungo at alam ko kung sinong susunurin nya sa pagpatay ngayong gabi, pero mabibigo sya. Tumungo sya sa isang bodega at pumasok roon, pumasok naman ako at agad syang napatigil sa paghahalungkat nya. "Tingin mong hahayaan kitang mapatay sya? Ate…   …Ayadashi" nakasmirk kong sagot sa kanya. ****** To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD