bc

I AM HIS MAID

book_age18+
18
FOLLOW
1K
READ
HE
heir/heiress
sweet
bxg
secrets
musclebear
tricky
assistant
like
intro-logo
Blurb

It all started in a Love and Hate relationship until one of them fell for the other.Dorelyn Mendoza is the loyal maid of the Fuestos family and the exclusive maid of Derick Fuestos. Dorelyn is a playful, bubbly, and fearless woman, sometimes even making fun of her boss Derick.Derick Fuestos is the mysterious and cold-blooded heir of the Fuestos empire, but he's also playful and naughty with his exclusive maid, Dorelyn Mendoza.A love that starts with fun and ends in love. How will their love story unfold?

chap-preview
Free preview
Prologue
Ako si Dorelyn Mendoza isa sa mga katulong ng mga Fuestos, I am 25 years old at naka-assign ako para alagaan ang apo ng pinagsisilbihan ko na si Doña Cielo. Ang inaalagaan ko ay si Maria Derieza Sanrieña E. Fuestos A.K.A Sanri, si Sanri ang 5 years old na apo ni Doña Cielo kay Madam. Lucille at simula nang ipinanganak si Sanri ako na ang nag-aalaga sa kanya dahil busy ang kanyang mga magulang sa pagpapatakbo ng kanilang negosyo. Naging maayos naman ang buhay ko bilang isang katulong ng mga Fuestos, maganda ang mga benepisyo at mataas ang sahod na nakukuha ko sa kanila at higit sa lahat mabait ang mga ito lalo na si Doña Cielo. Si Doña Cielo ay mayroong limang anak ang tatlo ay nasa ibang bansa habang ang dalawa ay kasama nya dito sa Pilipinas. Tatlo pa lamang sa mga anak nya ang nakikita at pinagsisilbihan ko at lahat si ay mababait down to earth kumbaga kaya mayroon na akong impression na lahat ng mga anak at apo nito ay mababait. " Dorelyn, Puntahan mo na ang alaga mo at ayusan mo na. Darating na si Madam Lucille para sunduin yon" Utos sa akin ng Mayordoma namin sa mansyon A.K.A Nanay ko. Ang nanay ko ay nagsisilbi na ng matagal sa mga Fuestos, Isa sya sa mga nag-alaga ng mga anak ni Doña Cielo dahil 13 years old pa lamang ito ay namamasukan na ito bilang katulong sa mansyon at ang Tatay ko naman ay dating driver ng yumaong asawa ni Doña Cielo. Patay na si Tatay, kasama sya sa namatay sa trahedya na nangyari dati noong 10 years old ako. Inambush si Tatay kasama ang asawa ni Doña Cielo pauwi sa mansyon. Pinagbabaril silang dalawa ng mga armadong lalaki na pinaghihinalaang kalaban nito sa Politika. " Sige po" Ayun na lamang ang nasabi ko bago ako umalis sa maid quarters at pumunta sa kwarto ni Sanri. " Nakakasakal" Bulong ko sa sarili ko habang hinihila ang kwelyo ng uniporme ko. " Tumataba na ako" dagdag ko pa habang naglalakad paakyat sa hagdanan. Nasa gitna pa lamang ako ng hagdanan ay naririnig ko na ang tili at kalabog sa loob ng kwarto ni Sanri. Mukhang sinusubukan na naman ng ibang katulong na ayusan ito. Napailing na lamang ako sa naririnig ko at mabilis na pumunta sa kwarto nito. " Anong nangyayari dito?" Tanong ko at tumingin sa mga katulong na nasa loob ng kwarto. Limang katulong ang nasa loob ng kwarto at lahat sila pinipilit si Sanri na suutin yung pinasusuot nila. " Bakit kayo nasa loob ng kwarto ni Ms. Sanri? Iba yung trabaho nyo ah!" Naiinis na tanong ko sa mga babaitang ito. Lima silang nagtutulungan para sa isang bata? " Dorelyn, gusto lang namin sya ayusan dahil darating na si Madam. Lucille" sagot sa akin ng isang katulong na syang nagpainit ng ulo ko. " Ako ang Nanny ni Ms. Sanri hindi nyo trabaho ayusan sya. Kinukuha nyo na naman ba ang trabaho ko? Ilang buwan palang kayo dito alamin nyo yung pwesto nyo" Sagot ko dito. " Doralyn huwag ka naman masyadong sensitive dyan gusto lang naming tumulong" Napairap ako sa dahilan nito. Alam naman ng lahat na gusto lang nang mga bago na ito na lumapit sa asawa ni Madam. Lucille na si Sir. Redrick para gawin silang kabit nito. " Umalis na kayong lima dito, hindi namin kailangan ng serbisyo nyo" Naiinis na sagot ko dito. Nagkatinginan na lamang ang limang mga bruha bago naglakad paalis. " Ang yabang-yabang mo" Rinig ko pang pahabol nang isa na syang sarkastikong ikinatawa ko na lang. Mga impakta talaga! Nang makaalis na yung lima. Dali-daling isinarado ko yung pintuan at tumingin kay Sanri nang nakangiti. " Ms. Sanri, ayusan na kita?" nakangiting tanong ko dito bago ako pumunta sa cabinet nito. " Ayoko...... Ayokong umalis" dinig kong saad nito. Napatigil ako sa paghahanap dahil sa sinabi nito. Hindi ko maiwasan tamaan ng lungkot dahil sa sinabi nito dahil ngayong araw na ito ay aalis na si Sanri sa mansyon at maninirahan na ito kasama ang mga magulang nito sa Cebu. Si Madam Lucille at si Sir. Redrick ay nagkaroon ng problema sa kanilang pagsasama noong mga nakaraang buwan. Ngunit unti-unti na rin naman nila naayos at nabuntis pa nga si Madam. Lucille sa pangalawa nilang anak at para tuluyan pa ngang maayos ang pagsasama nila napagpasyahan ni Doña Cielo na ipadala muna yung pamilya sa vacation house sa cebu para mas maayos talaga. " Hindi ka ba talaga sasama sa akin Dorelyn?" Naiiyak na tanong sa akin ni Sanri. Napatigil ako sa ginagawa ko dahil sa tanong nya sa akin. Masakit sa loob ko ang hindi pagsama kay Sanri. Halos ako na ang nagpalaki at tumayong magulang kay Sanri, ako ang nagbuhat sa kanya noong baby pa sya ang napuyat sa pag-aalaga sa kanya at lagi nyang kasama tuwing masaya at malungkot sya pero gaano ko man mawalay sa tabi nya hindi pwede kasi hindi ko naman sya kapamilya. Ganito talaga siguro ang nararamdaman ng mga tagapag-alaga ng mga anak ng amo nila. Naiintindihan ko na si Nanay kung bakit nya nasabi na wag masyadong mahulog ang loob sa inaalagaan mo. " Napag-usapan na natin dati diba Sanri? Hindi talaga ako makakasama dahil dito ako nagtatrabaho at kapag sumama ako sayo maiiwan ang nanay ko dito" Nanginginig na sagot ko dito dahil ayoko na namang umiyak sa harapan ng bata nakakahiya. Huminga ako ng malalim at pinakalma ko ang sarili ko humirap kay Sanri. Nakangiting humarap ako dito at naglakad sa kanya papalapit. " Halika paliguan muna kita" Nakangiting saad ko dito habang pinipilit na huwag pumayak ang nagbabadya na mga luha. " Naligo na ako Dorelyn" Inosenteng sagot na lamang nito na syang nagpatawa na lamang sa akin dahil pinaliguan ko nga pala ito kanina pagkatapos nito kumain ng umagahan. " Oo nga pala, Ayusan nalang kita" Mabilis na saad ko dito at mabilis ko itong binihisan. Minsan iniisip ko kung ganito ba yung pakiramdam ng isang ina dahil para sa akin naging tunay na anak ko na si Sanri kahit bata pa ako noong inalagaan ko sya. Ekspertong inayusan ko na lamang ito at ginawa ko talaga syang pinakamaganda parang isang manika dahil ito na ang huling araw na makikita ko sya at hindi ko alam kung kailan ko pa ulit sya makikita. " Ayan.......hmmmmm... Tapos na!" Nakangiting tugon ko dito habang pinipilit na huwag umiyak. " Baba na tayo?!" ****** Nakatayo ako ngayon sa labas ng mansyon, inaabangan kasi namin ang pagdating ni Madam Lucille at nang asawa nito. Hindi na sila hihinto sa mansyon para kumain dahil may hinahabol ang mga ito na flight. " Lola.... Ayokong umalis" Naiiyak na saad ni Sanri. Buhat-buhat ito ngayon ni Doña Cielo habang hinihintay dumating ang mga magulang nito. " Bibisita ka naman dito kapag pinanganak na yung kapatid mo pero ngayon kailangan nyo lang pumunta sa cebu para magsama-sama kayo as a family" nakangiting paliwanag ni Doña Cielo kay Sanri. " Hindi ko na makakasama si Dorelyn kapag nangyari yon! Bakit hindi sya pwede sumama sa amin?" Nakangusong tanong nito kay Doña Cielo. " Dahil kailangan nyo muna magsama as a whole family na walang mga katulong para mas maging close kayo" paliwanag ni Doña Cielo dito. Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na malayo ang loob ni Sanri sa mga magulang nito dahil lagi syang naiiwan at ako ang laging nakakasama. Kaya kung minsan ay ako pa ang mas hinahanap ng bata kesa sa mga magulang nito. Kailangan ko munang lumayo hanggang sa maging close na si Sanri kay Madam Lucille at Sir. Redrick. Napatingin kami lahat sa may gate nang makarinig kami ng busina ng sasakan hudyat na nandito na sila. " Andito na sila apo. Kumaway ka sa Mommy at Daddy mo" " Ayoko... Ayokong sumama" Ilang sandali lamang ay nakapasok na ang sasakyan at huminto na ito sa harapan ng entrace ng mansyon. " Darling, Come here!" Malambing na tawag ni Madam Lucille kay Sanri habang dahan-dahan na bumababa sa sasakyan at si Sir. Redrick naman ay inaalalayan si Madam Lucille mula sa likod. Itinago ni Sanri ang ulo nito mula kay Madam Lucille at isinuksok ito sa leeg ni Doña Cielo. " Sanri... Si Mommy ito come here to Mommy" Malambing na tawag ni Madam Lucille sa anak nito. " Sanri halika na dito kakargahin ka na ni Daddy" Tawag naman ni Sir. Redrick sa anak. Tumingin sa akin si Madam Lucille at ngumiti sa akin. Ngumiti na lamang ako pabalik dito bago lumapit kay Doña Cielo. " Miss. Sanri lapit ka sa Mommy mo para sa bakasyon payagan akong bumisita sainyo." bulong ko dito napatingin sa akin si Sanri habang nakanguso. " Bibisita ka ba talaga sa bakasyon?" Tanong nito sa akin. " Oo naman" Pagsisinungaling ko dito. Mabilis na nagpababa si Sanri kay Doña Cielo at dahan-dahang naglakad papunta kay Madam Lucille. " Thank you Dorelyn, Thank you very much!" Mahinang saad nito ngunit narinig ko pa rin mula sa kinatatayuan ko. Nagstay lang sila ng ilang minuto bago sila tuluyang umalis. Bago pa nga sila umalis at niyakap pa ako ng dalawang mag-asawa at may binigay pang sobre na may lamang pera at thank you letter. Sa pag-alis nila pakiramdam ko may kulang na sa pagkatao ko. Nang hindi na namin sila matanaw ay isa-isa nang pumasok sa loob ng mansyon ang mga katulong at nang ako na ang papasok ay tinawag ako ni Doña Cielo at pinaiwan sa labas kasama nya. " Dorelyn balita ko magreresign ka na bilang katulong?" Bungad na tanong sa akin ni Doña Cielo. Mukhang sinabi na agad ni Nanay ang plano ko. " Opo Doña Cielo balak ko po sanang mag-aral ulit at sobra-sobra na po ang naiipon ko mula sa pagtatrabaho sainyo" Magalang na sagot ko dito na syang ikinatango nito. " Ano naman ang kukunin mong course kung ganon?" Tanong nito sa akin. " Balak ko pong kumuha ng I.T" " Saan ka ba mag-aaral?" " Sa Maynila po" " Maynila? May apo ako na nagtatrabaho sa Maynila pero walang nag-aasikaso doon dahil hindi matolerate ang ugali non ng mga katulong na pinapadala ko" Malungkot na saad ni Doña Cielo. " Magtatrabaho ka ba habang nag-aaral Dorelyn?" Tanong sa akin ni Doña Cielo na syang ikinatango ko. " Opo, magtatrabaho po ako" " Anong trabaho?" " Fastfood chain po or Student assistant" Nag-aalinlangang sagot ko dito. " Gusto mo bang magkaroon ng trabaho na katulad lang sa sinasahod mo dito?" Energetic na tanong nito. Naguguluhang ngumiti ako dito at tumango. " Opo, Gusto ko po" Biglang ngumiti ng malawak si Doña Cielo sa akin sabay hawak ng dalawa kong balikat. " May trabahong ibibigay ako saiyo"

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
4.3K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
32.1K
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
106.8K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
114.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook