bc

HE IS THE LOST BILLIONAIRE

book_age16+
2
FOLLOW
1K
READ
billionaire
HE
second chance
drama
bxg
brilliant
office/work place
like
intro-logo
Blurb

Yssha Carista "Ysa" Centino is a probinsyana girl who studied medicine with her lola and lolo. Her life is simple, focusing on her school and her sidelines. Not until her lolo brought an adonis and perfect man unconscious to their house, he found it near the riverbank.She took good care of him until he finally woke up. He awoke without any ideas about his personality; he has amnesia. While recovering, he experiences and interacts with poverty. And unexpectedly, strange feelings occurred between the two, and they fell in love.What if his memories come back and during that life he already has a wife? What would happen to their love? Is he going to leave her billionaire wife just to be with a probinsyana girl? Is he willing to give up his billionaire life to be a farmer? Or he will go back to who he really was and leave Ysa hanging.

chap-preview
Free preview
⋆.ೃ࿔*:・CHAPTER 01⋆.ೃ࿔
⋆.ೃ࿔*:・CHAPTER 01⋆.ೃ࿔* Hacienda De Centino "Ysa, uuwi ka na ba agad?" Napalingon ako kay Ilona habang inaayos ang sintas ng sapatos ko. Kakatapos lang kasi namin nag-actual kung paano mag-surgery about the backbone injury, mabuti naman nakayanan ng brain cells ko at nakuha ko agad ang leksyon kanina. "As usual, magtitinda pa kasi ako mamaya," sagot ko rito. Para makatulong may mga sidelines din ako, ang hirap mag-college kung wala kang pondo na pera. Halos araw-araw may babayarin, mabuti na lang scholar ako pero hindi fully covered ang tuition ko kaya kayod talaga. "Naku talaga ikaw ang sipag mo pero sana huwag mong kalimutan mag-enjoy," napangisi ako sa sinabi niya. Why lahat ba ng enjoy dapat gumagala? Nag-e-enjoy naman ako sa pagtitinda kasama ang mga positibo at masayahing tao. Buti naman at walang pasok bukas kaya may oras akong tutulong kina lola't lolo sa hacienda. "Nag-enjoy naman ako ahh, sige na mauna na ako sa inyo, ingat kayo," paalam ko sa kanila at naglakad na palabas ng university. Pupunta na naman kasi sila sa bar, na lugar na inaayawan ko talaga. "Hello Doc," napaismid ako nang makasalubong ko si Doc Thorny, kaklase ko. "Saka muna ako tawagin ng doc kapag graduate na," sagot ko naman sa kaniya na agad niyang ikinahalakhak. Ayaw ko kasing tawagin ako ng doc kung 'di pa graduate unless lang kapag during session at may mga instructor, formal dapat. "Ang cute mo talaga Ysa," "Nang-aasar ka na naman diyan, sige na alis na ako babushh!" Doc Thorny is one of the good neurosurgeon student here kaya maraming nakakilala sa kaniya. We're just friends, dahil since freshmen pa kami nag-uusap na kami casual lang, kaya goods na. "Hello pretty," "Good Afternoon Doc. Centino," "Hello Ate Ysa," "Hi po," Nginingitian ko lang ang bawat bumabati sa akin. Halos yuyuko na lang ako sa hiya dahil sa maraming mata ang nakatingin sa akin. Mas nakilala kasi nila ako dahil kay Doc Thorny na kilalang-kilala dito sa university. Kaya nga ako ay umiiwas minsan sa kaniya dahil minsan na rin nalagay sa panganib ang buhay ko dahil sa inggit ng mga babaeng nagkakandarapa sa kaniya, pewww! Paglabas ko sa gate ay eksakto rin na dumaan ang tricyle ni Tatay Felix, ang kapitbahay namin. Siya palagi ang sinasakyan ko tuwing uwian na. Mas maganda na rin ng ganito, kaysa magdyi-dyip pa ako tapos sasakay pa ng rela, ito na lang one ride lang. "Magaling ka talaga magtantiya Ysa hahaha," biro niya, ayttt nagkataon lang talaga. Pinagkakatiwalaan na namin din si Tatay Felix, para ko na ring tatay ito dahil tatay ito ng bestfriend ko. Mamaya makilala niyo rin siya. "Hindi naman po, nagkataon lang hihihi," sagot ko sa kaniya habang sumasampa na sa tricyle niya. Mahigit isang oras din ang biyahe bago makarating sa amin. Medyo madistansya talaga. "Wala ka na bang bibilhin diyan?" "Wala naman po," "Ahh eh 'di diretso uwi na tayo nito," "Opo," Hindi pa nagpatumpik-tumpik si Tay Felix at agad niyang pinaandar ang rela niya. Umurong ako papuntang gitna at sumandal, pipikit muna ako para may energy ako pagkadating sa amin para magbenta na naman. "Matulog na lang po ako tay ahh, gisingin niyo na lang po ako," paalam ko sa kaniya, at inayos muna ang bitbit kong tote bag at isang backpack baka mahulog pa. "Sige lang neng, magpahinga ka lang diyan," pinikit ko na agad ang mga mata ko. Grabe kasi kanina, kung puwede 'di na lang kukurap para walang makaligtaan na mga impormasyon. Dapat talaga may mga take notes ka para ma-recall mo ang topic kapag nakalimutan mo. Anyway, I am Yssha Carista Centino, everyone called me Ysa. I'm a neurosurgeon, I am 23 years old and still NBSB member shhhh. This is my last year in school, kaya konting kembot na lang, gra-graduate na ang beshy niyo ackkkkkkkk! Hinilot-hilot ko ang sentido ko to relief some aches, naramdaman ko ang pagbigat ng talukap ng mga mata ko na agad kong hinayaan. Naalimpungatan na lamang ako dahil sa pagtalon-talon ng sinasakyan ko, senyales na sa lubak na lubak na kami dumaan at ibig sabihin malapit na kami sa bahay. Dahan-dahan kong binuksan ang mga mata ko at bumungad sa akin ang nagbeberdehang taniman ng mais. "Nagising ka tuloy, paano ganito na ang daanan natin, ilang dekada na hindi pa rin napapaayos," salita ni Tay Felix, 'di ko nga alam kung bakit hanggang ngayon 'di pa rin napagtuonan ng pansin ito. "Siguro magiging maayos lang ito kapag magiging presidente ka na ng Pilipinas," napangisi na lang ako sa biro niya. Siguro kung magiging presidente man ako, siyempre uunahin ko ang bayan ko kaso wala akong interest sa politiko at as if namang tatakbo talaga ako HAHAHAHA. "HAHAHAHA ewan ko na lang talaga sa'yo tay." Natatawang sagot ko sa kaniya at tumingin sa mga dinadaanan namin. Napakaganda ng ambiance dito dahil malayo sa pollution at ang ganda ng mga tanawin.  🌾WELCOME TO HACIENDA DE CENTINO 🌾 Nabasa kong signage pakanan, pagkanan namin okay na ang daan papunta sa amin, hindi naman siya semento pero flat surface naman ang lupa kaya maganda. Nginingitian ko lang ang bawat bumabati sa akin. Ang unang bubungad pagkapasok mo ay ang mga tirahan ng mga taong na nagtatrabaho sa hacienda, pinakahuli ang bahay namin bago ang papunta sa hacienda, ang literal na heaven, mabubusog ang mga mata mo sa magagandang tanawin. "Uyy nandito na ang best friend kong maganda." Malayo-layo pa lang ay narinig ko na ang sigaw ni Felissa, ang bestfriend ko na parang kababata na talaga, na anak ni Tay Felix. Pagkahinto ni Tay Felix sa mismong harapan ng bahay namin, kung nasaan si Felissa na nag-iihaw na, yes Ala Cart Business namin tuwing hapon, mabuti na lang at nakahanda na siya. Nagbayad muna ako kay Tay Felix at saka bumaba na sa rela. "Woahhhh maganda pa rin and fresh, parang sa kotse sumakay," salubong niya sa akin na agad ko siyang inirapan. Kahit kailan talaga ehh 'no. "Para kang ano riyan, ilagay ko muna gamit ko roon, babalik lang ako," paalam ko sa kaniya na agad niyang ikinatatango habang busy na busy sa pagpapaypay ng kaniyang iniihaw. Madami na rin ang nag-aabang kaya binilisan ko ang kilos ko. Ang lugar namin ay parang isang nayon na, malaki at maluwag din ang lugar namin, sagana sa magagandang tanawin at mababait na mga kapitbahay. Binuksan ko ang gate namin na gawa lang sa kahoy at kawayan, pagbukas ko ay agad akong sinalubong ni Chimmy kaya agad ko itong kinarga. "Miss you baby," sabi ko rito sabay pat ng kaniyang ulo kaya dinilaan niya ako sa pisngi that made me giggled. "Arf Arf Arf," parang sinabi niya na I miss you too Mommy. Nilapag ko muna siya sa sahig at binuksan ang pintuan, bumungad sa akin ang tahimik na silid, alas singko na ahh, hindi pa ba sila lola nakauwi? "La, Lo?" Tawag ko sa kanila, habang nilalagay sa sofa ang gamit ko. Pumunta ako sa kusina, walang tao pero maraming prutas na halatang bagong kuha pa lang. Kumuha ako ng isang saging at kinakain ito habang hinanap sila. Pagsilip ko sa bintana sa labas ay napangiti ako, nandoon lang pala sila sa nipa hut nagtsatsaa habang tumitingin sa mga pato na lumalangoy sa maliit naming lake. Kahit medyo may edad na sila, nararamdaman ko pa rin sa kanila ang kilig na hindi ko maasam ayyt bitter HAHAHAHA. Hindi ko na lang sinira ang moment nila, parang may pinag-uusapan kasi silang dalawa. Lumabas na agad ako ng bahay para tulungan si Felissa sa pagtinda. "Woww dami na ng nabenta ahh," puri ko sa kaniya. "Siyempre ako pa," pagmamayabang niya naman. "Sige na ako na naman diyan, cashier ka muna," sabay kuha ko ng pamaypay. Tinali ko muna ang buhok ko into ponytail saka nagpatuloy. Medyo may kalakihan din itong tent, may kanin din kasi kaya kapag gusto mo kumain, may lamesa kami sa kabilang tent. Masaya ako dahil ang mga kapitabahay naming sitio ay pumupunta rin dito para makikain at suportahan ang negosyo namin. Matagal na rin kami gumaganito, every hapon lang kami nagbebenta. Hindi na kasi si Felissa nag-aaral, ewan ko riyan natamad na, kaya nag business na lang kami. "Nasa bahay niyo ba hija si Don Caristo?" napatingala ako nang may nagtanong, si Tito Gerald lang pala, ang adopted ni lolo noon, na ngayon ay taga-Maynila na dahil umasenso ang business din nito. "Kayo po pala tita, tito. Yes po, nandoon po si lolo," sagot ko agad sa kaniya at binitawan muna ang pamaypay para magmano, pagkatapos ay binabaliktad ang hita ng manok. Mmm, ewan ko ba favorite ko talaga ang amoy ng inihaw, kaadik! "Ang bait mo talaga Ysa, sana ganiyan din ang mga anak ko," naiilang na lang ako sa tuwing kinkumpara ako ni Tita Mecerie sa kaniyang mga anak. Kesyo ako kahit na may maibubuga nagagawa ko pa ring magganito, kumpara sa mga anak niya sosyal na sosyal talaga. Dalawa lang ang anak nila si Zhyssa at Carreon, magkasingkaedad lang kami ni Zhy habang matanda naman ng dalawang taon sa amin si Carreon. "Kaya nga proud best friend ako here," singit naman ni Felissa na agad ko siyang tiningnan ng masama. "Bakit totoo naman ahh," dagdag niya pang sabi. "Siguro po dahil sa mga ganoong bagay sila nasasanay," sagot ko na lamang sa kaniya. "Maybe, we gotta go," paalam niya na ikinatango ko lang. Pasado alas siyete na ng gabi kami natapos, marami pa sana ang bibili kaso naubusan na kami ng stocks. Malaki-laki rin ang na-income namin ngayon. Dumiretso na agad ako sa bahay, wala na doon sina tita at tito, ano kaya ang pinag-usapan nila? "Apo, 'di mo man lang kami tinawag nang dumating ka kanina," narinig ko agad ang boses ni lola na nasa sofa nanonood ng TV. "Ayaw ko kasing makadistorbo sa moment niyo kanina ni lolo ayieeee," asar ko sa kaniya na ikinakunot ng noo niya. "Ikaw talagang bata ka," natatawa na lang ako sa reaction ni lola habang nagmamano. "Si lolo po ba la?" Napansin ko kasing wala siya rito. "Natulog ng maaga, inaantok na raw eh, ganiyan talaga kapag matanda na," si lola talaga. Kaka-60 lang nila kaya medyo malakas pa ang buto. "Ayttt kumain na po ba kayo?" Tanong ko, may dala kasi akong inihaw, mapaparami na naman ako nito ng kanin. "Oo tapos na kami, kumain ka na roon. Huwag magpapasobra niyan Ysa, mag-aalburoto na naman tiyan mo niyan," sagot niya habang nakatuon na sa TV, tumayo na lang ako agad at dumiretso sa kusina. Binuksan ko ang ref para kumuha ng juice, kumuha na rin ako ng kanin at sawsawan, mapapalaban na naman si tummy ngayon. What I really love in barbeque is the isaw, sarap kaya and I'm 100% na malinis ito. Kaya nga nickname ko Ysa, kulang na lang ng w para maging Ysaw na ayttt. Naghugas muna ako ng kamay dahil magkakamay lang ako, mas comfortable ako kapag ganito. Nagdasal muna ako bago sumabak sa pagkain. Mmmmm heavennn sa sarap ng timpla lalo na at maanghang ackkk.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
31.4K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
3.8K
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
106.4K
bc

THE YOUNGEST GENERAL: DEANZ XANDER MONTEMAYOR (TAGALOG)

read
114.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook