Chapter 1
Denise Robles's POV;
"Ang tagal naman ni manong."naiinis na sambit ko habang nakatingin sa pambising kong relo.
"Nasiraan ba si manong?"parang tanong ko habang naglalakad paupo sa bench sa labas ng school para mag antay.
"Yung bata bawal dito private pro--."
Napakunot ang noo ko ng mapatigil si manong mula kasi dito sa kinatatayuan ko nakatalikod si manong habang nakatingin sa harap niya.
"Manong."ani ko bago tumayo at lumapit kay manong gwardya ng tapikin ko ito halos mapatalon ito na agad kong kinahingi ng paumanhin.
"Manong anong problema?"tanong ko kay manong bago yumuko at tingnan ang bata.
Napakadumi nito at halos hindi na makilala dahil sa sobrang dumi at tanging..asul lang na mata nito ang nakikita ko ng maayos.
"Bata ayos ka lang?"tanong ko bago yumuko para magkapantay kami ng bata na sa tingin ko nasa limang taong gulang.
"I want you to be my..personal owner."seryosong sambit ng bata na kinatawa ko ng mahina.
"Pera ba yan?o company?"pagbibiro ko ng makita ko ang walang emosyon nitong mga mata tumikhim na lang ako at tumayo ng ayos.
"Gutom lang yan bata mukhang hindi ka pa kumakain tara lilibre kita."ani ko bago hawakan ang madumi niyang kamay na wala naman akong pakialam.
--
"Ang baho naman."reklamo ng nga bumibili dito sa tindahan tinatambayan namin ng bata.
"Ineng mawalang galang na pero ang baho ng kasama mo dun na lang kayo kumain nag sisialisan ang mga costumer ko dahil sainyo."ani ng tindera na kinairap ko sa kawalan.
Nang tingnan ko naman yung bata wala naman itong pake kain lang ito ng kain habang umiinom ng coke at tatlong balot na tinapay na binili ko.
"Bata dun tayo sa bench kumain baka kasi dumating na din ang driver ko."pagyaya ko sa bata bago tumayo at yayain siya palapit sa bench na hindi kalayuan sa tindahan.
"Wala kana bang magulang?"tanong ko sa bata pero hindi ito sumagot at patuloy lang sa pagkain.
"Anong pangalan mo?"tanong ko pero hindi nanaman ito sumagot.
"Gutom na gutom ka gusto mo pa?"tanong ko bago iabot ang binili ko kanina para sana sakin.
Tiningnan niya lang yun sandali bago kuhanin at kainin.
"Kung pwede lang kita ampunin ginawa ko na kaso hindi mo pa sinasagot tanong ko eh mamaya may magulang ka makasuhan ako ng kidnapping..kaya pag umaga,tanghali at bago mag awasan dito ka lang..bibigyan kita ng pagkain palagi."ani ko na kinatingin niya.
"Ang dumi ng mukha mo."komento ko ng halos buong katawan niya puro putik saang hukay ba nanggaling ang batang ito..siyempre joke lang.
*peeep*peeep*
Napatingin ako sa harapan namin ng may humintong kotse at nilabas nun si manong Lando.
"Ma'am pasensya na pinaayos ko pa po kasi ang kotse kanina nasiraan ho ako."ani ni manong bago.umikot at buksan ang backseat.
"Sa susunod manong magtext po kayo."ani ko bago tumayo at lingunin ang bata para sana magpaalam pero ng lingunin ko ito.
"Nasan na yung bata?"tanong ko habang tumitingin tingin sa paligid.
"Ma'am umuwi na po tayo."yaya ni manong na kinatango ko na lang bago lumapit sa sasakyan habang tumitingin tingin sa paligid.