Eighteen : New classmate
MARA JESSICA
"Good morning, Class! May bago kayong kaklase. She's from Genny Ross Academy. Be nice to her!" Anunsyo ni Ma'am pagka pasok niya.
Oh. Sino kaya ang NEW classmate namin? Teka, Girl? Sayang! Akala ko boy eh.
Nag sign naman si Ma'am na pumasok ang girl.
Ng pumasok siya ay nagbulung bulungan naman ang mga chakang classmates ko.
"Ang ganda niya."
"Ang ganda nga niya pero mas maganda ako."
"Mas maganda sina Jessica."
"Oo nga!"
"Class be quiet!" Mahinahong sabi ni Ma'am.
Ngumiti naman ang bagong kaklase namin.
"Hi, I'm Melanny Liel Morgan. I'm from Genny Ross Academy. I'm 16 and I'm half Canadian." Pakilala niya.
When she said she's half 'Canadian' Our classmates went ooh-ing and aah-ing.
I rolled my eyes. Show off.
"Quiet class. Ms. Morgan, please sat beside Mr. Jamolo." Ma'am said.
Umupo naman si Melanny sa tabi ni Mr. Jamolo.
"Okay, so let's start our class." Sabi ni Ma'am at tumalikod.
****
"Hey, Mark! Pwede ba akong sumama sa inyo?" Sabi ni Melanny pagkatapos ng last period namin sa morning.
Tumango naman si Mark.
"Great! So tara na." Sabi nito at umangkla sa braso ni Mark.
Nauna na silang lumabas pagkatapos ay kami.
"She's clingy." Sambit ko.
Napatango naman sila habang tinitingnan si Melanny at Mark sa harapan namin.
"Palagi naman siyang ganyan eh." Sabi ni Ashton saakin.
Napatingin naman ako sakanya at tumango.
"Mar, anong gusto mo for lunch?" Tanong ni Mark sakin.
"Kung anong sayo." Nakangiting sagot ko.
Nakangiting tumango naman siya.
Kaming mga girls ay umupo na habang ang mga boys, sila ang kukuha ng order namin.
"Hi! Ako pala si Melanny. And you guys?" Nagsimula na ang pagiging friendly niya. Ewan ko ba, bakit naiirita ako sakanya.
"I'm Cassandra, she's Kielyn, Rena and she's Jana." Pagpapakilala ni Cass.
"The bitch."
Napatingin naman ako kay Melanny ng may binulong siya. Katabi niya ko kaya I heard what she said.
Napairap naman ako. Umpisa pa nga lang, naaamoy ko na ang baho niya.
Hindi ata narinig ng mga girls kasi di nila tiningnan ng matalim si Melanny eh.
Mabuti lang di narinig ng mga girls. Tsk!
Ilang saglit ay bumalik na ang mga boys.
Napagitnaan namin ni Melanny si Mark.
Pinilit ni Melanny eh. Tsk!
"Here, Mark. Gusto mo?" At akmang susubuan si Mark.
Umiling lang si Mark kay Melanny.
"It's okay, Mel. Hindi na ko baby." Mukhang naiirita din ang kakambal ko ah.
HAH! Buti nga sakanya! In your face, biatch!!
Napatingin naman ako sa mga girls, nakangisi! Hmm?
Nagpout naman si Melanny. Kala niya cute siya? Mukha nga siyang unggoy eh!
"Hey, Jan." Tawag ni Mark kay Jana.
Napatingin naman si Jana sakanya.
"asdfghjkl." Loko to si kambal ah? Kunwari may sinasabi siya kay Jana pero wala namang sound na lumalabas sa bibig niya. Naka earphones si Jana kaya di niya masyadong naririnig ang mga sinasabi namin.
Kinuha naman ni Jana ang kanyang earphones.
"Ha?" -Jana.
Bigla naman siyang sinubuan ni Mark ng pagkain sa bibig niya.
"adhadlfksdjk." Di naming naintindihan ang sinasabi ni Jana kasi puno ng pagkain ang bibig niya. Wala siyang choice kundi kinain nalang yun at tiningnan ng masama si Mark na tumatawa.
Tumawa naman kaming lahat except for..
Melanny, na ngayo'y tinitingnan si Jana ng masama.
Aba! Dukutin ko mata nito eh!
Pagkatapos naming kumain ay bumalik na kami sa classroom namin.
Nagkwekwentuhan kami ng biglang sumigaw ang isang kaklase namin.
"Wala si Sir! Absent."
Sumigaw naman ang mga kaklase namin sa tuwa.
So may 1 hour vacant kami ngayon. NICE!
Nagpaalam samin si Jana na mag ccr lang siya.
Habang nagkwekwentuhan kami ay napansin kong tumayo din si Melanny at lumabas.
Tumayo naman ako at napatingin naman sila saakin.
"Pa san ka?" Tanong ni Christian.
Napatingin naman ako sa girls at tumango. Alam na.
"Garden." Sabay naming sabi ng mga girls.
Tumango naman ang mga boys.
Dali dali naman kaming lumabas.
"May nararamdaman akong di maganda." Sabi ni Kielyn habang naglalakad-takbo kami papuntang cr.
Malapit na kami sa cr kaso napatigil kami sa sinabi ng isang babae.
Nangdilim ang mga paningin ko. Sino ba siya para makapagsalita ng ganyan, HA?