Nineteen : Jana vs. Her
JANA CARYL
"Guys, CR lang ako." Paalam ko at tumango naman sila.
Pagkatapos kong mag cr, lalabas na sana ako kaso may bumangga sakin at hinila ako pabalik sa loob.
"Akala mo maganda ka?" Nagulat naman ako sa sinabi niya.
"Pwes akala mo lang yun." Sabi niya habang tinitingnan ako ng masama.
"Porket sinubuan kalang ni Mark kanina, may feelings na siya para sayo?" Sabi pa niya at tinulak ako ng marahan.
Ano ba ang pinagsasabi niya?
"Open your eyes, Jan. He won't love or even like you. Cause he only likes me, and only me. Gumising ka, Jana. Wag kang mag assume. Kasi ako at ako lang ang gusto niya."
Umikot siya at tiningnan ako.
Magtimpi ka Jana, mag timpi ka.
"Stop loving him, dear. Kasi hindi niya matutugunan ang letseng pagmamahal mo sakanya. Bakit? Kasi Mas maganda ako, mas MATALINO, at mas talented kesa sa'yo. Kahit papipiilin natin siya kung sino ang gusto niya satin, ako ang pipiliin niya. Kase ako ang gusto niya hindi ikaw. Akin lang siya. Kaya Back off, bitch." Nakangising sabi niya sakin.
Tangna di ko na talaga kaya. Susugurin ko na sana siya kaso biglang bumukas ang pintuan ng cr at may pumasok na mga babae.
"b***h! Don't you ever say something like that to Jana!" Galit na sigaw ni Cassandra at hinila ang buhok ni Melanny.
"Aw! My hair!" Sigaw nito.
"Masakit?! Eh eto?" -Cassandra at sinampal si Melanny.
"Aray! Its hurt!" Mangiyak ngiyak niyang sabi.
Inawat naman ni Mara si Cass.
Umupo naman si Melanny sa sahig hawak ang kanyang pisngi na namumula.
Umiyak naman siya. Gago to ah?! Mang aaway tapos iiyak din pala?
"Isusumbong ko kayo k-kay Mark. You'll b-be dead if h-he'll know a-about this." Umiiyak na sabi niya.
"Oh, talaga? Natatakot ako! Baka ikaw ang patay, not us." Sarcastic na sabi ni Mara at may pinindot sa kanyang cellphone.
"Stop loving him, dear. Kasi hindi niya matutugunan ang letseng pagmamahal mo sakanya. Bakit? Kasi Mas maganda ako, mas MATALINO, at mas talented kesa sa'yo. Kahit papipiilin natin siya kung sino ang gusto niya satin, ako ang pipiliin niya. Kase ako ang gusto niya hindi ikaw. Akin lang siya. Kaya Back off, bitch."
Lumaki ang mga mata ni Melanny at tiningnan kami ng masama.
"Delete that or else.." Pagbabanta niya.
"Or else what? Kill us? Isusumbong mo kami kay Mark? OMG Natatakot ako." Rena sarcastically said. Muntik na kong matawa. 1st time kong nakita si Rena na mag ganyan. Kadalasan kasi Serious or cold mode yan eh.
Lalabas na sana kami kaso lumapit ako kay Melanny.
"Kung iniisip mo na hindi ako marunong lumaban. Well, nagkakamali ka. Ako, nag aasume? Puh-lease. Baka ikaw yun, not me. Mabuti kalang at pumunta ang mga girls dito. Tsk, tsk. Ikaw, Maganda? Tumingin ka nga sa salamin. Mas maganda ako sayo. Kahit umiyak o mapa epic face man." Nakangisi kong sabi.
Tumalikod na ko at nakita ang mga girls nasa labas at hinihintay ako. Nakangiti sila sakin. Nagulat pa nga ko dahil na kita ko si Rena na nag half smile.
Bago pa ko makalabas ng cr ay tiningnan ko ulit siya na masama ang tingin niya sakin.
"Oo nga pala, you said na mas MATALINO ka kesa sakin. Bakit yung 'It hurts' mo eh 'Its hurt'? Tsk tsk. Next time, wag kang mag sabi na hindi naman pala totoo. Pupunta ka sa hell niyan. At tsaka ako, minamahal si Mark? Tsk." Sabi ko at lumabas na.
"Loser loser, bleh bleh!" -girls
At umalis na kami.
"Whoa! Grabe yung sinabi mo kay Melanny kanina Jan, ah? IDOL!" Nakangiting sabi ni Mara.
"Wala naman pala yung Melanny na yun, eh!" -Cass.
"Yep." Sang ayon ni Kielyn.
"Nakakainis talaga yang si Melanny na yan, ah! I super hate her!" Inis na sabi ni Kielyn.
"She said that 'stop loving Mark' chuchu." Hinarap naman ako ni Mara kaya napatigil ako sa paglalakad. "Tell me nga, Jana. Do you love my twin brother?" She asked.
"A-ano? Hindi ah!" Mabilis na sagot ko. s**t! Bakit ako nag stutter?!
Pinanliitan niya ko ng mata bago niya ko nginitian.
"Well, then." At tumalikod na siya.
Napabuntong hininga naman ako. Whew!