Chapter 21

922 Words
Twenty-one : Hello, fellas UNKNOWN "Boss, nandoon daw ngayon ang 5Queens sa Secret Ground." Sabin ng tauhan ko sakin. Napangisi naman ako at inikot ang swivel chair ko upang maka harap siya. "Talaga? Ihanda mo ang sasakyan at maya maya ay pupunta tayo doon." Utos ko sakanya. Tumango naman ito at agad agad na lumabas sa office ko. Napatingin naman ako sa isang picture frame na naka display sa aking desk. Kinuha ko ito at tiningnan. You're pretty, but I need to kill you. Hinawakan ko ng mahigpit ang frame. He killed my daughter, kaya papatayin din kita.       ANTHONY Tulala ako habang tinitingnan ang limang babae sa aming harapan. Ang 5Queens. Di ako makapaniwala, I can't believe this! Finally at nakita ko na din ang 5Queens. "Ang ganda nila." Christian blurted out. Napatango naman ako sa sinabi niya. Kahit naka mask sila, alam na alam kong magaganda sila. "Pumunta lang sila dito dahil gusto silang makita ni Don Erickson at upang tugunan ang iyong matagal nang nire request." Sabi ng lalaki na bagong pasok sa Secret Ground, si Boss JK. Napansin kong namamawis siya at mukha siyang natatakot. Napatingin naman ako sa harapan at muntik na ko matawa. Kaya pala mukhang takot si Boss JK kasi tinitingnan siya ng masama ng 5Queens. "5Queens, tawag na kayo n-ni Don Erickson." Sabi ni Boss JK. "See you around." Sabi ng nakapink na mask, I think she's Mae. Ang playgirl nang 5Queens. Nauna nang lumakad ang naka violet na mask. She's Maj, ang leader ng 5Queens. Sumunod naman ang naka red mask, si Ryl, I think? Yung naka Green mask, si Rose. Teka, sino nga pala yung naka Blue mask? "Si Cole diba yung naka blue mask?" Narinig kong tanong ni Ashton kay Xander. "Yep." Rinig kong sagot nito sakanya. Ahh.. Si Cole pala. Nang lumabas na ang 5Queens, ay huminga kaming lahat ng malalim. Whoa! "Tangna, ang gaganda nila!" Sabi ni Ashton. "Oo nga! At ang ganda din ng katawan nila." Nakangising pag sang ayon ko. Napatingin naman silang apat sakin at binatukan ako. "Aray! Don't you know it hurts like hell?" Madramang sabi ko sakanila habang hinihimas ang ulo ko. "Kamanyakan mo, Anthony Cruz." Nakapoker face na sabi ni Mark sakin. "Dapat full name?" Tanong ko. Umirap naman siya. Hala! Nasapian ba to ng bakla? Na echorsis?! "Shut up, Cruz. Hali na nga kayo! Tara inom!" Sabi ni Mark at agad pumunta sa may mini bar.       5QUEEN'S LEADER, MAJ "Ano ba ang kelangan ni Don Erickson satin?" Tanong ni Mae habang naglalakad kami patungo sa office ni Don Erickson dito sa Secret Ground. "Aba malay ko?" Mataray na sagot ni Ryl sakanya. Umirap lang si Mae. Wondering who's Don Erickson? Siya lang naman ang legendary gangster na ngayo'y namamahala sa Asia's Official Gangsters Society, or AOGS. Take note, mga high class gangsters lang ang inaaccept sa AOGS. Yung mga street gangs na palagi niyong makikita o naririnig lang ay mga low class yan. Ang mga High class gangsters ay naglalaban lamang sa mga private na mga lugar. Kagaya ng Secret Ground, na madalas na pinupuntahan ng mga gangsters. Sa AOGS ay may rankings. Mula sa pinakamalakas hanggang sa pinakamahina. At ang 5Queens ang nangunguna sa rank. Sinusundan ng Bad Royalty gang at ang pangatlo ay ang Reptile Skull gang. Pero kung sa Philippines lang, ang Bad Royalty gang ang rank one pangalawa ang Reptile Skull. Huminto naman kami sa isang mataas at malaking pinto. Di ko namalayan nandito na pala kami. "Buti pa yung pinto, mataas. Eh ikaw, Cole. Kamusta?" Pang aasar ni Mae. Sa aming gang, si Cole ang pinakamaliit. Inirapan lang siya ni Cole at nag dirty finger. Tumawa lang si Mae sakanya. "Quit it, guys." Saway ko bago ako kumatok sa pinto. "Come in." Sabi ng boses sa likod ng pinto. Binuksan ko naman ang pinto. Nakita naming si Don Erickson na nakatayo habang nakatingin sa labas ng bintana. "Ba't mo kami pinapunta dito?" Tanong ko sakanya at umupo sa upuan. Lumingon siya sakin at ngumiti. "Wala lang, namiss ko lang kayo." Sagot niya at umupo na siya sa Upuan na sa harap namin. Tinaasan ko siya ng kilay. Alam kong hindi iyon ang dahilan. Tinaas niya ang kanyang kamay bilang pagsuko. "Fine, fine! Pinapunta ko kayo dito dahil may mahalaga akong sasabihin sainyo." Sabi niya. "Spill." I shortly said. Don Erickson cleared his throat. Bigla namang sumeryoso ang kanyang mukha, "Be careful girls at wag kayong pupunta dito ng madalas. Ewan ko ba ba't pinauwi ko kayo dito. Akala ko kasi tumahimik na ang gang na yun at hindi na kayo guguluhin. But I was wrong." Mahabang sabi niya samin. Napa upo naman ako ng diretso nang marinig ko ang sinabi niya. Tiningnan niya kami ng may pag alala, "Kaya mag ingat kayo girls, lalo na't nasa iisang lugar lang kayo ng kalaban." Tumango lang kami sa sinabi niya. "Wag na kayong mag alala, Don Erickson. Kayang kaya naming sila!" Puno ng paniniwala ang boses ni Mae. "How can you be so sure?" Tanong ni Rose habang nakataas pa ang mga kilay. "Duh? Ang tatanda na kaya nila. Di na sila makapag away ng maayos noh! Baka nga aatakihin sila ng rayuma nila in the middle of our fight." Nakangising sabi ni Mae. Tumawa naman kami. "Ano ba kayo! Di niyo man lang naisip na may nasasaktan na pala sa sinabi niyong, 'Matanda!'" Nakangising sabi ni Ryl. Halatang inaasar si Don Erickson. Napatingin naman kami sa ngayo'y nakasimangot ng si Don Erickson, "Kayo talaga! Palagi niyo nalang ako inaasar. Mag silayas!" Sigaw nito saamin. Natatawang lumabas naman kami sa kanyang silid.       3RD PERSON Habang naglalakad ang 5Queens pabalik sa Secret Ground, ang lahat ng mga tao sa Secret Ground ay napatingin sa pintuan ng bumukas ito ng marahan. Napatahimik naman ang lahat at tila nanigas sa kanilang nakita. Nakangisi ang bagong pasok na lalake habang naglalakad patungo sa gitna. 'Demon' Isip ni Mark habang tinitingnan ng masama ang lalakeng nasa gitna. Si Demon nga ang lalakeng nasa gitna.Ang mga tauhan niya naman naka tayo lang sa bungad ng pintuan. Inilibot ni Demon ang kanyang paningin bago siya nagsalita. "Hello, fellas."  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD