Twenty-two : The legendary and the 5Queens
3RD PERSON
Malapit na ang 5Queens sa pinaka main ng Secret Ground at napansin naman nila ang katahimikan. Nagtatakang nagkatinginan silang lima.
'Bakit ang tahimik nila?' Ang tanong na naglalaro sa kanilang isipan.
Alam nilang may nangyayaring di maganda kaya hinanda nila ang kanilang sarili.
Napatigil naman sila at nagkatinginan ng may nagsalita.
"Hello, fellas."
Hindi sila pwedeng magkamali. Ang boses na yon ay pamilyar. Ang boses ni-
"Demon." Sabay na sambit nang 5Queens. Naikuyom naman ni Maj ang kanyang kamay.
"Mapapatay ko talaga ang gagong yon!" Sabi ni Maj na halatang galit nag alit sa lalakeng yon.
Pinigilan naman siya ng apat.
"Bitawan niyo ko." Inis na bulong niya.
Dahil sa lakas ni Maj ay naka alis siya at dali daling lumiko at bumungad sa kanya ang Battle area. Hinanap niya si Demon na nasa gitna pala ng Secret Ground.
"Oh, akala ko ba nandito ang pinagmamalaki niyong 5Queens? Saan na sila? Naduwag?" Pang aasar ni Demon.
Di namalayan ni Maj na nasa tabi na niya pala ang kanyang mga ka grupo at ngayo'y nagpipigil din ng galit katulad niya.
"Eh wala naman pala yang 5Queens niyo eh! Mga duwag sila!" Halakhak nito.
Di na napigilan ni Maj at sinugod niya si Demon.
"Shut the fvck up, you old man!" Sigaw ni Maj at sinuntok si Demon sa tiyan. Hindi niya inasahan na susulpot nalang bigla si Maj at suntukin siya nito ng pagkalakas lakas kaya napa luhod siya.
"Masakit ba, old man? Wala pa yan sa kalahati ng lakas ko." Malamig na sabi ni Maj kay Demon na ngayo'y nakaluhod at umuubo ng dugo. Wala pa sa kalahating lakas yun ni Maj? Eh kulang nalang lumabas ang mga lamang loob ni Demon sa suntok niyang yun!
"Maj.." Tawag ni Cole sakanya at hinila si Maj papalayo kay Demon.
"Gago ka pala, eh!" Sigaw ni Ryl pero hindi siya sumugod.
"Gusto mo na atang tumira sa sementeryo." Sabi ni Rose.
Tumayo naman si Demon na nakangisi.
"H-huh. Yan lang ba ang kaya niyo? Hahaha! Parang kagat lang ng lamok!" Sigaw nito sa 5Queens. Eh gago pala siya eh. Umubo na nga ng dugo! Pero parang kagat lang nang lamok yun? Nakahithit ata si Demon eh!
Napailing nalang ang 5Queens habang ang mga tao na nasa loob ng Secret Ground ay pinapanood lang silang anim na parang nanonood lang ng action movie.
Susugudin na sana ng 5Queens si Demon ng biglang may pumalakpak.
Napatingin naman ang lahat sa isang babaeng na nasa may pintuan na siyang pumalakpak.
"Kahit kelan ang yabang yabang mo talaga, Demon." Nakangising sabi ng babae at lumakad papunta sa kanila.
"Marlisse." Sambit ni Demon.
"Kamusta, Demon? It's been a long time since the last time na nagkita tayo." Nakangising sabi ni Marlisse.
"Oo nga." Nakangising sabi ni Demon.
Lahat ng atensyon ay nakatutok sa kanilang dalawa. Nagkaharapan ang leader ng isang legendary girl gang na si Marlisse at ang leader ng legendary rank 3 na si Demon.
Lahat ay tahimik. Even the 5Queens, too. Nagtagisan ang tingin ng dalawang legendary.
"Anong kaguluhan ang nangyayari dito?" Napatingin naman sila pinanggalingan ng boses na yon. It was Don Erickson.
"Wala naman, Honey." Sagot ni Marlisse na siyang asawa pala ni Don Erickson.
"Ayaw kong magkapatayan kayo, ngayon. Wait for the yearly bloody battle at doon na kayo magkapatayan." Malamig na saad ni Don Erickson.
"Alis na kami." Malamig na paalam ni Cole at lumabas na ang 5Queens sa Secret Ground. At dahil nakaharang ang mga tauhan ni Demon sa may pintuan, tinapunan lang nila ng masamang tingin ang mga humaharang na agad namang nag give way para makadaan sila. Takot lang nila na mapatay sila ng 5Queens!
Tahimim na umalis din ang Bad Royalty gang sa lugar na yon. Kahit gusto nilang mag stay, eh tinawagan sila ni Boss JK na pumunta sa office niya kaya wala na silang nagawa.
"Don't you ever lay your dirty finger on them or else-"
"Or else what? Papatayin mo ang isa ko pang anak? Magkamatayan muna tayo bago mo magawa yun." Putol ni Demon kay Don Erickson.
Napatigil naman si Don Erickson at ilang sandal ay tiningnan niya si Demon.
"Hindi ko pi-"
"Sinungaling! Kitang kita ko kung paano mo pinatay ang aking anak! Kaya hinding hindi ako titigil hanggang mapatay ko din ang iyong anak." Sabi ni Demon bago siyang umalis kasama ang kanyang mga tauhan.
"Kung alam mo lang sana." Malungkot na sabi ni Don Erickson sa kanyang sarili.