Twenty-three : Rena's other side
MARA JESSICA
Teka, asan ako? Infairness, ang ganda dito ah! Nasa isang garden ata ako. Maraming magagandang bulaklak at marami ding paru-paro. Hala! Ba't naka dress ako ngayon?! Sa pagkaalala ko naka t shirt at naka shorts ako, ah?
"Mara?" Napatingin naman ako sa likod ko ng may nagsalita. Oh my gosh! Tao ba to? Ba't ang gwapo?! Baka isang god ito! O kaya anak ito ng isang greek god?
"Sino ka?" Tange, Mara! Sana tinanong mo nalang kung pwede na kayong magpakasal!
Ngumiti naman siya at lumapit ng kaunti. Omg, ang gwapo niya talaga! Kyaaahhh.
"Si AL, toh. Ang future husband mo." Nakangiting sabi niya sakin. Hihimatayin ata ako! Siya? Future husband ko? I can't believe it!!! Kyaahh!!!! Can't contain my feels!!
"Mara." Tawag niya uli.
"Mara. Mara. Mara!" Patuloy na pagtawag niya sakin. Teka, ba't naging babae na ang boses nito?
"MARAAAA!!!!!"
Napabalikwas naman agad ako ng bangon, "Aray ko naman, Jana! Makasigaw naman!" Nakasimangot na sabi ko sakanya sabay tayo sa aking higaan.
"Eh sa hindi ka magising eh." She replied. Hindi ko na siya pinansin at tumungo nalang sa banyo.
"Good morning!!!!!" Napapitlag nalang ako ng may sumigaw pagkalabas ng pagkalabas ko sa kwarto.
Tiningnan ko na parang na we weirdo-han ang babaeng sumigaw na ngayo'y tumatakbo pababa ng hagdan.
"Araw ata niya ngayon." Di ko namalayan na nasa tabi ko na pala si Cass na siyang nagsalita. Napatango nalang ako. This would be a crazy day!
"Ang saraaaaaaap!" Nakangiting sigaw nito habang kumakain. Kaming apat naman ay tinitingnan siya ng kakaiba habang kumakain.
-----
"Hey, girls." Nakangiting bati ng lima samin ng pumasok na kami sa room.
"HI!" Napapitlag naman sila ng sumigaw si Rena. Napatawa nalang si Rena ng napakalakas lakas dahil sa reaction ng limang lalake.
Tiningnan nila ng kakaiba si Rena bago nila kami tingnan na may pagtataka.
"Pasensya na. Ganyan talaga siya kapag-you know." Sabi ni Jana.
"Kapag gutom siya?" Tanong ni Christian.
Umiling naman kami, "She's acting like that when she's on her period." Sagot ni Mark at umiling iling. Na trauma na ata to sa pinanggagawa ni Rena sakanya no'ng 10 years old pa kami. Sinong hindi mat-trauma kapag nilock ka sa isang madilim na silid at bigla bigla nalang mag oon ang tv at horror movies ang lumalabas for three hours?! Ganyan kasi ang ginawa ni Rena sakanya noon ng first period niya eh. Nang lumabas si Mark sa may silid eh basa yung shorts niya. Yun pala umihi siya sa kanyang shorts dahil sa takot. Pfft.
"Hi Mark!" Nakangiting bati ni Rena sakanya. Bigla namang sumiksik si Mark kay Ashton.
"Hoy, bro. Di tayo talo." Nandidiring sabi ni Ashton sakanya. Tumawa naman ako, "Hayaan mo na siya, Ash. Na trauma ata sa ginawa ni Rena sakanya." Nakangiting sabi ko. Napatango naman siya.
LUNCH
"Hi, Mark!"
Akala ko magiging peaceful yung araw ko ngayon dahil absent siya. Kaninang umaga lang pala.
Tumabi naman si Melanny kay Christian na tahimik na kumakain habang pinagmamasdan si Rena na nasa kabila niya.
"Ba't mo nilagyan ng ketchup at toyo yung kanin mo?" Tanong ni Christian kay Rena. "Ewan! Gusto kong i-try to." Nakangiting sagot ni Rena sakanya. Napatulala naman si Christian nang ngumiti si Rena. Baka nainlove na si Christian sa ngiti ni Rena?
Napatingin naman ako kay Melanny na tinitingnan pala si Rena, "Gross." Mahinang bulong nito ng umiwas siya dito at napangiwi nalamang. Umirap naman ako. Arte.
"Masarap ba?" Tanong ni Anthony kay Rena ng makita niyang kinain na ni Rena ang kanyang Lunch. Nakangiting tumango si Rena sakanya at nag thumbs up pa.
Nilagyan din ni Anthony ang kanyang kanin ng ketchup at toyo at tinikman ito, "Okay naman ang lasa." Sabi ni Anthony at nagpatuloy na sa pagkain.
"Ano ba naman yan? Ang bababoy niyo." Nandidiring saad ni Melanny. Napatingin naman kaming mga girls ng masama sakanya. Except for Rena na walang pakialam at patuloy lang na kumakain.
"Look, Mel. Kung nandidiri ka, umalis kanalang sa table namin at maghanap ka ng sarili mong table kung di mo kaya ang mga nakikita mo." Malamig na sabi ko sakanya. Tinaasan naman niya ako ng kilay. Aba taray! Pero sorry ka, mas mataray ako sayo!
"Bakit hindi nalang kayo ang umalis?" Mataray na sabi nito.
"She's right-" Naputol ang sasabihin ni Mark ng sumingit si Melanny.
"See?" Nakangising sabi nito.
"She's right, Mel. Kung hindi mo kayang tingnan sila, edi umalis ka! Ang arte mo naman." Sabi ni Mark sakanya.
Now it's my turn to smirk. Binelatan naman siya ng mga girls.
Tiningnan naman ni Melanny si Mark, "But I thought ako yung gusto mo? Bakit mo naman-" Di na natapos ni Melanny ang kanyang sasabihin.
"Sinong nagsabi na gusto kita? For your information ikaw yung nagpakalat na may gusto ako sayo. Nagulat nga ako ng malaman ko yon, eh. Hinayaan ko na lang yun since nasa grade 7 palang naman tayo non. Akala ko nga may bago kanang gusto ng lumipat ka nung grade 8 tayo. Pero mali pala ako. Hanggang ngayon ay patay na patay ka parin sakin." Mahabang pahayag ni Mark.
Napasinghap nalang si Melanny at tumayo. Wala siyang masabi kaya umalis nalang siya dahil sa kahihiyan. Ano ka ngayon, ha?
Nakita kong palihim na ngumiti si Jana. Pinanliitan ko siya ng mata. Alam ko namang may gusto siya sa kapatid ko, eh. Di pa niya sabihin! Eto naman kasi si Kambal, manhid na nga, torpe pa! Hay naku.
RENA COLEEN
Napatigil naman ako sa pag-kain at tiningnan si Melanny ng tumayo ito at lumayas.
"Napano yun?" Tanong ko sakanila. "Kumain ka na nga lang jan!" Sabi sakin ng katabi ko na si Christian.
"Oo na po, Nay." Sabi ko at umismid.
Napatawa naman ang mga kasamahan ko at si Christian naman ay napakamot nalang ng ulo.
"Oh, ba't mo kinakamot yung ulo mo? May kuto kaba?" Inosenteng tanong ko na siyang ikinatawa pa lalo ng mga kasama ko.
"Tumahimik ka na nga lang!" Inis na sabi ni Christian sakin.
"Pano kung ayaw ko? It's my mouth kaya wala kang pake kung iingay ako." Sabi ko sakanya at binelatan siya bago ako kumain uli.
CHRISTIAN RYU
Sumasakit ang ulo ko sa babaeng 'to! Daig pa ang isang seven years old.
"Punta tayo park mamaya?" Nakangiting sabi ni Anthony. Napatango naman kami bilang pagsang ayon.
"Malapit na yung exam natin-" Naputol naman ang sasabihin ni Kielyn.
"Hayaan mo na yun, Kie. Mag enjoy nalang tayo. Super talino mo na kaya." Sabi ni Cassandra sakanya.
"Pero-" "No buts, Kie!" Nakangising sabi ni Jana kay Kielyn. Nagbuntong hininga nalang si Kielyn at tumango.
AFTER CLASS
Naglalakad kami ngayon sa park. May iilan ding estudyante na nandito ngayon sa park. Hay.. Ang sarap ng hangin dito. Nabigla naman ako ng hilain ako ni Rena.
"Chris, Chris! Tara bili tayo ng Kwek-kwek!" Nakangiting aya nito.
Tumango naman ako at hinayaan siyang kaladkrin ako papunta sa mga nagtitinda ng mga streetfoods.
"Manong, anim na kwek kwek nga ho!" Sabi niya kay manong. Tumango naman si manong at agad na niluto ang kwek kwek. Kumuha naman ako ng pera at binayad kay manong.
Tiningnan naman ako ni Rena na kumikinang pa ang mga mata at nakangiti pa siya. Ang ganda talaga niya kapag nakangiti. Di ko napigilan ang sarili ko kaya hinali- ngumiti din ako sakanya. Kayo ah!
"Oh!" Inabot niya sakin ang tatlong kwek kwek na nasa stick. Di ko namalayan tapos na pala si kuya na lutuin yung kwek kwek. Yan kasi, Christian eh! Ba't mo ba siya tinitingnan? Tinitingnan? O tinitigan?
Kinuha ko naman ang kwek kwek at isinawsaw ito sa sauce. Ganun din siya. Babalik na sana kami sa barkada naming ng mapansin ko na wala na pala sila. San na kaya sila?
Ma text nga- Ay shyet. Wala pala akong load.
Tiningnan ko naman si Rena na busy-ing busy sa pagkain.
"May load ka?" Tanong ko sakanya. Napatingin naman siya sakin at umiling.
"Nakay Jana yung phone ko." Naku naman! Bahala na nga. Hahanapin nalang namin sila.
Nagsimula naman kaming dalawa na maglakad.
3RD PERSON
Habang naglalakad si Rena at Christian, sa likod ng mga halaman ay may mga taong nagtatago doon at pinagmamasdan sila habang naglalakad.
Tumili naman bigla ang isang babae.
"Tumahimik ka nga, Cass! Baka marinig ka nila." Sita ni Mara.
"Eh sa kinikilig ako, eh." Mahinang tili ni Cass.
Ang mga lalake naman ay tutok na tutok sa pagtingin sa dalawa nilang kasama na pinagtataguan nila.
"Dalaga na talaga si Chris." Sabi ni Ashton at umiling iling habang nakangiti.
"Sinabi mo pa!" Pag sang ayon ng mga boys at tumawa naman sila.