Thirty-nine : Suspecting JAMES MARK Nandito na kami ngayon sa school. Wala naman kaming masyadong ginagawa dito dahil sa malapit na ang foundation day eh busy ang mga teachers at SSG officers sa pagplano. I'm sure hindi mawawala ang Mr. and Ms. na yan eh. Sana walang horror house. Lintek kasi si Rena eh ayan tuloy nagkatrauma na ko sa mga horror movies or kung ano pang mga nakakatakot. "Class alam niyo naman na malapit na ang foundation day natin. Gusto ko kayong lahat na magparticipate and there will be plus 5 in your grade sa subject ko. Sa meeting namin napagkasunduan namin na every section ay may kanya kanyang booths since every grade ay dalawa lang ang section. So class pag isipan niyo na kung ano ang magiging booth niyo sa upcoming foundation day. This will be your free time to th

